2. Ano ang Neolitiko o Panahon
ng Bagong Bato?
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag
na Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age).
Ito ay hango sa mga salitang Greek na neos o bago
at lithos o bato.
Katangian ng panahong ito ang paggamit ng ibat
ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino,
pananatili ng tao sa mga pamayanan, domestikasyon
ng mga pananim at hayop, at pagkakaroon ng mga
kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi.
3. Ibang Detalye
Ang pinakamaagang pinag- usbungan ng kulturang
Neolitiko ay matatagpuan sa Kanlurang Asya sa pagitan ng
8000 at 6000 B.C.E. Sa bahaging ito ng Asya karaniwan ang
mga pananim na trigo at barley.
4. Pamumuhay ng Catal Huyuk
Sa pamamagitan ng mga isinagawang
pagsusuri sa mga naiwang buto, ang isang
karaniwang tao sa Catal Huyuk ay tinatayang
nabuhay lamang ng hanggang halos 30
taon.
Ang Catal Huyuk ay isang pamayanang
sakahan. Ang mga tao rito ay nagtatanim ng
trigo at barley at nag- aalaga ng mga tupa at
baka.
5. Kultura
Ang kulturang Neolitiko sa Kanlurang Asya, particular sa
lambak- ilog ng Tigris- Euphrates, ay yumabong sa pagiging
isang sibilisasyon sa Panahon ng Bronse noong 3500 B.C.E.
6. Pag Kalat
Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang
Neolitiko ay kumalat sa Europa, at sa mga lambak- ilog ng
Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.
7. Pagtatapos
Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa
pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa
pamumuhay ng mga tao.