Pambungad para sa kapaliwanagan ng 40 Hadith ni Imam Nawawi
1 of 3
Download to read offline
More Related Content
PAMBUNGAD PARA SA 40 HADITH NI IMAM NAWAWI
1. 惡愕 悋 悋惘忰 悋惘忰ル
悒 悋忰惆 忰惆 愕惠惺ル 愕惠愃惘 愕惠惆 惺悵 惡悋 愆惘惘 悖愕悋 愕リωж 悖惺悋悋 惆 悋 悋 惷 惷 悋 悋惆 悖愆惆 悖
悋 悒 悒悋 悋 忰惆 悋 愆惘 悖愆惆 悖 忰惆悋 惺惡惆 惘愕
Lahat ng papuri ay inuukol lamang sa Allah, purihin natin ang Allah, humingi tayo ng saklolo sa Kanya, sa Kanya
lamang tayo humingi ng kapatawaran at gabay, tayoy magpakupkop sa Allah mula sa kasamaan ng ating mga
sarili at kasamaan ng ating mga gawa. Sino man ang gabayan ng Allah walang sino man ang makapagliligaw sa
kanya, at sino man ang Kanyang iligaw ay walang sino man ang makapaggagabay sa kanya (maliban lamang
Siya). Akoy sumasaksi na walang ibang Panginoon na dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban na lamang ang
Allah ang Nag-iisa walang pagtatambal sa Kanya at si Muhammad ay alipin at sugo ng Allah.
Pagpapakilala sa 40 Hadith:
Ang mga likom na 40 Hadith ni Imam an-Nawawi ay isa sa mga mahalagang paglikom ng mga Hadith na
mayroon tayo ngayon. Ang katunayan, ang bilang ng Hadith na naitala ni Imam an-Nawawiy ay 42 para sa
paglilikom na ito at hindi 40. Si Imam Nawawi ay kabilang sa tanyag na pantas sa Islam, namuhay siya noong
ika 631 hanggang sa 676 na taon pagkatapos ng Hijra, siya ay binawain ng buhay sa edad na ika 45 taong
gulang. Pinagkalooban siya ng Allah ng biyaya at tagumpay sa kanyang ginawa, dahilan sa dakilang
naiambag niya sa Islam bago pa man niya lisanin ang daigdig sa murang edad.
Si Imam Nawawiy ay isang paham sa larangan ng ibat ibang pag-aaral tungkol sa Islam. Ang napakalawak na
kanyang mga gawa sa ibat ibang larangan ay napakahalaga at dakila, na kung ang bawat tao ay
magpapasya na pag-aralan ang Fiqh, Hadith, ispirituwalidad, o ang Quran, ay kinakailangan niya munang
pagdaanan si Imam an-Nawawiy. Maliban pa sa 40 hadith na kanyang naitala ay may mga ibang tanyag ding
mga aklat na siya ang may akda na tulad halimbawa ng Riyadh al-Saliheen, Al-Adhkar, at ang kanyang
paliwanag sa aklat na Sahih Muslim at Sahih Bukhari.
Si Imam Nawawi ay kabilang sa mga nangungunang iskolar ng madhhab Shaafi at ang pinakamalaki at
pinakamasaganang aklat na kanyang naisulat ukol dito ay tinatawag na Al Majmua na may kabuuang 30 na
mga aklat (volumes). Napapaloob sa aklat na ito ang mga usapin sa larangan ng Fiqh dahil pinagsama niya
dito ang ibat ibang pananaw mula sa ibat ibang madhhab sa ilalim ng ibat ibang paksa.
Panimula:
Inumpisahan ni Imam Nawawiy ang 40 Hadith na may kasamang pambungad. Madalas na pagkakamali natin
sa tuwing tayo ay magbabasa ng isang aklat ay ang kawalan ng pagsilip o sadyang kaligtaan ang
pagbabasa ng pambungad o di naman kaya ang mabilisang pagbabasa nito. Ito ay isang maling gawain sa
nagbabasa, lalong lalo na kapag ang binabasa natin ay tungkol sa pang-Islamikong agham o kaalaman.
Nararapat na pasukin at alamin muna natin ang pinakapunto na dapat natin malaman na kinakailangan natin
malaman sa mga bagay na ipapahayag natin sa ibang tao. Ito ang mahalaga sa larangan ng nagdadala ng
Daawah. Sa kanyang pambungad, sinasabi ni Imam Nawawi sa atin kung gaano kahalaga kung bakit niya
nailathala ang aklat na ito, ano ang nag-udyok sa kanya sa pagsulat ng kanyang aklat at ito ang mahalagang
pag-unawa sa layunin sa likod ng isang gawa.
Mga Puntos Mula sa Pambungad ni Imam Nawawi:
1.) Dahilan sa likod ng kanyang paglikom.
2. Sinimulan ni Imam Nawawi sa pamamagitan ng pagbanggit ng isang salaysay na nagmula kay Propeta
Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) na naging pangunahing dahilan sa kanyang paglikom ng 40 hadiths.
Sa pagkakasabi sa Hadith na ang sino mang nakasaulo ng 40 na mga Hadith na mula sa mga Hadith ni
Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) ay babangunin siya ng Allah sa Araw ng Paghuhukom mula
sa mga paham o iskolar ng Islam. Gayon pa man, ito ay binigyang linaw ni Imam Nawawi na ito ay mahinang
Hadith o Hadith Daeef.
Uri ng Hadith:
Ito ay napakahalaga dahil lagi nating malalaman kung ano ang mga pinagkukunan ng ating impormasyon o
kaalaman, kung ito ba ay mapagkakatiwalaang hadith o hindi, kung ito ba ay Sahih hadith mapananaligan o
di naman kaya ay Hasan tama o mabuti o Daif hadith mahina at kung papaano naging katanggaptanggap ang isang hadith. Ukol naman sa paggamit ng daif hadith mahinang hadith ay may mahalaga at
malalim na pagkakaiba sa pananaw ng mga pantas. Sa usaping ito ay mayroong tatlong pangunahing
madhhab tungkol sa mga mahinang hadith:
1- Isa sa mga madhhab ay nagsabi na maari mo itong gamitin ang mahinang hadith daif kung kailan
mo naisin gamitin. Ang pananaw na ito ay hindi gaanong malakas.
2- Samantalang ang ibang madhhab o school of thought ay nagsabi ay hindi kailanman maaring
gamitin ang mahinang hadith daif.
3- Ang pinakahuling pananaw ukol dito, ay maari lamang gamitin ito kapag pinag-usapan ang tungkol sa
mga kabutihang gawa bilang pagpapaalala. Ito ang pananaw ng karamihan sa mga pantas at ito ang
tinutukoy ni Imam Nawawi sa kanyang pambungad.
Mga saligan sa paggamit ng mahinang hadith sa ganitong pamamaraan:
1- Ang mga mahinang hadith daif hadith na may kaugnayan sa mga kabutihan, gawain, paalala, atbp.
Ngunit walang kaugnayan sa ahkam, pagsasabatas o kaugnayan sa aqeedah o
pananampalataya.
2- Hindi sukdulan ang pagiging mahinang hadith nito, bilang pangkalahatan matatawag itong mahinang
hadith hadith daif ngunit may mahigit tatlumpu hanggang apatnapung ibat ibang pag-uuri ng
hadith daif na kasama pa ang mas higit na mahina kaysa sa iba.
3- Ang hadith na nasa ilalim ng pangkalagatang alituntunin ay hindi nagdadala ng anumang bagay na
makabago bagkus ito ay bilang karagdagan lamang.
Halimbawa: Mayroon tayong katanggap tanggap na hadith hinggil sa kahalagahan ng Surah Ikhlas at
mayroon ding mahinang hadith na nagsasabi nang ganoong bagay, sa ganitong kalagayan ay
maaring gamitin ang mahinang hadith.
Ang usaping napapalibutan ng paggamit ng mahinang hadith ay bagay na higit na komplikasyon o hindi
pinagkasunduan ng mga pantas. May ibat ibang pananaw ukol dito at nararapat nating alamin bilang
nagsasaliksik ng kaalaman na ang komplikasyong ito ay maaring mangyari, kayat naman pinakamainam sa
atin hanggat maari ay hindi natin pwedeng gamitin ang mahinang hadith, para maiwasan ang anumang
pagtatalo.
Ganon pa man, pinaliwanag ni Imam Nawawi tungkol sa naunang binanggit hinggil sa sa pagsaulo ng
apatnapung hadith ay hindi lamang ito ang dahilan kung bakit niya naisipang isulat ang aklat na 40 hadith,
may mga ibang hadith na kanyang sinipi na ito ay mga mapananaligang hadith tungkol sa pagsasaliksik at
pagpapalaganap ng kaalaman.
2.) Pamantayan sa Pagpili ng mga Hadith para sa Kanyang Paglikom:
3. Ayon kay Imam Nawawi, may mga tao na sumulat at naglikom ng 40 hadith bukod sa kanya ayon sa ibat
ibang tema, na tulad halimbawa ng Zuhod (aestheticism). Ngunit sa kanyang mga likom na 40 hadith ay
minabuti niyang piliin ang mga hadith na malawak ang kahulugan at saklaw ang lahat ng bahagi ng Relihiyon.
Mga maiiksing hadith lamang upang madaling sauluhin at tinitiyak niya ang mga hadith na kanyang nilikom ay
lahat katanggap-tanggap kung hindi man umabot ang iba nito sa ganap na mapapanaligan.
Tunay na nagtagumpay si Imam Nawawi sa paglikom ng mga hadith na ayon sa kanyang adhikain. Ang mga
hadith na kanyang nilikom ay sadyang napakalawak nito sa bawat aspeto ng pananampalataya. Kayat
naman tinagubilin ni Imam Hassan al-Banna sa lahat ng aktibong nagpapalaganap ng daawah na sauluhin
nila ang 40 hadiths ni Imam Nawawi, na may kasamang pagbabasa at pagsasaulo ng Banal na Quran, sa
kadahilanang ang mga ito ay napakalawak at angkop sa anumang kalagayan.
Jawami' al-Kalam
Ang dahilan kung bakit napakadaling maging malawak sa apatnapung hadith lamang ay dahil sa ang
Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) ay pinagkalooban ng jawami al kalam (malawak na
pananalita o talumpati- comprehensive speech). Sinabi niya sa kanyang hadith;
悖惺愀惠 悴悋惺 悋悋
at akoy pinagkalooban ng malawak na pananalita isinalayasay ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu)
Ang ibig itukoy dito, na tulad ng sinabi ng isang dakilang iskolar sa Islam na pumanaw noong nakaraang unang
siglo ng Hijri na si Imam as-Zuhri (rahimuhullah);
Tulad ng anumang dumating sa atin mula sa pag-unawa sa napakalawak na salita na ipinagkaloob sa
Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam), ay binigyan siya ng Allah ng kakayahan na pagsamahin
ang ibat ibang uri ng idea na maaring isulat sa isang buong aklat, ngunit ang maaring ilalarawan lamang ito
ng Propeta (sallallahu alayhi wa sallam) sa pamamagitan ng ilang pangungusap.
Ito ay mahalagang konsepto dahil minsan hindi natin nabibigyan ng paggalang ang hadith ni Propeta
Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) na nararapat sa pag-unawa kung gaano kadakila ang kanyang
mga sinabi. Ayon din sa kanya (sallallahu alayhi wa sallam);
Tunay na pinagkalooban ako ng malawak na pananalita, at ginawa sa akin ang salita na ganap na maigsi
subalit malaman.
Siya ay may kakayahan na magwika ng payak na pananalita ngunit ang kahulugan nito ay hindi mabilang
nino man, kaya naman ang mga naunang iskolar ay kanilang inumpisahan ang paglikom ng ibat ibang mga
maiiksing hadith upang mapakinabangan ito ng nakararami mula sa kahusayan ng Propeta Muhammad
(sallallahu alayhi wa sallam).
Si Ibn Salah na isa sa mga unang iskolar na naglikom ng ganitong uri ng aklat, siya ay may tanyag na aklat ng
hadith tungkol sa pang-agham na ito ay tinatawag na Al-Muqaddimah (Ang Pambungad). At ang aklat na ito
ay naging batayan na rin ng mga bagong aklat na nailimbag tungkol sa hadith na pang-agham. Sinimulan
niya sa pag-ipon ng mga hadith na nabibigyan niya ng kapaliwanagan at dito nagsimula ang pagbibigay ng
kapaliwanagan sa napakalawak na mga hadith. Umabot siya sa 26 na mga hadith na may kasamang
paliwanag at pagkatapos dumating si Imam Nawawi at sinunod niya ang kanyang yapak. Ginamit ni Imam
Nawawi ang 26 na mga hadith na ipinaliwanag ni Ibn Salah at pagkatapos kanya itong dinagdagan
hanggang sa mabuo niya ang 42 hadiths na ngayon ay kilala sa tawag na Arbaeen an-Nawawi o Imam
Nawawis Forty Hadith.