2. Ipakita ang thumbs up kung ang
pahayag ay TAMA at thumbs down
naman kapag ang pahayag ay
MALI.
1.Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita
na nagsasaad ng kilos.
2.May apat na aspekto ng pandiwa:
panao, pananong, pamatlig at panaklaw
3.Ang Naliligo ay nasa aspektong
Imperpektibo
3. MGA LAYUNIN
1.Nakapagbibigay-kahulugan at halimbawa sa mga
balarilang tinalakay
2.Nakapag-uulat ng mga ipinasuring balarila mula
sa mga nakuhang pahayag sa palabas sa youtube
3.Nasusunod ang mga mahalagang konsepto
sa pagbuo ng mga pahayag o pangungusap
4. Basahin ang sumusunod na talata. Buuin ang diwa ng teksto sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na mga salita sa patlang.
KAPALIGIRAN
Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng isang _________________ lupa at
maaliwalas na kapaligiran. Isa itong dahilan kung bakit taon-taon ay maraming
_____________________ ang nagtungo sa ating _____________________ upang tunay na
madama ang init ng _____________ pagtanggap at makita ang ganda ng ating bansa.
Kung gayon ay tungkulin ng bawat isa sa atin na alagaan ang tanging
yamang maipagmamalaki natin sa mga dayuhan. Ito ay tungkuling mabigat din
na pananagutan natin sa sarili, sa kapwa at sa Diyos.
Ang ating kapaligiran ay tunay na maipagmamalaki natin kahit kanino
man. Ang karagatang mayaman sa mga isda at iba pang yamang-dagat, ang
kagubatang tahanan ng mga ___________________, ang ating mga bundok na susi
naman sa di-mapapantayang yaman tulad ng ginto, pilak, tanso at iba pang
mineral.
Anupa’t dapat nating alalahaning higit kanino man tayo, bilang mga
Pilipino, ang siyang unang dapat magpahalaga, mag-alaga at magpaunlad sa
ating kapaligiran.
9. Magpapanood ng isang video mula sa
youtube na tumatalakay sa tamang
gagawin tuwing may bagyo. Mula sa video
clip, sagutin ang gabay na tanong at
pagkatapos ay hatiin ang klase sa apat na
pangkat. Ipagawa ang sumusunod na
gawain.Magbibigay lamang ng 20 minuto
para sa nasabing gawain.
10. 1. Ano ang tinatalakay sa video
clip?
2. Ano ang mga hakbang na
gagawin kapag may bagyo?
3. Bakit dapat mahalagang may
sapat na kaalaman sa mga
hakbang na gagawin kung
sakaling may darating na
sakuna?
11. Pangkat 1: Gumawa ng mga pangungusap mula sa
video clip at isaalang-alang ang paggamit ng
pangngalan at panghalip. Pagkatapos ay kantahin o i-
rap ang nagawang pangungusap.
Pangkat 2: Mula sa video clip ay gumawa ng tula na
may 1 o higit pang saknong. Bigyang pansin ang
paggamit ng pangngalan at panghalip. Magkaroon ng
sabayang- bigkas
Pangkat 3: Gumawa ng Poster/ Slogan na
nagpapaalala sa pagiging handa sa anumang
kalamidad. Bigyang pansin ang paggamit ng
pangngalan at panghalip
Pangkat 4: Ilista ang mga pangngalan at panghalip na
ginamit sa video clip. Paramihan ng nailista
12. RUBRIKS
5 puntos 3 puntos 2 puntos
Kahusayan at
kaayusan
(5 puntos)
Mahusay at
maayos na
nainterpret ang
gawaing naibigay
Hindi masyadong
mahusay at
maayos na
nainterpret ang
gawaing naibigay
Hindi mahusay at
maayos na
nainterpret ang
gawaing naibigay
Kasiningan
(5 puntos)
Masining na
inilalahad ang mga
gawain
Hindi masyadong
masining ang
pagkakalahad sa
mga gawain
Walang kasiningan
sa paglalahad ang
mga
Pagtutulung-
tulungan ng bawat
pangkat
(5 puntos)
Ang lahat ng
miyembro ay
nakikilahok sa
gawain
Isang miyembro
ang hindi lumahok
sa gawain
2-3 na miyembro
ang hindi lumahok
sa gawain
14. PAGTATAYA
I. Panuto: Isulat ang pangngalan sa tamang kahon
ayon sa konsepto.
Pangngalang
tahas o kongreto
Pangngalang basal o
di-kongreto
gusali panauhin
komunikasyon kabuhayan
tungkulin lampara
magulang uniporme
Diwa kasaysayan
15. II. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang
sinalungguhitan. Isulat ang PN
kung panao, PM kung pamatlig, PK
kung panaklaw at PG kung pananong.
1.Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay?
Diyan tayo pupunta sa Sabado.
2.Ang puting van ang gagamitin natin, bagong ayos
ang makina nito.
3.Masarap ang blueberry cheesecake na natikaman ko.
Ano nga ba ang mga sakap niyon?
4.Dapat mahalin natin ang Diyos higit kanino man.
5.Itatago ko na ang kamera. Mahina na ang baterya
nito.