Mga naging pangulo, mga kinaharap na suliranin ng kani-kanilang administrasyon at kanilang mga programa sa panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Araling Panlipunan 6 - 3rd Quarter
3. Tukuyin kung anong elemento ng estado ang tinutukoy ng
mga sumusunod na pangungusap.
1. Elemento ng estado na tumutukoy sa pinakamataas
at ganap na kapangyarihan upang mag-utos o
magpatupad ng mga batas at patakaran para sa
ikabubuti ng bansa
O B S E N R Y A A
4. 2. Elemento ng estadong tumutukoy sa mga taonog
naninirahan sa bansa na nangangalaga, nagpapatupad
at nagtatanggol dito
A M A A M M Y N A
5. 3. Elemento ng estado na tumutukoy sa sakop na lupa,
katubigan at himpapawid na bahagi ng bansa na
maaaring magamit ng mga mamamayan upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
O R I T T E Y R O
6. 4. Elemento ng estado na tumutukoy sa samahang
pampolitikang itinatag at itinataguyod ng mga tao.
M A H A P A A N L A
8. Manuel A. Roxas
(1946 1948)
Carlos P. Garcia
(1957 1961)
Elpidio R. Quirino
(1948 1953)
Diosdado M. Macapagal
(1961 1965)
Ramon F. Magsaysay
(1953 1957)
Ferdinand E. Marcos
(1965 1986)
9. MANUEL ACUA ROXAS
(HULYO 4, 1946 ABRIL 15, 1948)
Huling pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt
Unang pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Ika-limang pangulo ng bansa
10. MGA SULIRANING KINAHARAP NI
MANUEL A. ROXAS
Pag- aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na
sadyang naapektuhann ng digmaan.
Pagpapanatili ng pambansang seguridad na noon
ay nanganib sanhi ng pagkilos ng Huk
Pagbubuklod sa mga Pilipinong nahati dahil sa isyu
ng kolaborasyon (Enero 17, 1948)
11. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
Pagsasaayos ng elektripikasyon
Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang
Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas
Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa
pagmumungkahi na kailangang magtatag ng mga industriyang
mangangalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng Pilipinas
Binigyang pansin ang pagpapalaki ng produksyon/industriya at
pagsasaka
12. MGA KORPORASYON O SAMAHANG
ITINATAG NI ROXAS
NARIC National Rice and Corn Corporation
NACOCO National Coconut Corporation
NAFCO National Abaca and Other Fibers Corporation
NTC National Tobacco Corporation
RFC Rehabilitation Finance Corporation (Development Bank of the
Philippines)
- Ang samahang RFC ay nagpapautang sa mga korporasyong nangangailangan ng
puhunan at sa maliliit na mangangalakal na nagnanais magsimula ng negosyo
13. SISTEMA NG PANGASIWAAN NI
ROXAS
1. Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Amerika at Pilipinas
2. Pagtatayo ng mga base-military ng mga Amerikano sa bansa
3. Pagtiyak sa alalay na tulong ng Amerika sa bansa sa panahon ng
digmaan
4. Pagpapatibay ng Parity Rights
5. Pagpapatupad ng Philippine Trade Act of 1946
6. Pagpapatibay ng Philippine Currency Act na nagsasabing ang Amerika
ang kokontrol sa pagpapanatili ng halaga ng ating pananalapi
14. Abril 15, 1948 matapos
magtalumpati sa Clark Air Base,
Angeles City si Manuel Roxas ay
inatake sa puso na naging sanhi
ng kanyang pagkamatay
15. Pag-usapan natin!
1. Isa isahin ang mga suliraning kinaharap ng administrasyong
Roxas.
2. Ano ano ang mga programa at patakarang isinagawa ni
Roxas upang mapadali ang rehabilitasyon ng bansa?
3. Sang ayon ka ba sa naging pasya ni Roxas na pahintulutang
manatili sa Pilipinas ang mga base-military ng Amerika? Bakit?
4. Makatarungan ba ang ginawang desisyon ng pamahalaang
Roxas na pagkalooban ng amnestiya ang mga kolaboreytor na
itinuring ng mga Pilipinong nagtaksil sa bayan? Bakit?
16. ELPIDIO RIVERA QUIRINO
(ABRIL 17, 1948 DISYEMBRE 30, 1953)
Ika-anim na pangulo ng bansa
Ikalawang pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Ama ng Industriyalisasyon sa Pilipinas
17. MGA SULIRANING KINAHARAP NI ELPID
QUIRINO
1. Pag-aangat ng kabuhayan ng bansa
2. Pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa
3. Pagpigil sa ginagawang panliligalig ng mga kasapi ng Huk
4. Pagbabalik ng tiwala ng taong-bayan sa kakayahan at katapatan ng
pamahalaan
18. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGPAPAUNLAD NG KABUHAYAN)
Pagpapaunlad ng industriyalisasyon
Pagpapaunlad sa sistema ng irigasyon sa buong bansa
Pagpapagawa ng mga lansangan
Pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan
Pagtatatag ng Presidents Action Committee on Social Amelioration
(PACSA)
Pagpapatayo ng mga bangko rural
Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law
19. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGPAPAUNLAD NG KABUHAYAN)
Pebrero 1950 nagtungo si Quirino sa Estados Unidos upang humigi ng
tulong pinansiyal
Bilang tugon, ipinadala ang Bell Mission o United States Economic Survey
sa pangunguna ni Daniel W. Bell
Ang Bell Mission ay naglalayong siyasatin ang kalagayang
pangkabuhayan ng Pilipinas
20. BELL MISSION
Matapos ang tatlong buwang pagsisiyasat ay iminungkahi ng
misyon ang:
1. Paggamit ng siyentipikong pamamaraan ng pagtatanim
upang mapaunlad ang pagsasaka
2. Pagtatakda ng pinakamababang sahod o minimum wage sa
mga manggagawa upang makapamuhay ng maayos
3. Pagtataas ng buwis ng mga mamamayan upang lumaki ang
kita ng pamahalaan
21. BELL MISSION
4. pagpapatayo ng mga bagong industriya
5. pagdadagdag ng Amerika ng tulong na teknikal at salapi
sa Pilipinas
Walang nagawa si Quirino kundi tanggapin ang mga kondisyong
iminungkahi ng Misyong Bell
Nobeyembre 14, 1950 nilagdaan ang Quirino Foster Agreement
na nagtatadhanang magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa
22. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGSUGPO SA KOMUNISMO)
Upang masolusyonan ang suliranin hinggil sa banta ng komunismo
sinikap ng administrasyong Quirino na makipag-ugnayan sa mga bansa
sa Asya at iba pang panig ng mundo
Sa panahon ni Quirino nangyari ang unang pagpupulong ng mga
bansang Asyano na dinaluhan ng Indonesia, Thailand, Taiwan, Timog
Korea, at India upang pag usapan ang pagpigil sa paglaganap ng
komunismo sa Asya
23. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGSUGPO SA KOMUNISMO)
Naging aktibo rin ang Pilipinas bilang kasapi ng United Nations at nahalal
si Carlos P. Romulo na ikaapat na Pangulo ng UN General Assembly
Siya ang kauna-
unahang delegado
ng mga bansa sa
Asya na nahalal
bilang pangulo ng
UN General
Assembly
24. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Naglabas ng proklamasyon noong Hunyo 21, 1948 hinggil sa pagbibigay
ng amnestiya sa mga kasapi ng Huk na magsusuko ng kanilang mga
sandata sa loob ng 50 araw
Inatasan ni Pangulong Quirino ang kanyang kapatid na si Mahistrado
Antonio Quirino na makipag-usap kay Luis Taruc upang makipag-
negosasyon
25. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Mga nabuong kasunduan nina Quirino at Taruc:
Pagbibigay ng amnestiya sa mga Huk
Pagwawalang-bisa sa mga kasunduang nakasaad sa Batas Kalakalang Bell
(Bell Trade Act) at kasunduan ukol sa mga base militar
Pagsugpo ng katiwalaan at anomalya sa pamahalaan
Pagpapalawig sa demokratikong kalayaan
Pagpapatupad ng repormang panlupa
26. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Itinalaga si Ramon Magsaysay
bilang Kalihim ng Tanggulang
Pambansa
Sa matalino at maimpluwensyang
pamamaraan ni Magsaysay ay
unti unting napasuko ang mga
Huk
27. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Economic Development Corps (EDCOR) ang lahat ng Huk na
nagkusang magbalik ng armas ay binigyan ng amnestiya at
pagkakataong makapamuhay ng tahimik sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng lupang masasaka na sapat upang
makapagsimulang muli ng mapayapang buhay
28. PAGWAWAKAS NG PANGASIWAANG
QUIRINO
Sa pagkasugpo ng Huk ay muling nanumbalik ang katahimikan at
katiwayasan sa bansa
Higit na kinilala ang napakahalagang papel na ginampanan ni Kalihim
Magsaysay
Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ni Quirino ngunit
nabigo naman ang pag-unlad ng kabuhayan sapagkat naging laganap ang
katiwalian sa pamahalaan
29. PAGWAWAKAS NG PANGASIWAANG
QUIRINO
Tumakbo muli sa sumunod na eleksiyon si Quirino noong
1953 sa pagkapangulo ngunit hindi siya nagwagi
Tinalo siya ng dati niyang Kalihim na si Ramon Magsaysay
30. Pag-usapan natin!
1. Isa isahin ang mga suliraning kinaharap ng administrasyong Quirino.
2. Paano pinaunlad ni Quirino ang ekonomiya ng bansa? Ano-ano ang mga
patakarang kanyang ipinatupad upang sumulong ang bansa?
3. Nagtagumpay ba ang programang pangkabuhayan ni Pangulong Quirino?
Ang kanyang palatuntunan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan?
4. Isa-isahin ang mga mungkahi ng Misyong Bell. Naisakatuparan ba ang
mga ito?
31. RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY
(DISYEMBRE 30, 1953 MARSO 17, 1957)
Ika-pitong pangulo ng bansa
Ikatlong pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Kampeon ng Masang Pilipino
Kampeon ng Demokrasya
Idolo ng Masa"
32. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
金Kaligayahan at katatagan ng karaniwang tao ito ang palatuntunan ni
Magsaysay bilang pangulo ng bansa
Naniniwala si Pangulong Magsaysay na kung ano ang makakabuti sa
karaniwang tao ay makakabuti rin sa buong bansa
33. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
1. pinagtibay ang Land Tenure Reform Law
2. Pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-
unlad ng mga baryo
3. Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit at maidugtong
ang mga baryo sa kabayanan
4. Paglulunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng
pagsasaka at bagong uri ng binhi
5. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration (ACCFA)
34. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
6. Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association
(FACOMA)
7. pag-oorganisa ng mga kapulungang pambaryo
35. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
Bilang pangulo ng bansa ay ipinakita ni Magsaysay na tunay ngang
ang mga karaniwang tao at ang kanilang kalagayan ang una niyang
binibigyang pansin
Presidential Complaints and Action (PCAC) itinatag ni Magsaysay
upang matiyak na makakarating sa kanya ang mga hinaing ng mga
mamayan
36. KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Social Security Act (Batas sa Katatagang Panlipunan) paghimok sa
mga korporasyong gawing kasapi ng Tanggapan ng Katatagang
Panlipunan ang lahat ng kawani at manggagawa
Ipinagpatuloy ang Economic Development Corps (EDCOR) ayon sa
kanya ang mga mamamayan ay hindi maaakit sumapi sa komunismo
kung ang pamilya ay may mabuting kabuhayan
37. KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Mayo 16, 1954 sumuko si Luis Taruc ang Supremo ng mga Huk dahil sa
EDCOR
Pinag-ibayo rin ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan
ng Pilipinas sa ibat-ibang bansa
Noong 1954 idinaos sa bansa ang Manila International Conference kung
saan nabuo ang isang kasunduang tinawag na Manila Pact
38. KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Nabigyan ng sapat na karapatan ang mga manggagawa sa bisa ng Magna
Carta of Labor na magtatag ng union, pagwewelga at pakikipag-ayos sa
pamahalaan
Manila Pact nagsasaad kung saan ang bawat kasapi ay magtutulungan at
pagsasamahin ang kanilang puwersa kung sakaling lusubin sila ng mga
bansang komunista
Pebrero 19, 1955 nabuo ang SEATO (Southeast Asia Treaty Organization)
39. PAGWAWAKAS NG
PANUNUNGKULAN NI MAGSAYSAY
Ang kanyang mabuting simula ay hindi na naipagpatuloy ni Magsaysay
Marso 17, 1957 bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Magsaysay sa bundok
ng Manunggal sa Cebu habang siya ay patungong Maynila
40. 1. Bakit tinagurian bilang Kampeon ng Masang Pilipino si Ramon
Magsaysay?
2. Naniniwala ka ba sa paniniwala ni Magsaysay na kung ano ang
makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti rin sa buong
bayan?
3. Isa-isahin ang kanyang mga programa at patakaran upang
isulong ang pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao.
4. Bakit naging madali para sa mga karaniwang taong makipag-
ugnayan kay Magsaysay?
PAG-USAPAN NATIN!
41. CARLOS P. GARCIA
(MARSO 17, 1957 DISYEMBRE 30, 1961)
Ika-walong pangulo ng bansa
Ika-apat na pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Ipinagpatuloy ang mga gawaing
nasimulan ni Magsaysay
Itinuturing na pinakamaka Pilipinong
administrasyon sa larangan ng
patakarang pang ekonomiko
42. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
Binigyang pansin ni Pangulong Garcia ang pagpapaunlad sa antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan
Naniniwala siyang malaki ang posibilidad na ang Pilipinas ay sumulong at
umangat dahil ang bansang ito ay lubos na pinagpala ng mayamang kalikasan
Kailangan lamang maging masinop ang mga Pilipino at matutunang
pagyamanin ang ating mga likas na yaman
43. MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
1. Paglulunsad ng Austerity Program ito ang programang pagtitipid ng
pamahalaan
2. Pagpapairal ng Filipino First Policy (Pilipino Muna) ang patakarang ito ay
nagbigay ng prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng
bansa at pagpapaunlad/pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
3. Ipinatupad ang patakarang Filipino Retailers Fund Act na siyang nagpapautang
sa mga Pilipino
4. Ipinalabas ang NAMARCO (National Marketing Corporation) na siyang
nagtustos sa maliliit na Pilipinong mangangalakal
44. KAGALINGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Naging masigasig si Garcia sa kanyang mga programa at patakaran sa
pagbabago sa pamamalakad ng base-militar sa bansa
Pagbabago hinggil sa kasunduan sa pagtatayo ng base-militar sa bansa:
Pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasama ang bandila ng Estados Unidos sa
lahat ng base-militar sa bansa simula Mayo 1, 1957
Pagbabalik ng piyer na pangmilitar na nasa Maynila sa kapangyarihan ng
Pilipinas
Pag-alis ng karapatan sa mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo
45. KAGALINGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
Pagkakaunawaan ng Pilipinas at Estados Unidos na isasangguni ng bawat isa
ang pagpapasiyang gagawin sa paglalagay ng missile kung dumating ang
panahon na ito ay kailanganin
Pagpapaigsi sa tinakdang 99 na taon ng pag-upa sa mga base-military ng
bansa sa 25 taon na lamang
Pagtatakda ng limitasyon sa mga instalasyong military ng Estados Unidos
46. PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLAB
Pinagibayo ni Pangulong Garcia ang pakikipag-ugnayang panlabas na
pinasimulan ni Magsaysay
Muli niyang pinairal ang patakarang Asya para sa mga Asyano at kaugnay nito
ay ang kanyang pagtutol sa paglaganap ng komunismo
Hulyo 1961 nabuo ang ASA (Association of Southeast Asia) na ang layunin ay
pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na bansa sa pagtutulungang
pangkabuhayan at pangkultura
47. PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLAB
Binigyang halaga rin niya ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng
pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Awards at
pagpapadala ng mga cultural troupe sa ibang bansa para palakasin
ang turismo sa bansa
Ang Bayanihan Dance
Troupe ang kauna-
unahang pangkat ng
mananayaw na
nagpakilala ng kagalingan
ng Pilipinas sa ibang mga
bansa
48. PAGWAWAKAS NG
PANUNUNGKULAN NI GARCIA
Sa kabila ng pagsusumikap ni Pangulong Garcia na bigyan ng maayos na
pamumuhay ang mga mamamayan ay hindii rin siya lubos na nagtagumpay
Hindi niya napigilan ang pagtaas ng halaga ng bilihin at lumaganap ang
katiwalian sa pamahalaan
Nang tangkain muli niyang tumakbo sa pagkapangulo noong 1961 ay tinalo
siya ng kaniyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal
49. 1. Ipaliwanag ang patakarang Pilipino Muna.
2. Sa iyong palagay bakit kaya inilunsad ni Pangulong Garcia ang
patakaran sa pagtitipid o Austerity Program?
3. Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang patakarang Pilipino
Muna at Austerity Program sa kabuhayan ng Pilipinas kung ito ay
ilulunsad sa kasalukuyan? Bakit?
4. Isa-isahin ang mga pagbabago sa pamamalakad ng base militar
sa bansa sa panahon ng panunugkulan ni Garcia.
PAG-USAPAN NATIN!
50. DIOSDADO P. MACAPAGAL
(DISYEMBRE 30, 1961 DISYEMBRE 30 1965)
Ika-siyam na pangulo ng bansa
Ika- limang pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Tinagurian bilang batang mahirap
mula sa Lubao
Nagsimula ng muling angkinin ng
Pilipinas sa North Borneo o Sabah
51. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
1. Paglutas sa mga suliraning may kaugnay sa kawalan ng hanapbuhay ng
maraming Pilipino
2. Pagtiyak na magkakaroon ng sapat na pagkain ang buong bansa sa
pamamagitan ng pagpapalaki ng produksiyon
3. Pag-akay sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang pagiging huwaran sa
pamumuhay ng payak at walang haloong karangyaan
4. Pagkakaroon ng malinis at matapat na pangasiwaan
52. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
Unang binigyang-pansin ang kapakanan ng mga magsasaka
Agosto 8, 1963 pinagtibay ng Kongreso ang inihanda niyang Kodigo sa
Pagbabago sa mga Lupang Sakahan (Agricultural Land Reform Code)
Pagpapahalaga sa karangalan ng maliliit na magsasaka
Paglika ng pagkakataon sa mga lupang sakahang makapagbigay ng lalong
malaking kita at produksiyon sa bansa
Pagpapairal ng patas at walang kinikilingang mga batas para sa lahat
Pagpapairal sa sistemang nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga
magsasaka na gawin silang higit na nagsasarili at higit na may
pananagutan sa mga lupang sakahan
53. MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
Pagpapalaganap ng wikang Pilipino bilang pambansang wika ng bansa kung
saan sa panahon ng kanang panunugkulan ito ay ginamit para sa pag-
imprenta ng mga pasaporte, selyo, babala sa trapiko at mga pangalan ng
bagyo
Pagbabago sa araw ng kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12
Pagtatatag ng MAPHILINDO ang samahan ng bansang Malaysia, Pilipinas at
Indonesia
Hulyo 31, 1963 nilagdaan ng mga pinuno ng tatlong bansa ang isang
kasunduan sa Maynila
54. MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
Sa pamamagitan ng Manila Declaration na ipinalabas nooong Agosto
6, 1963 ay inilahad ang mga alituntunin ng MAPHILINDO:
Pagpapatibay ng kanilang pakikiisa at pagtugon sa mga
prinsipyo ng pagkakapantay pantay at kapatiran ng mga bansa
na nakasaad sa batas ng United Nations
Pagpapanatili ng matibay na pagkakaisa at pagkakabuklod
tungo sa pagkamit ng kaunlarang pang-ekonomiya, panlipunan
at pangkultura
55. MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
Pagtutulungan sa pagsupil sa paglaganap ng kolonyalismo at
imperyalismo
Pagtutulungan sa pagbuo ng isang bago at matatag na mundo na
nakasalig sa pandaigdigang kalayaan, katarungan at kapayapaan
56. MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
Ngunit ang samahang MAPHILINDO ay hindi nagtagal sanhi ng ilang
isyung kinaharap ng mga bansang kasapi partikular na ang isyu
hiinggil sa Sabah o North Borneo na kapwa inaangkin ng Pilipinas at
Malaysia
57. 1. Isa isahin ang mga patakarang pangkabuhayan ni Macapagal. Paano ito
naiiba sa patakarang pangkabuhayang inilunsad ni Garcia?
2. Ipaliwanag ang mga patakarang isinagawa ni Macapagal na may kinalaman
sa reporma sa lupa.
3. Ano ang ibig sabihin ng MAPHILINDO? Bakit nabuo ang samahang ito? Bakit
hindi ito nagtagal?
PAG-USAPAN NATIN!
58. FERDINAND E. MARCOS
(DISYEMBRE 30, 1965 PEBRERO 25, 1986)
Ika-sampung pangulo ng bansa
Ika- anim na pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Tinagurian bilang Infrastructure Man
Pinakamatagal na naging pangulo ng
bansa (5 beses na nahalal)
ang Pilipinas ay magiging dakila muli
59. 1. Naglunsad ng malawakang programang pang imprastruktura kung saan si
Marcos ay nagpagawa ng tulay, kalye, paaralan, irigasyon atbp
2. Hinimok ang Kongreso na gumawa ng bagong batas hinggil sa pagtataas ng
buwis
3. Umutang ang pamahalaan sa mga bangko at sa ibang bansa
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
60. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng
modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka
Pagbaba ng bilang ng kriminalidad
Pagbaba ng mga katiwalian sa pamahalaan
Pagpapalawak at higit na pagpapabuti ng mga programa sa reporma
sa lupa
Pagpapalaganap ng mga paglilingkod nna pangkalusugan sa mga
pook - rural
61. MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
Paglulunsad g Green Revolution (Luntiang Himagsikan) para
matugunan ang pangangailangan sa pagkain
Paglulunsad ng Blue Revolution (Biyayang Dagat)
Pagtugo sa gawaing kultural ng bansa sa pamamagitan ng pagtatatag
ng Cultural Center of the Philippines
Pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas
62. PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLABAS
Setyembre 1966 ipinadala ang Philippine Civic Action Group
(PHILCAG) na binubuo ng mga sundalo, inhenyero, nars at mga
doctor upang manggamot sa libo-libong sibilyan ng Timog Vietnam
Oktubre 24-25, 1966 sa paanyaya ni Marcos ay idinaos ang Manila
Summit Conferrence na dinaluhan ng mga bansang Estados Unidos,
Australia, New Zealand, Timog Korea, Thailand at Timog Vietnam kung
saang tinalakay kung paano masusugpo ang paglaganap ng
komunismo sa Aysa at Pasipiko
63. PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLABAS
Agosto 8, 1967 nakiisa si Pangulong Marcos sa pagtatatag ng ASEAN
o Association of Southeast Asian Nations
Ang mga bansang kasapi nito ay ang Indonesia, Malaysia, Pilipinas,
Singapore at Thailand
64. IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)
Muling nahalal na pangulo noong Nobyembre 11, 1969 si Marcos
gayundin ang kanyang bise presidente
Ngunit sa kanyang ikalawang termino ng pamumuno ng bansa ay
naharap siya sa napakaraming sigalot at suliranin
65. IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)
1. Paglaganap ng katiwalian sa pamahalaan
2. Paglaki ng pagitan ng antas ng pamumuhay ng mahihirap at
mayayaman
3. Pagkawalang bisa ng Konstitusyon ng 1935 upang matugunan ang
mga lumalalang suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang suliranin
ng bansa
4. Pagtaas ng kriminalidad
5. Paglaganap ng komunismo
66. IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)
Isa sa hindi malilimutang karahasang humatong sa kaguluhan ay ang
pagpapasabog ng Granada sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971
Ibinintang sa New peoples Army (NPA) ang pagsabog na ito ngunit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napapatunayan at kung sino ang
utak nito
67. IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)
Hindi rin malilimutan ang pangyayari nang tambangan si Juan Pince
Enrile na Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong Styembre 1971
Editor's Notes
#17: Kulang pa kay Quirino presentation ung bell mission at ung intro nya
#24: Logo ng UN at picture ni Romulo sa ibaba magkatabi un muna bago kay romulo
#32: Ano ung middle name ni Magsaysay? Please reseach!!!!!!!!