2. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad
kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin
ang pangyayari o kilos. Maaaring may
pananda, walang pananda at nagsasaad ng
dalas.
3. Mga Pang-abay na Pamanahon
1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya
ng
dilim sa daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang silay may
maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos
makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta
sa
kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-
ayang
lawa ang mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masayat matiwasay sina Prinsipe
Suton
at Prinsesa Manorah.
4. 2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang
humingi ng
tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang
magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala
ng
kaniyang asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe
Suton.
5. 3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-
buwan)
Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa
loob ng kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang
tinatanaw ang nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa
Manorah sa
kaharian ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda
upang
mamili ng mga kagamitan.
6. SALUNGGUHITAN ANG PANG-ABAY NA PAMANAHON SA
PANGUNGUSAP AT TUKUYIN ANG URI NITO.BILUGAN ANG
PANDIWA NA INILALARAWAN NG PANG-ABAY NA ITO.
1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin
gabi-gabi.
2. Manonood kami ng sine sa darating na
Linggo.
3. Si Jose ay darating mula sa Cavite
samakalawa.
4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang
Bikol.
7. 6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni
Justine sa Jollibee.
7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.
8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang
Spider-Man.
9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa
paaralan.
10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo
kaya parati kang sinasabihan.
8. 11. Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin
kahapon.
12. Tuwing madaling-araw tumitilaok ang mga
tandang ni Lolo.
13. Sa Lunes gaganapin ang pulong ng mga guro.
14. Nagtitipun-tipon ang buong mag-anak sa
bahay nina Lolo at Lola tuwing Noche Buena.
15. Tuwing bisperas ng Bagong Taon, marami ang
napipinsala ng mga paputok.
9. Pagtukoy sa Pang-abay na Pamanahon
Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa
pangungusap.
Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.
1. Oras-oras niya akong tinatawagan sa opisina.
2. Nakikita ko paminsan-minsan ang mga dati kong
kaklase.
3. Ang mga bumbero ay darating sa lugar ng sunog sa
lalong
madaling panahon.
4. Tuwing Sabado, nagluluto ng espesyal na meryenda si
Nanay.
5. Laging naka-abang sa gate ang alagang aso ni Terry.
10. 6. Ang presyo ng langis ay tumataas linggu-
linggo.
7. Kani-kanina lang ay hinahanap ka ni
Ginoong Ramos.
8. Madalas magsinungaling ang batang iyan.
9. Ipinanganak si Sarah noong ika-15 ng
Setyembre.
10. Ang mga senador ay nagpupulong sa
Malaca単ang sa kasalukuyan.
11. 11. Si Henry ay nagtapos sa kolehiyo kamakailan
lamang.
12. Kailanmay hindi tayo pababayaan ng ating
mga magulang.
13. Magtatrabaho ba si Tatay sa opisina ngayon?
14. Nagbiyahe papuntang Australya ang kaibigan
ko noong
nakaraang taon.
15. Noong unang panahon, may alpabetong
nilikha ang ating mga ninuno.