2. Kahulugan ng Pang-abay
• Istruktural na kahulugan : ang
pang-abay ay makikilala dahil
kasama ito ng isang
pandiwa, pang-uri o isa pang
pang-abay na bumubuo ng parirala.
• Pansemantikang kahulugan : ito ay
nagbibigay- turing sa
pandiwa, pang-uri o sa iba pang
pang-abay.
3. Halimbawa:
Ang manggang tinda si Maria ay masyadong
maasim. (pang-uri)
Sadyang malusog ang kanyang katawan. (pang-uri)
Dahan-dahan siyang pumanik ng hagdan.(pandiwa)
Talagang mabagal umunlad ang taong tamad.(pang-
abay)
4. Mga Uri ng Pang-abay :
1. pang-abay na kataga o ingklitik
2. pang-abay na pamanahon
3. pang-abay na panlunan
4. pang-abay na pamaraan
5. pang-abay na panggaano
6. pang-abay na pang-agam
7. pang-abay na panang-ayon
8. pang-abay na pananggi
5. Pang-abay na kataga o ingklitik
- mga katagang lagging suusunod sa
unang salita ng kayariang kinabibilangan.
• ba daw/raw pala man
• kasi din/rin tuloy muna
• kaya naman nga pa
• na yata lamang/lang
6. Halimbawa :
Nailigtas daw ang mga minerong nabarahan sa
minahan.
Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring
sakuna.
Kumain muna sila bago umalis.
Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
7. Pang-abay na Pamanahon
– ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri: may
pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas.
May pananda:
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa:
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
8. Nagsasaad ng dalas: araw-
araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyangkalusugan.
Walang
pananda: kahapon, kanina, ngayon, ma
maya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika-40
na kaarawan.
9. Pang-abay na Panlunan
– tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang
sa, kay o kina. Ito ay sumasagot sa tanong
SAAN.
sa – ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pambalana o panghalip.
kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantanging ngalan ng tao.
10. Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa
kantina.
Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap ng
mamon para sa iyong kaarawan.
Tumira siya sa gubat ng libimpitong taon.
11. Pang-abay na Pamaraan
– naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos
na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang
panandang nang o na/-ng.Ito ay sumasagot
satanong na PAANO.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
12. Pang-abay na Panggaano
– nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na Gaano o Magkano.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.
13. Pang-abay na Pang-agam
– nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit ang
mga pariralang
marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, atb.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo
Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
14. Pang-abay na Panang-ayon
– nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito
ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syem
pre atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
15. Pang-abay na Pananggi
– nag-sasaad ng pagtanggi tulad ng hindi/di at
ayaw.
Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa
paninigarilyo.