2. Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na
Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age). Ito ay
hango sa mga salitang Greek na neos o bago at lithos o
bato.
Katangian ng panahong ito ang paggamit ng ibat ibang
kasangkapang bato na higit na pulido at pino, pananatili ng
tao sa mga pamayanan, domestikasyon ng mga pananim at
hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng
palayok at paghahabi.
3. Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng
kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa
Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000
B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang
mga pananim na trigo at barley.
4. Sa pamamagitan ng mga isinagawang pagsusuri sa mga
naiwang buto, ang isang karaniwang tao sa Catal Huyuk ay
tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos 30 taon.
Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang sakahan. Ang mga
tao rito ay nagtatanim ng trigo at barley at nag- aalaga ng
mga tupa at baka.
5. Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya,
particular sa lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay
yumabong sa pagiging isang sibilisasyon sa
Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.
6. Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang
kulturang Neolitiko ay kumalat sa Europa, at
sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus
sa India, at Huang Ho sa China.
7. Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay
itinatakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at
mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao.