3. Ang tunay na panitikan ay yaong walang
kamatayan, yaong nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa
reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na
pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa
kaniyang kapaligiran, gayundin ang
pagsusumikap na makita ang maykapal.
-Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino
4. Ang panitikan ay ang pagpapahayag
ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa
pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa,
at sa dakilang lumikha.
-Bro. Azarias
5. Anumang bagay na naisatitik, basta
raw may kaugnayan sa pag-iisip at
damdamin ng tao, maging itoy totoo,
kathang isip, o bungang tulog lamang
ay maaaring tawaging panitikan.
- Webster
6. Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa
ng mga mamayan. Dito nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na
nakasulat o binabanggit sa magandang,
makulay, makahulugan, matalinhaga, at
masining na mga pahayag.
-Maria Ramos
7. Mga Paraan Ng Pagpapahayag
1. Pagsasalaysay
2. Paglalahad
3. Paglalarawan
4. Pangangatwiran
8. PAGSASALAYSAY
Ito ay isang uri ng pagpapahayag na
nagsasalaysay ng isang karanasan.
Hal. Isang Karanasang Hindi Ko
Makakalimutan
9. Paglalahad
Ito ay isang paraang nagbibigay
katuturan sa ideya o konsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng
paggawa ng isang bagay, tumatalakay
din ito sa suliranin, nagbibigay
dahilan, at nagpapayo.
11. Paglalarawan
Itoy isang paraang naglalarawan ng
isang bagay, tao, o lunan. Ang mga
detalye ng mga katangian, o
kapintasan ng tao, o bagay na
namamalas ay nababanggit dito.
16. May limang mahahalagang bagay kung bakit
dapat tayong mag-aral ng panitikan.
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang
Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman
ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang
lahi.
17. 2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig,
dapat nating mabatid na tayoy may
dakila at marangal na tradisyong
siya nating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang
nakarating sa ibang bansa.
18. 3. Upang matanto natin ang
ating mga kakulangan sa
pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na itoy
maituwid at mabago.
19. 4. Upang makilala at magamit
ang ating mga kakayahan sa
pagsulat at magsikap na itoy
malinang at mapaunlad.
20. 5. Higit sa lahat bilang mga
Pilipinong nagmamahal sa sariling
kultura ay kailangang maipamalas
ang pagmamalasakit sa ating
sariling panitikan.
21. MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA
PANITIKAN
1. KLIMA
2. ANG HANAPBUHAY O GAWAING PANG-
ARAW-ARAW NG TAO
3. ANG POOK NA TINITIRHAN
4. LIPUNAN AT PULITIKA
5. EDUKASYON
22. 1. KLIMA
Ang init o lamig ng panahon, ang
bagyo, unos, baha, at ulan ay
Malaki ang nagagawa sa kaisipan
at damdamin ng manunulat
23. 2. ANG HANAPBUHAY O PANG-
ARAW-ARAW NA GAWAIN
Nagpapasok ng mga salita o kuru-
kuro sa wika at panitikan ng isang
lahi ang tungkol sa hanapbuhay, o
gawaing pang-araw-araw ng mga
tao.
24. 3. ANG POOK NA TINITIRHAN
Malaki ang nagagawa nito
sa isipan at damdamin ng
isang tao.
25. 4. LIPUNAN AT PULITIKA
Nasasalamin sa panitikan ng isang
lahi ang Sistema ng pamahalaan,
ideolohiya at ugaling panlipunan,
gayun din ang kultura ng mga tao.
39. MGA AKDANG TULUYAN
1.NOBELA- Itoy isang mahabang
salaysaying nahahati sa mga
kabanata. Ginagalawan ng maraming
tauhan.
Hal. Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
40. 2. MAIKLING KUWENTO
Salaysaying may isa o ilang tauhan
at isang pangyayari sa kakintalan
Hal. Pagbabalik ni Genoveva E.
Matute
41. 3. DULA Itinatanghal sa ibabaw
ng entablado o tanghalan
Hal. Kahapon, Ngayon, at Bukas ni
Aurelio Tolentino.
48. 9. Balita- Itoy isang paglalahad ng
mga pang-araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan, mga
industriya at agham, mga sakuna, at
iba pang paksang nagaganap sa
56. MGA AKDANG PATULA
1. Tulang Pasalaysay
a. Epiko Nagsasalaysay ng mga
kabayanihang halos hindi
mapaniniwalaan at nauukol sa mga
kababalaghan.
57. MGA AKDANG TULUYAN
b. Awit at Kurido Ang mga itoy
may paksang hango sa pangyayaring
tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay
mga harit reyna, prinsipet prinsesa.
58. MGA AKDANG TULUYAN
c. Balad- Ito ay may himig na
awit dahilang ito ay inaawit habang
may nagsasayaw
59. MGA AKDANG TULUYAN
2. Tulang Pandamdamin/Liriko Ang
uring ito ay nagpapahayag ng
damdaming maaaring sarili ng
sumulat o ng ibang tao. Karaniwang
maikli, likas at madaling maunawaan.
60. Tulang pandamdamin/liriko
a. Awiting Bayan ang karaniwang
paksa ng uring ito ay pag-ibig,
kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa at
kalungkutan.
61. Hal. CHIT CHIRIT CHIT
Chitchiritchit alibangbang
Salagintot salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiry parang tandang.
62. Tulang pandamdamin/liriko
b. Soneto- Itoy tulang may labing-
apat na taludtod hinggil sa damdamin
at kaisipan, may malinaw na
kabatiran ng likas na pagkatao, itoy
naghahatid ng aral sa mambabasa.
63. Tulang pandamdamin/liriko
c. Elihiya Nagpapahayag ng
damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayan o kayay tula ng panangis
lalo na sa paggunita ng isang yumao.
66. Tulang pandamdamin/liriko
F. Oda Nagpapahayag ng isang
papuri, panaghoy, o iba pang
masiglang damdamin; walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak
na bilang ng talutod.
75. Saklaw Ng Panitikang Filipino
1. Ang Kasaysayang pinagdaanan
ng Panitikang Filipino mula sa
panahon bago dumating ang mga
kastila hanggang sa kasalukuyan.
76. Saklaw Ng Panitikang Filipino
2. Ang mga akdang sinulat sa wikang
banyaga ng mga Pilipino at dayuhang
manunulat subalit ang nilalaman ay
tungkol sa mga saloobin, damdamin,
at kalingang Pilipino.
77. Saklaw Ng Panitikang Filipino
3. Ang mga akdang sinulat ng
ating mga dakilang manunulat na
Pilipino bagamat ang mga paksain
ay sa dayuhan.
78. Saklaw Ng Panitikang Filipino
4. Higit sa lahat, ang mga akdang
sinulat ng mga manunulat na
Pilipino at ang mga paksay
nahihinggil sa lahit kalingang
Pilipino.