2. panahon ng katutubo
Ang panitikan sa panahong ito ay…
•Karaniwang pasalindila (oral)
•Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng
ating mga ninuno
6/6/2020
3. Ang panitikan sa panahong ito ay…
•Nagpapatunay na MAY SIBILISASYON/KABIHASNAN na
ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang
mga Kastila
•Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang
bumbong (isang species ng bamboo) atbp. kung
nakasulat
6/6/2020
7. Awiting Bayan
tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, paniniwala, karanasan,
gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook o lugar.
6/6/2020
8. Awiting Bayan
• Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
• Kalusan (paggawa)
• Kundiman (pag-ibig)
• Diona (kasal)
• Kumintang/tagumpay (pandigma)
• Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)
• Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay)
• Soliranin (pagsasagwan)
• Talindaw (pamamangka)
6/6/2020
10. bugtong
tulang patugma na ang layunin ay pahulaan
ang isang bagay, tao at pook na kaikitaan ng
talinghaga.
6/6/2020
11. Mga Bugtong
• Gintong binalot ng pilak/pilak na
binalot ng balat.
(itlog)
• Hindi hayop, hindi tao/walang
gulong tumatakbo.
(agos ng tubig)
• Dahong pinagbungahan/bungang
pinagdahunan.
(pinya)
• Bumili ako ng alipin/mataas pa sa
akin.
(sombrero)
• Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang
daanan.
(susi)
6/6/2020
12. Mga Bugtong
• Nang bata’y submarino, nang
tumanda’y eroplano.
(lamok)
• Natuwa ang nawalan, nagalit ang
nakakuha.
(utot)
• Prutas na kaysarap kainin, may itim
na perlas kung hatiin.
(papaya)
• Isang pindot ng daliri, impormasyo’y
sari-sari.
(internet)
• Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y
bilugan.
(niyog/buko)
6/6/2020
13. Mga Bugtong
• Nakakahong bahaghari,
ang kulay ay sarisari.
sagot: krayola
May lungga akong nalalaman,
iisa lamang ang pintuan,
tatlo naman ang lalabasan.
sagot: damit
• Tumanda nang nuno,
takot pang maligo.
sagot: pusa
• Tubig na pumapatak sa labis na dusa.
Tubig na dumadaloy sa labis na ligaya.
sagot: luha
6/6/2020
14. Sa umaga ay apat ang paa.
Sa tanghali ay dalawa lang.
Sa gabi ay tatlo. Ano ako?
Sagot tao
6/6/2020
15. Salawikain
mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno.
6/6/2020
16. Salawikain
Ang hipong palatulog, inaanod ng agos.
Kung may isinuksok, may madudukot.
Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Umiwas sa baga, sa apoy nasugba.
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
6/6/2020
18. Sawikain
Ang tunay na kaibigan, sa gipit nasusubukan.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Daig ng maagap, ang taong masikap.
6/6/2020
19. Palaisipan
Isa sa mga karunungang bayan na
humahamon sa isipan ng tao upang mag-
isip ng kasagutan o solusyon sa
suliraning inilahad.
6/6/2020
20. Palaisipan
•May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.
Paano mo kaya makukuha ang bola nang di man
lang magagalaw ang sombrero?
Sagot: butas ang tuktok ng sombrero.
6/6/2020
21. Palaisipan
•May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa
kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala
upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang
sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kanwari’y mapatingala at
makita ang prinsesa.
6/6/2020
22. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng
daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot: letrang 'G'
6/6/2020
23. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay
ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman ang
gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa
6/6/2020
26. 2. Bulong
• ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
•Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol
lamang ang sa ami’y napag-utusan.
•Dagang malaki, dagang maliit Ayto ang ngipin kong
sira na’t pangit, Sana ay bigyan mo ako ng bagong
kapalit.
6/6/2020