3. Alamin:
Bigyang dahilan ang sumusunod na sitwasyon
1. Nabasa sa ulan si Michelle
2. Nasugatan ang ale
3. Napagalitan ang bata ng kaniyang ina
4. Bumagsak sa Matematika ang mag-aaral
5. Pinarusahan ang lalaki ng kaniyang amo
6. Tumirik ang sasakyan sa gitna ng kalsada
7. Nakatulog ang bata
8. Nag-away ang matalik na magkaibigan
9. Hindi nakapag-meryenda si Ana
10.Walang takda si Melvin
4. 1. Ano ang tawag sa pagbibigay natin ng dahilan sa
isang sitwasyon?
2. Ano ang ginamit niyong pananda sa pagpapahayag
ng inyong kadahilanan?
3. Ano ang tawag natin sa mga panandang ito?
5. Paunlarin
Pang-ugnay na Pangatnig na Pananhi
Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-
uugnay o nagdurugtong sa mga salita, sugnay o
pangungusap upang mabigyan ng angkop na
pagpapakahulugan ang bawat pagpapahayag. Isa sa
mga uri nito ang pangatnig.
May uri ng pangatnig na ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga sa mga pangyayari. Ito ay tinatawag na
pangatnig na pananhi.
6. Ginagamit ito sa sumusunod na mga paraan:
1. Kung inilahad ang mga kadahilanan
2. Kung nangangatwiran
3. Kung tumutugon sa katanungang Bakit?
Mga halimbawa:
dahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, at
iba pa.
7. Halimbawang pangungusap:
1. Sumama ang kaniyang pakiramdam dahil sa kinain
niyang hilaw na mangga.
2. Lumayas ang anak niya kasi sobra niya itong
pinagmalupitan.
3. Maghihirap ka ngayon sa buhay kundangan wala
kang inatupag kundi sugal.
8. Ibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa epiko.
Gamitin nang wasto ang pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi at bunga.
Halimbawa: Ang kagandahan ni Matabagka
Sanhi at bunga:
Nabighani at madaling napaibig si Imbununga kay
Matabagka dahil sa angkin nitong kagandahan.
9. 1. katapangan at kabayanihan ni Matabagka.
Sanhi at bunga:_________________________
2. Ang kapangyarihang taglay ni Imbununga
Sanhi at bunga: _________________________
3. Pagsubok ni Agyu sa kakayahan ni Matabagka
Sanhi at bunga: _________________________
4. Pagpapakasal ni Matabagka kay Imbununga
Sanhi at bunga: _________________________
5. Ang pagdating ng pangkat ni Agyu sa gitna ng
labanan
Sanhi at bunga: _________________________
10. Gamitin ang mga pananda sa pagbuo ng
pangungusap:
1. dahil sa
2. Sapagkat
3. Palibhasa
4. Kasi
5. kundangan