際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Panitikan
Panitikan bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng
mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Panitikan isang kasangkapang
lubos na makapangyarihan. Maaari itong gumahis o kayay magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura.
Sa isang banda, ang panitikan ay isang kakaibang karanasan. Inilalantad nito ang mag
katotohanang panlipunan maging ang mga guni- guning likhang- isip lamang. Hinahaplos
nito ang ating sensorya. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag- iisip at maging ang sasal
na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng itoy
nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na
dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin.
Ito ang panitikan ang buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy
sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa
sangkatauhan! Ito ang panitikan.
Ano ang Panitikan?
- Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang
kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
-Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2)
-Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw.
Webster
- Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng
kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o
malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban ng
pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
Uri ng Panitikan
Pasalin- dila- ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang
henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
Hal. Epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at
maging palaisipan
 Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan
ng tao ang sistema ng pagsulat.
Anyo ng Panitikan
Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.
Patula- nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay
maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na
nangangahulugang walang sukat at tugma.
Mga Akdang Tuluyan/ Prosa
 Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming
tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Uri ng Nobela
Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari
Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco
 Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan.
Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Pe単a
Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan.
Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos
Nobela ng Pagbabago- kung ang diin ng may- akda ay naghahangad ng
pagbabago sa lipunan at pamahalaan.
Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
Nobela ng Kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng
kasaysayan ng isang bayan.
Hal. Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo
Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Uri ng Maikling Kwento
Pangkatauhan- ang binibigyang- diin ay ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan
Hal. Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute
 Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakakawing- kawing ng mga
pangyayari sa katha
Hal. Bahay na Bato ni B.L. Rosales
Pangkapaligiran- kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng
akda.
Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza- Matute
 Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng
pangunahing tauhan.
Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
 Pangkatutubong- kulay- kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang
panlabas at kakayahang pampook ng isang lugar o kumonidad.
Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
 Pangkaisipan- kung ang binibigyang- diin sa paksa ay ang kaisipan o ang
makabuluhang diwang taglay nito.
Hal. Ang Pag- uwi ni Genoveva Edroza- Matute
 Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng
mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay.
Hal. Minda Mora ni Severino Reyes
 Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o
tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat
marami rin ang mga dulang iisahing yugto.
Uri ng Dula
 Komedya- kung ang paksa ay katawa- tawa
Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda
 Trahedya- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing
tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan.
Hal. Lakambini ni Patricio Maraiano
 Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging ng
mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari bay tunay
na tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito ngunit may
layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mag aral na makahuhubog sa
kanilang kilos at pag- uugali.
Hal. Ang Pagong at ang Matsing
 Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay.
Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil itoy mga
likhang- isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag
ang pinanggalingan ng mga bagay- bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng
mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng
agham at bibliya.
Hal. Alamat ng Pinya
 Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga
mambabasa.
Hal. Ang Gamu- gamo at ang Munting Ilawan
Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin
din itong mag- iwan ng mga aral na kapaki- pakinabang sa buhay.
Hal. Parabula ng Alibughang Anak.
 Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa
isang suliranin o paksa.
Uri ng Sanaysay
Impormal- ang paksa ay karaniwan lamang at di na nagangailangan ng pag- aaral o
pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may- akda
ang paksa ng isang impormal na sanaysay o di kayay pagpapahayag lamang ng
kanyang pansariling obserbasyon o pananaw.
Pormal- kung ang paksa ay hindi karaniwan at kung gayoy nangangailangan ng
matiyagang pag- aaral o pananaliksik.
Talambuhay na Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda
Hal. Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon
Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Uri ng Talambuhay
Pansarili- ang may- akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.
Hal. Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon
 Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya,
kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
 Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati
ay nababatay sa ibat ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat,
magbigay- impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon,
o paniniwala o lumibang.
 Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may
sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon,
nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
Mga Akdang Patula
 Epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani- paniwala.
Hal. Biag ni Lam- Ang ng Ilocos at Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim
 Awit at Kurido- Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa
ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay na ito. Kinapapalooban ito ng
romansa o pag- iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga
pantakas sa karahasan ng katotohanan.Kung gayon, karaniwang kinapapalooban
ito ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala tulad ng mahika, kababalaghan, at
mga kapangyarihang super- natural.
Awit- may taludtod na lalabindalawahing pantig
Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Kurido- wawaluhing pantig ang bawat taludtod
Hal. Ibong Adarna ni Jose De La Cruz
 Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na
damdamin na maaaring ng may akda o di kayay ng ibang tao. Nasa
kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral at oda.
Awiting- Bayan- maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong
nagpasalin- salin sa ibat ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao,
bunga nitoy hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming
kathaing bayan. Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag- ibig,
kawalang pag- asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan at kalungkutan.
Hal. Chit Chirit Chit, Leron- Leron Sinta at Bahay Kubo
Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Hal. Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon
Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Hal. Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
Dalit- isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Hal. Dalit Kay Maria
Pastoral- tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Hal. Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez
Oda- tulang paghanga o papuri sa isang bagay.
Hal. Ode to Nightingale
Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang
tanghalan.
Hal. Senakulo
Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na nooy karaniwang
isinasagawa sa bakuran ng namatayan.
Hal. Balagtasan
Ang Impluwensya ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa ibat ibang
panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akdab na naghatid ng
malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at
kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang
Kristiyano sa buong daigdig.
Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim
Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa
Gresya.
 Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.
Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali
ng mga Ingles noong unang panahon.
 Uncle Toms Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
 Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at
pag- uugali ng mga Italyano noong unang panahon.
 El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at
kasaysayan ng Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito
ng pamahalaan, kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng
mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
 Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng
Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
Kahalagahan ng Pag- aaral ng Sariling Panitikan
Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit
isinama ang pag- aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa
mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng ating sariling panitikan ay ang
mga sumusunod:
a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang
minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon
at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga
panitikan ng ibat ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating
pagka- Pilipino,
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayoy
mapag- ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad,
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa
pinakamahalagang yamang panlipi,
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
Maraming Salamat sa Pakikinig 
- Manuel Daria Jr.

More Related Content

Panitikan

  • 2. Panitikan bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Panitikan isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maaari itong gumahis o kayay magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda, ang panitikan ay isang kakaibang karanasan. Inilalantad nito ang mag katotohanang panlipunan maging ang mga guni- guning likhang- isip lamang. Hinahaplos nito ang ating sensorya. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag- iisip at maging ang sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng itoy nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin. Ito ang panitikan ang buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan! Ito ang panitikan.
  • 3. Ano ang Panitikan? - Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983) -Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2) -Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw. Webster - Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
  • 4. Uri ng Panitikan Pasalin- dila- ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao. Hal. Epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at maging palaisipan Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.
  • 5. Anyo ng Panitikan Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan. Patula- nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
  • 6. Mga Akdang Tuluyan/ Prosa Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata. Uri ng Nobela Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan. Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Pe単a
  • 7. Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan. Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos Nobela ng Pagbabago- kung ang diin ng may- akda ay naghahangad ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan. Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Nobela ng Kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan. Hal. Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo
  • 8. Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon. Uri ng Maikling Kwento Pangkatauhan- ang binibigyang- diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan Hal. Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakakawing- kawing ng mga pangyayari sa katha Hal. Bahay na Bato ni B.L. Rosales Pangkapaligiran- kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda. Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza- Matute
  • 9. Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng pangunahing tauhan. Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes Pangkatutubong- kulay- kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakayahang pampook ng isang lugar o kumonidad. Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda Pangkaisipan- kung ang binibigyang- diin sa paksa ay ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay nito. Hal. Ang Pag- uwi ni Genoveva Edroza- Matute
  • 10. Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay. Hal. Minda Mora ni Severino Reyes Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang iisahing yugto. Uri ng Dula Komedya- kung ang paksa ay katawa- tawa Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda Trahedya- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan. Hal. Lakambini ni Patricio Maraiano
  • 11. Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari bay tunay na tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mag aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag- uugali. Hal. Ang Pagong at ang Matsing Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil itoy mga likhang- isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay- bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya. Hal. Alamat ng Pinya
  • 12. Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga mambabasa. Hal. Ang Gamu- gamo at ang Munting Ilawan Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong mag- iwan ng mga aral na kapaki- pakinabang sa buhay. Hal. Parabula ng Alibughang Anak. Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
  • 13. Uri ng Sanaysay Impormal- ang paksa ay karaniwan lamang at di na nagangailangan ng pag- aaral o pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may- akda ang paksa ng isang impormal na sanaysay o di kayay pagpapahayag lamang ng kanyang pansariling obserbasyon o pananaw. Pormal- kung ang paksa ay hindi karaniwan at kung gayoy nangangailangan ng matiyagang pag- aaral o pananaliksik.
  • 14. Talambuhay na Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda Hal. Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao. Uri ng Talambuhay Pansarili- ang may- akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay. Hal. Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
  • 15. Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nababatay sa ibat ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat, magbigay- impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon, o paniniwala o lumibang. Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido. Mga Akdang Patula Epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala. Hal. Biag ni Lam- Ang ng Ilocos at Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim
  • 16. Awit at Kurido- Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay na ito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag- iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.Kung gayon, karaniwang kinapapalooban ito ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala tulad ng mahika, kababalaghan, at mga kapangyarihang super- natural. Awit- may taludtod na lalabindalawahing pantig Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas Kurido- wawaluhing pantig ang bawat taludtod Hal. Ibong Adarna ni Jose De La Cruz
  • 17. Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may akda o di kayay ng ibang tao. Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda. Awiting- Bayan- maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin- salin sa ibat ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nitoy hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming kathaing bayan. Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag- ibig, kawalang pag- asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan at kalungkutan. Hal. Chit Chirit Chit, Leron- Leron Sinta at Bahay Kubo
  • 18. Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Hal. Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal. Hal. Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
  • 19. Dalit- isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Hal. Dalit Kay Maria Pastoral- tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. Hal. Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez Oda- tulang paghanga o papuri sa isang bagay. Hal. Ode to Nightingale
  • 20. Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Hal. Senakulo Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na nooy karaniwang isinasagawa sa bakuran ng namatayan. Hal. Balagtasan
  • 21. Ang Impluwensya ng Panitikan Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa ibat ibang panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akdab na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong daigdig. Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya. Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
  • 22. Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Uncle Toms Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig. Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag- uugali ng mga Italyano noong unang panahon. El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya. Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan, kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
  • 23. Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik. Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto. Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
  • 24. Kahalagahan ng Pag- aaral ng Sariling Panitikan Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag- aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod: a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan. b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
  • 25. d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga panitikan ng ibat ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating pagka- Pilipino, e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayoy mapag- ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad, f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi, c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
  • 26. Maraming Salamat sa Pakikinig - Manuel Daria Jr.