3. Sinasabing ang panitikan ay buhay,
buhay-buhay at pamumuhay. Kung ano ang
kultura, tradisyon, kabihasnan, at kaugalian
ng mga tao sa kani-kanilang panahon ay
pinapaksa ng panitikan
4. Binubuo ng magkakahiwalay na mga pulo ang Pilipinas kayat di
kataka-takang magkaroon ng ibat ibang wika, kaugalian, tradisyon at
kultura.
Ang pagkakaiba ay mauugat din sa mga ninunong dito ay napadpad
na siya muna nating kikilalanin upang lubos nating maunawaan ang
uri ng panitikan, pamahalaan at kulturang naipamana sa Lahi.
5. ANG MGA NEGRITO
Unang nanirahan sa Pilipinas.
Walang pirmihang tirahan.
Hindi sila marunong magbungkal ng lupa, di marunong magtanim,
at lalong di marunong magluto. Kalasag sa paghahanap ng ika-
bubuhay ay busog at pana
Walang sistema ng pamahalaan.
Mayroon silang awitin at pamahiin na pinagkukunan nila ng lakas
ng loob sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay.
6. ANG MGA INDONES
Kauna-unahang nandayuhan sa kapuluan.
Higit na maunlad ang pamumuhay kumpara sa dinatnang katutubo, sapagkat marunong
silang magbungkal ng lupa, magtanim at magluto ng kanilang pagkain. Marunong
magsaing sa tukil at may sariling sistema ng pamahalaan
Binubuo ng dalawang pangkat.
Una: Matatangkad at may balingkinitang pangangatawan, mapuputing manila-
nilaw ang mga balat, may matangos na ilong, maninipis na mga labi, at malalalim na mga
mata.
Ikalawa: Pandak at may matitipunong pangangatawan, maitim na kulay ng balat,
may makakapal na mga labi, sarat o pangong ilong at may malalaki at bilugang mga mata.
Dala nila ang sariling sistema ng pamahalaan at may sariling panitikan tulad ng mga epiko,
kuwentong bayan, pamahiin, mga alamat at pananampalatayang pagano. Sila ang nagkalat
ng lahi sa mga bulubundukin ng Norte at pinaniniwalaang ninuno ng mga Ifugao.
7. Pananampalatayang pagano o paganismo
Ang ganitong uri ng pananampalataya ay may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng araw,
bituin, puno, hayop, at iba pa. Ito ay may tatlong uri.
Pantheism
Animismo
Polytheismo
8. Pantheism - paniniwalang ang diyos at ang lahat ng bagay sa
mundo ay iisa at pareho lamang.
Animismo - paniniwalang ang mga bagay sa kalikasan ay
may kaluluwa at banal.
Polytheismo - paniniwala o pagsamba sa maraming diyos.
9. ANG MGA MALAY
Pagkatapos ng mandayuhan ng mga Indones, sinundan
ito ng mga Malay. Sila ay may dalawang pangkat.
Una: Siyang naging ninuno ng mga Igorot, Bontoc at
Tinguianes. Silay may pananampalatayang pagano at
mga awiting panrelihiyon.
10. Ikalawa: Higit na maunlad at may malaking impluwensiya sa
kasalukuyan. Silay may dalang wika, alpabeto na tinatawag na Alibata.
May dalang mga alamat, kuwentong bayan at mga karunungang bayan.
Dinala rin nila ang sariling sistema ng pamahalaan na kung tawagin ay
Balangay na kinuha nila sa sinasakyang balsa.
Siyang pinaniniwalaang ninuno ng mga Tagalog,
Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, Bikolano, at Bisaya.
11. Ikatlo: Sila ay napapunta sa Mindanaw at mga
naging ninuno ng mga Muslim dito sa Pilipinas. May dala
rin silang epiko, kwentong bayan, alamat at
pananampalatayang Muslim.
12. ANG MGA INTSIK
Matapos ang mga malay ay sinundan naman ito ng mga
Intsik. Dalawang pangkat din ang mga Intsik na nakarating sa
Pilipinas.
Una: Nagbuhat sa Fukien, Tsina na tinatawag na mga
manggugusi. May dala silang gusi na may lamang mga abo
ng kanilang mga ninuno at yaon ay ibinabaon sa looban na
kinatitirikan ng kanilang bahay na tinitirhan.
13. Ikalawa: Nanggaling sa Mae, Tsina at silay
napakalat sa mga lalawigan ng Batangas, Mindoro at
Marinduque.
14. Malaking impluwensiya ng mga Intsik ang mga salitang
napasok sa talasalitaang Filipino gaya ng susi, gusi, tali,
talyasi, siyense, mangkok, mga katawagan ng paggalang
gaya ng ate, ditse, sanse, kuya, diko, sangko, ikong,
siyaho, inso, diso, biyenan, hipag, bayaw, balae at iba pa.
15. Minana rin natin sa mga Intsik ang mahigpit na pagkakatali
ng pamilya, ang pagiging magalang, pagkamatipid at
pagkamasinop.
Itinuro nila ang paggamit ng ginto, pilak at tanso, gayundin
ang pagsusuot ng tsinelas at bakya, ang paggamit ng mga
kasangkapan sa kusina tulad ng kawali, siyensi, talyasi at iba
pa.
16. Sa kanila rin natin natutunan ang paggamit ng pulbura
at mga paputok.
Sa madaling salita, pangkabuhayan at di pulitika ang
impluwensiya ng mga intsik.
17. ANG MGA BUMBAY
Kasunod ng mga Intsik ay ang mga Bumbay. Silay
may dalawang pangkat.
Una: Nanggaling sa Borneo, at may dalang
pananampalatayang Budismo.
18. Ikalawa: Nanggaling sa Java. Kaiba sa mga nauna, silay may
paniniwalang Bramanistiko. Dala nila sa kapuluan ang panitikang epiko,
awiting bayan at mga liriko. Ang pangwika na hanggang sa kasalukuyan
ay bahagi pa rin ng ating talasalitaan Filipino gaya ng mukha, likha,
dukha, paksa, guro, bansa, hukom at iba pa.
19. MGA ARABE AT PERSIYANO
Sila ay nandayuhan din sa Pilipinas. Ilang panahon ding
nakipagkalakalan at nanirahan sa ating kapuluan.
Hatid nila ang impluwensiyang pampanitikan gaya ng
mga epiko, dula, alamat, at mga kuwentong bayan.
20. DALAWANG BAHAGI NG MATANDANG
PANITIKAN
1. Ang kapanahunan ng mga Alamat, na nagsimula sa
kauna-unahang panahon ng ating lahi ayon sa kayang
maabot ng mananaliksik at nagtapos sa ikalawang
pandarayuhan sa mga pulong ito ng mga Malay sa
pali-palibot ng taong 1300 A. D.
21. 2. Ang kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-bayani,
na nagsimula sa palibot-libot ng taong 1300 A.D., at
nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi
noong 1565, A.D.
22. Mga Katutubong Panitikan
1. MGA ALAMAT AT MITO
- Karaniwang sangkap ng sinaunang panitikan ng alinmang lahi.
(Kung ang Alamat ay tumatalakay sa pinagmulan at ang mito ay ginagampanan naman ng
diyus-diyosan, sa iyong palagay, sa anong kaparaanan kaya tayo nagkaroon ng mga ganitong
anyo ng panitikan?)
23. Dala ng kakapusan sa kaalamang maka-agham, ang mga phenomena o mga
pangyayari sa kalikasan ay binibigyan ng ating mga sinaunang katutubo ng
mga paliwanag sa abot ng kanilang malikhaing guniguni. Naging kapani-
paniwala sa kanila ang ganitong haka-haka lubha pat napatunayan ang
pagkakahabi ng mga pangyayari hanggang ang mga alamat at mitong ito ay
makapasok maging sa kanilang pananampalataya sa lumikha.
24. MGA HALIMBAWANG ALAMAT
Bakit maliwanag ang araw kaysa buwan (Kapangpangan)
Ayon sa alamat may isang Bathala na lumikha ng mundo at meron siyang dalawang anak, isang lalaki na
nagngangalang Apolaki at isang babae na nagngangalang Mayari. Ang kanila raw mga mata ang nagtatanglaw sa
mundo kayat mahal na mahal sila ng mga nilikha rito. Ngunit dumating ang araw na pumanaw ang bathala at
ang dalawang magkapatid ay nagkaroon ng inggitan sa pag-uukol ng pagmamahal ng daigdig. Nag-away sila at
nagkasakitan hanggang sa mabulag ni Apolaki si Mayari nang suntokin niya ito. Pinagsisihan ito ni Apolaki kayat
inamo niya ang kapatid at upang patunayan ang kaniyang pagsisisi ay sinabi niya rito na silang magkapatid ay hati
sa kapangyarihan. Napagkasunduan nilang ang pagbibigay ng liwanag sa daigdig ay hatiin sa dalawa, si Apolaki sa
araw at si Mayari naman sa gabi. Sapagkat iisa na ang mata ni Mayari ang gabi ay nahihigitan ng liwanag ng araw
na ibinibigay ni Apolaki. Naging araw si Apolaki at naging Buwan si Mayari.
25. MGA HALIMBAWANG ALAMAT
Pinagmulan ng lahi (Bisaya)
Batay sa akda, noong unang panahon raw ay wala pang tao sa daigdig kayay ang bathalang si Laon (Bathala ng
mga Bisaya) ay umisip ng paraan upang maging mapayapa, masaya, at masigla ang daigdig. Ipinasiya niyang lumikha ng
mga tao.
Isang araw, kumipal siya ng lupa, inihugis ito at iniluto sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang
itoy ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ito ang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan.
Sa muling pagsasalang niya sa hurno ay nagkaroon siya ng agam-agam na baka masunog na naman ito kung
kayat sa labis na pag-aalala ay hinango niya ito agad kayat ito ay nahilaw. Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga puti.
Dahil sa naunang dalawa, nakasanayan ng bathala ang paghuhurno at ang ikatlong salang niya ay naging kasiya-
siya sapagkat hustong-husto ang luto, hindi sunog at lalong hindi hilaw. Ito ang siyang pinagmulang ng lahing kayumanggi.
26. HALIMBAWANG MITO
Si Malakas at si Maganda
Bakit kulang ang liwanag ng buwan.
27. MGA BULONG
Bahagi pa rin ng ating katutubong panitikan.
Isang uri ng tradisyunal na dula.
Ginagamit sa panggagamot at paghingi ng pahitulot
sa mga nuno sa punso (Hal. habi-habi po lelong,
lelang baka po kayo matapakan
28. IBA PANG HALIMBAWA NG BULONG
Daga, daga, heto na ang sira kong ngipin, ibigay mo sa
akin ang bago at masaganang ngipin.
Tabi Tabi Tabi! makikiraan mga bulag kami. Huwag
po kayong lalapit, baka namin kayo maipit Bikol
Tabi, tabi! Daraan lang kami. Patawarin kami, kung amin
kayong masagi. Ilonggo.
29. MGA KWENTONG BAYAN
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas maging
bago pa man dumating ang mga kastila.
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, kilalang antropologong
Amerikano ay higit na mayaman ang Pilipinas sa mga
kwentong bayan kaysa sa India, Persya, Rusya, at Hapon.
Itinuturing ng mga kwentong bayan ang mga mito, pabula at
alamat.
30. MGA HALIMBAWANG KWENTONG BAYAN
Sa mga bayan-bayan, nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga
mamamayan ang mga sumusunod na kuwentong bayan:
Mariang Makiling
Prinsesa Makapuno
Ang Pagkakalikha ng Daigdig
Bakit Patayong Natutulog ang Kabayo
Bakit Humahalik sa Lupa ang Butiki?
31. Ang Buwan at ang Araw
Ang Anak na Isinumpa
Pinagmulan ng Lahi
Ang Haring Sicada at Ang Haring Leon
Mariang Kalabasa
Mariang Alimango
Mariang Sinukuan
32. Mga Katutubong Panitikan
2. Panahon ng Epiko o Tulang Bayani
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser et. Al., ang matandang panulaan ng
Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya.
Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makadiyos, tahanan,
bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan, at iba pa.
Dahil likas na makata ang ating mga ninuno kung kayat may mga tula at awit sila sa lahat
ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong (Ayon kay Lope
K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula), ang mga salawikain at maging mga
kasabihan.
33. MGA HALIMBAWA NG BUGTONG
Mukhay kabi-kabila, kung sa bungangkahoy ano kaya?
Kung araw ay bubungan, kung gabiy karagatan.
Isiniksik bago kinalabit, malayo ang sinapit.
Uka ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Bato na ang tawag ko, bato pa ang tawag mo, turan mo kung
ano ako.
34. MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
Naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala.
Kapag may tiyaga, may nilaga.
Kung ano ang puno siyang bunga.
Kapag may isinuksok may madudukot.
Umilag sa baga, sa ningas nasugba.
Ang tunay na panyaya, sinasamahan ng hila.
35. MGA AWITING BAYAN
Tula na nilapatan ng himig.
Mga uri ng awiting bayan
- Oyaye o hele (awit sa pagpapatulog ng bata)
- Kundiman (awit sa pag-ibig)
- Pananapatan (paghaharana sa Tagalog)
- Soliranin (rowing song o awit sa pamamangka)
- Kumintang (awit sa pakikidigma)
- Sambotani (awit sa pagtatagumpay)
36. - Diona (awit ng pagpapakasal)
- Balitaw (awit ng paghaharana sa Bisaya)
- Pangangaluluwa (awit sa araw ng mga patay)
- Panitsit (kapangpangan o kaka, o kaka)
- Dalit (awit na panrelihiyon)
- Dung-aw (awit sa patay ng mga Ilokano)
43. EPIKO
Dala ng mga ninunong nandayuhan sa
Pilipinas.
Mahahabang tulang pasalaysay tungkol
sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Naglalaman ng mga pangyayaring di
Kapani-paniwala.
44. KATANGIAN NG EPIKO
Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa
sariling tahanan
Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing
tauhan.
Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang
minamahal.
Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
Patuloy na pakikidigma ng bayani.
45. Pamamagitan ng isang bathala para matigil ang
labanan.
Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban
ay magkadugo.
Pagkamatay ng bayani.
Pagkabuhay na muli ng bayani.
Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
Pag-aasawa ng bayani.
KATANGIAN NG EPIKO
47. Epiko ng Bisaya
Apat ang kinikilalang epiko ng mga Bisaya: Haraya, Lagda, Maragtas
at Hinilawod.
Sa apat na epikong nabanggit ang Hinilawod lamang ang
malapit sa Epiko.
Lagda Isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting
pagtupad sa tungkulin sa pamahalaan na nakapaloob sa mga salaysayin
at mga pangyayari.
Ang Kodigo ni Kalantiao ay isa sa mga matatagpuan sa Lagda.
Haraya Katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga
salaysay ng paghahalimbawa ng nasabing tutunin.
Maragtas Nagsasaad ng pinagmulan ng Bisaya.
49. EPIKO NG PANAY
Itinuturing ang Hinilawod na
pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng
panay.
Binubuo ito ng 18 salaysay at ang bawat
kuwento ay kumakatawan sa tatlong
henerasyon.
Kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala
ng mga unang nanirahan sa Ilo-ilo, Aklan at
Antique.
51. EPIKO NG MGA BIKOLANO
Ibalon ang matandang epiko ng
Bikol na isinalaysay ni Cadregong,
isang makatang manlalakbay.
Isinalin sa Kastila ni P. Jose
Castao at nalathala sa Madrid sa
pamamagitan ni Wenceslao Retana.
53. EPIKO NG MGA IFUGAO
Dalawa ang kilalang Epiko ng mga
Ifugao: Hudhud at ang Alim.
Alim Ipinagpalagay ni Dr. Otley Beyer
na pinakamatandang Epiko sa Pilipinas.
Higit na makarelihiyon ang anyo nito.
Hudhud Inaawit sa mga pagkakataong
hindi panrelihiyon.
60. Kumintang
Kasaysayan ng pagsusugo ni haring Soladan sa kaniyang tatlong
anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw buhat sa emperyo ng
Manyapahit tungo sa Ma-i Lusong na bahagi noon ng kahariang
Luntok.
62. Ang Unang Dula
Itinatanghal sa mga maluluwang na bakuran, liwasang
bayan, tahanan at kung minsan ay sa mga baybay dagat at
tabing ilog.
Nasa anyong ritwal ang unang dula.
Tinatawag na pamanhikan ang dula ng mga tagalog na
ginaganap sa mga tahanan ng dalagang nilalangit.
63. Tatlong Bahagi ng Pamanhikan
Bulong - Paghaharana
Kayari - Paninilbihan
Dulog - Pamanhikan