4. Ang Dula
Pinasigla ng Unang Ginang
Imelda Marcos ang dulaan sa
panahong ito sa pamamagitan
ng pagpapaayos ng lumang
tanghalan at pagtatayo ng
sentro ng tanghalan.
5. Mga Unang Dulang Naitanghal
Metropolitan Theater
Isang Munting Alamat
Portrait of the Artist
Lamberto Avellana
6. Mga Unang Dulang Naitanghal
Cultural Center of the Phil.
Halik sa Kampilan Leonardo Ilagan
Usa Ka Kasalan
(dulang musikal
sa Bisaya) Orlando Nadres
Tales of the Manuvu
(dulang rock opera) Bienvenido Lumbera
7. Mga Unang Dulang Naitanghal
Dulaang Raha Sulayman (Fort Santiago)
Itinanghal din dito ang mga lumang
dulang gaya ng senakulo at duplo.
Kabilang dito ang: Sakada,
Kabesang Tales at Juan Obrero.
8. Samahang
Pandulaan
Philippine Educational Theaters Association
(PETA)
Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka
UP Repertory
Behn Cervantes
Teatro Pilipino
Rolando Tinio
Bagong Sibol (Ateneo University)
9. Binuo ni Amelia Lapena
Bonifacio ng UP ang Teatrong
Mulat, isang pangkat na
nagtatanghal ng mga dula
para sa mga kabataan.
10. Mga Pangunahing Mandudula noon:
Jose Y. Dalisay
Edgar Maranasan
Isagani Cruz
Dong de los Reyes
Tony Perez
Paul Dumol
11. Nagpatuloy rin ang Palanca sa
paggawad ng parangal sa mga
dulang may iisahing yugto. Isa sa
pinagkalooban ng gantimpalang
Palanca noong 1975 ay ang
Sidewalk Vendor ni Reuel Molina
Aguila. Itoy naglalarawan ng buhay
ng mga kabataang lalaking sidewalk
vendor.
12. Mga Manunulat ng dula:
Rosario de la Cruz Ang Huling Pasyon ni
Hermano Pule
Elynia Ruth Mabanglo Si Jesus at si
Magdalena
Reuel Molina Sidewalk Vendor
Nonilon Queano Nang Pista sa Aming
Bayan
Rene Villanueva May Isang Sundalo
Dong de los Reyes Bulkang Sumambulat...
ang Pigsa
13. Panulaang Tagalog
Nakilala rin sa panahong ito ang paggawa
ng mga islogan.
Halimbawa:
Hinggil sa Kahalagahang Pantao
Sa ikauunlad ng bayan,
disiplina ang kailangan.
Ang pagsunod sa magulang,
tanda ng anak na magalang.
14. Hinggil sa Programang Pangkabuhayan
Magplano ng pamilya,
upang buhay ay lumigaya.
Tayoy magtanim upang mabuhay.
Tayoy kumain ng gulay,
upang humaba ang buhay.
16. Kaugnay ng seryosong
panitikan, itinatag noong Agosto
1973 ang Galian sa Arte at Tula
(GAT). Isang samahan ito na
binubuo ng mga kabataang
makatang nag-aaral at nagtapos sa
Unibersidad ng Pilipinas.
17. Mga kilalang manunulat ng tula:
1. Ponciano Pineda
Pilipino: Isang Depenisyon
2. Virgilio Almario
Doktrinang Anak Pawis (aklat)
3. Alejandro G. Abadilla
Parnasong Tagalog (aklat)
4. Teo Antonio
Litanya kay Sta. Clara
5. Ruth Elynia Mabanglo
Regla sa Buwan ng Hunyo (1982)
18. Sipi ng ilang Tula
Pilipino : Isang Depinisyon
ni Ponciano Pineda
(Lahat)
ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo?
sabi nila'y Pilipino
ugat natin ay Silangan
anak dagat ang ninunong hatid dito ng
barangay
galing doon sa malayo, sa matandang
kalupaan
dito sila ipinadpad / ng magandang
kapalaran
(Solo)
naibigan itong pulo / kaya't dito
nangagkuta
nanirahan, nangaglahi, nangabuhay
nang masagana
may ugaling katutubo, may gobyerno at
bathala
may samahan at ibigan, maayos at
payapa
may sariling wika
tayo raw ito
sa ante-panahon / ng kolonyalismo
(Lalaki)
walang abog
mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapit
ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay
hinamig
siniil ang laya, kinamkam ang yaman
barangay ay binuwag
mga tala ay sinunog
abakada'y ibinawal
ipinasiyang mga mangmang
ang lahat ng katutubong kayumanggi ang
kulay
(Babae - medium)
at naging alipin ang bayan kong irog
ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan,
ma-Tagalog
(Babae - high)
at sa halip, at sa halip
pinalitang lahat-lahat
ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali,
ang kultura
Kinastila itong dila
19. Litanya kay Sta. Clara
ni: Teo Antonio
(piling bahagi)
Misis de la Cruz, sumayaw ka,
Kumendeng ka, kumendeng pa,
Ipagaspas mo ang iyong saya.
Humiling ka sa mahal na santa,
Umawit ka sa mahal na patrona.
Hindi dasal ang pamplet sa
pagpaplano
Ang kampanya sa dyaryo
Ang operasyon sa ari ng tao
Sta. Clarang pinung-pino
Sila po ay pakinggan
Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo
Isakripisyo po ang pildoras sa
pandanggo.
20. AWITING PILIPINO
Nalaganap sa Pilipinas ang awiting
Pilipino na nakarating maging sa ibang
bansa.
Nakatulong sa pagtataguyod ng mga
klasikal na awiting Pilipino ang mga
lingguhang konsiyerto, ballet at dulang
itinanghal sa Cultural Center of the
Philippines (CCP).
21. Mga Kilalang Kompositor / Mang-aawit ng
Himig-Maynila:
1.Rico J. Puno
The Way We Are
2. Cinderella
TL Ako Sayo
3. Freddie Aguilar
Anak
4. Sampaguita (nagpasimula ng Pinoy
Rock)
22. Akoy Pinoy
Florante
Akoy isang Pinoy, sa pusot diwa,
Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Akoy Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan,
hangad kong lagi ang kalayaan
Si Gat Jose Rizal nooy nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Akoy isang Pinoy, sa pusot diwa,
Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Akoy Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan,
hangad kong lagi ang kalayaan
Anak
Freddie Aguilar
(bahagi ng awit)
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay moy
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
______________________________
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas moy naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,anak, bat ka
nagkaganyan
23. Mga Babasahin:
Napalitan ang mga negatibong balita ng mga
balita tungkol sa pangkaunlaran, pang-
ekonomiko, disiplina, pangkultura at iba pa.
Halimbawa ng Pahayagan:
1.Bulletin Today 6. Phil. Daily Express
2.Times Journal 7. Evening Express
3.Peoples Journal 8. Evening Post
4.Balita
5.Pilipino Express
26. Ang Pelikula
Sa Panahon ng Bagong Lipunan, ang
mga pelikulang Pilipino ay kinikilala at
ginagawaran sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng taunang Pista ng
Pilipinong Pelikula.Ginagantimpalaan
rito ang mga pelikulang kalahok
maging ang mga artistang kabilang
dito.
27. Mga sumikat na Pelikula noon:
1. Maynila, Sa Kuko ng Liwanag (nobela ni
Edgardo M. Reyes)
2. Minsay Isang Gamu-gamo
3. Ganito Kami Noon... Paano na Kayo
Ngayon?
4. Insiang
5. Aguila
28. Pangkalahatang Pananaw sa Panitikan
sa Panahon ng Bagong Lipunan
Sa kabuuan, bagaman nagkaroon ng
sensura sa mga paksaing maaring talakayin
ang mga manunulat sa Panahon ng Bagong
Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang
panitikan. Naging mabunga ang panahong ito
sa pagpukaw sa interes ng mga Pilipino sa
mga bagay na pangkalinangan na
naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal,
awitin at musikang naisulat at mga pelikulang
naipalabas.