7. KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT
SA PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConnell
at Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles,Problems, and Policies ang
kahalagahan ng pagsukat sa pambansang
kita ay ang sumusunod:
8. 1. Ang sistema ng pagsukat sa
pambansang kita ay nakapagbibigay
ng ideya tungkol sa antas ng
produksiyon ng ekonomiya sa isang
partikular na taon at maipaliwanag
kung bakit ganito kalaki o kababa
ang produksiyon ng bansa.
9. 2.Sa paghahambing ng pambansang
kita sa loob ng ilang taon, masu-
subaybayan natin ang direksiyon na
tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kungmay nagaganap na
pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
10. 3. Ang nakalap na impormasyon mula
sa pambansang kita ang magiging
gabay ng mga nagpaplano sa
ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisiya na makapag-
papabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.
11. 4.Kung walang sistematikong paraan sa
pagsukat ng pambansang kita, haka-
haka lamang ang magiging basehan
na walang matibay na batayan.
Kung gayon, ang datos ay hindi
kapani-paniwala.
12. 5.Sa pamamagitan ng National Income
Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.
13. GROSS NATIONAL INCOME
Ang Gross National Income (GNI)
na dating tinatawag ding Gross
National Product ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng
mga produkto at serbisyo na nagawa
ng mga mamamayan ng isang bansa.
14. Kalimitang sinusukat ang GNI sa
bawat quarter o sa loob ng isang taon.
Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi
ng isang bansa. Para sa
paghahambing, ginagamit na
pamantayan ang dolyar ng US.
15. PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL
INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC
PRODUCT (GDP)
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross
National Income ang kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng itinakdang panahon.
16. Mga mamamayan ng bansa ang
nagmamay-ari ng mga salik ng
produksiyong ito kahit saang bahagi ng
daigdig ito ginawa.
17. Ang Gross Domestic Product naman
ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa loob ng isang bansa
18. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng
produksiyong ginamit upang mabuo
ang produkto at serbisyo maging ito
ay pagmamay-ari ng mga dayuhan
na matatagpuan sa loob ng bansa
ay kasama dito
19. kinita ng mga nabanggit na dayuhan
dahil hindi naman sila mga
mamamayan ng bansa.
20. kinita ng mga nabanggit na dayuhan
dahil hindi naman sila mga
mamamayan ng bansa. Sa kabilang
banda, ang kinita ng mga dayuhang ito
sa Pilipinas ay isinasama sa
pagkuwenta ng Gross National
Income ng kanilang bansa.
21. Halimbawa, ang kinita ng mga
Overseas Filipino Workers na
nagtatrabaho sa Singapore ay
ibinibilang sa pagkuwenta ng
Gross Domestic Income ng Singapore
ngunit hindi kabilang sa Gross
National Income ng bansang ito
22. Sa halip, ang kinita ng mga naturang
OFW ay binibilang sa Gross National
Income ng Pilipinas.
23. MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI
Ayon kay Villegas at Abola (1992),
may tatlong paraan ng pagsukat sa
Gross National Income:
(1) pamamaraan batay sa gastos
(expenditure approach),
24. (2) pamamaraan batay sa kita ng
sangkap ng produksiyon
(income approach), at
(3) pamamaraan batay sa
pinagmulang industriya
(industrial origin approach).
25. Paraan Batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay
binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan, at panlabas na sektor.
Ang pinagkakagastusan ng bawat
sektor ay ang sumusunod:
26. a. Gastusing personal (C) –
napapaloob dito ang mga gastos ng
mga mamamayan tulad ng pagkain,
damit, paglilibang, serbisyo ng
manggugupit ng buhok, at iba pa.
Lahat ng gastusin ng mga mamamayan
ay kasama rito.
27. b. Gastusin ng mga namumuhunan (I
-kabilang ang mga gastos ng mga
bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa
opisina, hilaw na materyales para sa
produksiyon, sahod ng manggagawa
at iba pa
28. c.Gastusin ng pamahalaan (G) –
kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
proyektong panlipunan at iba pang
gastusin nito
29. d. Gastusin ng panlabas na sektor
(X – M) – makukuha ito kung
ibabawas ang iniluluwas o export sa
inaangkat o import.
30. e. Statistical discrepancy (SD) – ang
anumang kakulangan o kalabisan sa
pagkuwenta na hindi malaman kung
saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng
datos o impormasyon.
31. f. Net Factor Income from Abroad
(NFIFA) – tinatawag ding Net Primary
Income. Makukuha ito kapag
ibinawas ang gastos ng mga
mamamayang nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob
ng bansa.
33. Ang formula sa pagkuwenta ng
Gross National Income sa
pamamaraan batay sa paggasta o
expenditure approach ay:
GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA.
34. Pag-aralan at suriin ang talahanayan
ng GNI at GDP ng ating bansa noong
2012-2013 na makikita sa ibaba.
35. 2. Paraan Batay sa Pinagmulang
Industriya (Industrial Origin/Value
Added Approach) Sa paraang batay
sa pinagmulang industriya,
masusukat ang Gross Domestic
Product ng bansa kung pagsasamahin
ang kabuuang halaga ng produksiyon
36. ng mga pangunahing industriya ng
bansa. Kinapapalooban ito ng sektor
ng agrikultura, industriya, at serbisyo.
Sa kabilang banda, kung isasama ang
Net Factor Income from Abroad o
Net Primary Income sa kompyutasyon,
masusukat din nito ang Gross National
Income (GNI) ng bansa.
38. 3. Paraan Batay sa Kita (Income
Approach)
a. Sahod ng mga
manggagawa - sahod na ibinabayad sa
sambahayan mula sa mga bahay-
kalakal at pamahalaan
b. Net Operating Surplus –
tinubo ng mga korporasyong pribado
39. at pag-aari at pinatatakbo ng
pampamahalaan at iba pang mga
negosyo
c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng
yamang pisikal bunga ng pagkaluma
bunga ng tuloy tuloy na paggamit
paglipas ng panahon.
40. d. Di-tuwirang buwis – Subsidya
1. Di-tuwirang buwis – kabilang dito
ang sales tax, custom duties, lisensiya
at iba pang di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya – salaping binabalikat
at binabayaran ng pamahalaan nang
hindi tumatanggap ng kapalit na
produkto o serbisyo. Isang halimbawa
41. nito ang pag-ako ng pamahalaan sa
ilang bahagi ng bayarin ng mga
sumasakay sa Light Rail Transit.
43. Tinalakay natin sa unang aralin
kung papaano sinusukat ang
pambansang kita. Tandaan na ang
pampamilihang halaga ng tapos na
produkto at serbisyo ang binibilang sa
pambansang kita at hindi ang
kabuuang dami nito.
44. Paano kung nagkaroon ng
pagtaas o pagbaba sa presyo ngunit
hindi naman nagbago ang kabuuang
bilang ng nabuong produkto sa
ekonomiya?.
45. Paano kung nagkaroon ng
pagtaas o pagbaba sa presyo ngunit
hindi naman nagbago ang kabuuang
bilang ng nabuong produkto sa
ekonomiya?
46. Kung ihahambing ang pambansang
kita sa taon na nagkaroon ng
pagbabago sa presyo, hindi na
magiging kapani-paniwala ang
paghahambing. Dito papasok ang
kahalagahan ng pagsukat sa
real/constant price na pambansang
kita.
47. Ang Gross National Income sa
kasalukuyang presyo (current o nominal
GNI) ay kumakatawan sa kabuuang
halaga ng mga natapos na produkto at
serbisyong nagawa sa loob ng isang
takdang panahon batay sa kasalukuyang
presyo.
48. Sa kabilang banda naman, ang real o GNI
at constant prices ay kumakatawan sa
kabuuang halaga ng mga tapos na
produkto at serbisyong ginawa sa loob
ng isang takdang panahon batay sa
nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng paggamit ng batayang taon o base
year.
49. Sa pagsukat ng kasalukuyan at totoong
GNI, kailangan munang malaman ang
Price Index. Sinusukat ng Price Index
ang average na pagbabago sa presyo ng
mga produkto at serbisyo. Malalaman
kung may pagtaas o pagbaba sa presyo
ng mga produkto at serbisyo sa
Pamamagitan ng Price Index.
51. Ang pagkuha sa price index ay makikita
sa halimbawa sa ibaba. Ipagpalagay na
ang batayang taon ay 2006. Batay sa
formula ng price index, sa pagitan ng
taong 2006 at 2007, ang price index ay
109.5. Ipinapakita nito na nagkaroon ng
9.5% na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.
52. Samantala, 24 % ang itinaas ng presyo
ng mga bilihin noong 2007 hanggang
2008. Nagtala ng 35% na pagtaas ng
presyo mula 2008 hanggang 2009.
Pinakamalaki ang itinaas ng presyo
noong 2009 patungong 2010 na umabot
hanggang sa 52%.
54. Mahalagang malaman ang real/constant
prices GNI dahil may pagkakataon na
tumataas ang presyo ng mga bilihin na
maaring maakapekto sa pagsukat ng GNI.
Dahil pampamilihang halaga ang ginamit
sa pagsukat ng GNI, lalabas na mataas ito
kung nagkaroon ng pagtaas sa presyo
55. kahit walang pagbabago sa dami ng
produksyon. Sa pagkakataong ito, mas
mainam na gamitin ang real o constant
prices GNI. Ginagamit ang real/constant
prices GNI upang masukat kung talagang
may pagbabago o paglago sa kabuuang
produksiyon ng bansa nang hindi
naaapektuhan ng pagtaas ng presyo.
56. Malalaman ito sa pamamagitan ng
pormula sa ibaba upang masukat
ang real GNI.
Kung ating susuriin, mas mababa ang
real/constant prices GNI kompara sa
nominal/current price GNI dahil
gumamit ng batayang taon upang
hindi maapektuhan ng pagtaas
57. ng presyo ang pagsukat sa Gross National
Income ng bansa.
Mas kapanipaniwala ang ganitong
pagsukat dahil ito ang tunay na
kumakatawan sa kabuuang produksiyon
ng bansa na tinanggal ang insidente ng
epekto ng pagtaas ng presyo.
58. ng presyo ang pagsukat sa Gross National
Income ng bansa.
Mas kapanipaniwala ang ganitong
pagsukat dahil ito ang tunay na
kumakatawan sa kabuuang produksiyon
ng bansa na tinanggal ang insidente ng
epekto ng pagtaas ng presyo.
60. Malalaman naman kung may natamong
pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan
ng growth rate. Gamit ang pormula sa
ibaba upang masukat ang growth rate
ng Gross National Income.