際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Pagbabalik sa Kasaysayan sa
Panahonng Amerikano
M g a I m p l u w e n s y a s a p a n a h o n n g
A m e r i k a n o :
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at
kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino
sapamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na
may hangganan
Mga Katangian ng Panitikan:
1. Hangaring makamit ang
kalayaan
2. Marubdob na
pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo
at imperialismo
Diwang Nanaig:
1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng
bagong pamamaraan.
Nahahati ang panahon ito sa
tatlo (1901-1942):
(a)Panahon ng Paghahangad
ng Kalayaan;
(b)Panahon ng Romantisismo
sa Panitikan
(c) Panahon ng Malasariling
Pamahalaan.
Panahon ng
Paghahangad ng
Kalayaan
Totoong ang dula ay ginamit
ng mga manunulat upang
ipahayag ang kanilang mga
paghihimagsik tulad ng
masaksihan sa Tanikalang
Ginto ni Juan K. Abad at
Kahapon, Ngayon at Bukas
ni Aurelio Tolentino.
Ang nakapaloob sa batas
sedisyonay hindi sila maaaring
magsulat nang lantaran ni sa paraang
pahiwatig ng kahit na angong
makapagpapaalab sa damdaming
makabayan laban sa mga Amerikano.
Hindi sila maaaring magsulat ng
laban sa mga Amerikano, laban sa
kanilang mga pagmamalabis laban sa
kanilang mga layunin na hindi naman
pawang sa kapakanang Pilipino.
Panahon ng
Romantisismo
Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang
ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa.
malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan
pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan;pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan,
at ito ay mahiwaga at may kababalaghan.
Lubhang emosyunal, malabis
ang pagkamoralistiko, sadyang
sumusumang sa hindi kayayang
abutin ng isipan, dumadakila sa
kagandahan at kapangyarihan ng
kalikasan, gumagamit ng
matayog na imahinasyon o
guniguni at bumabandila ng
tungkol sa kalayaang sarili.
. Isang katangian ng
manunulat na Pilipino ang
kakayahang ihalo
ang hiniram na katulad ng
romantisismo sa pansariling
elemento na angkop lamang
sa kulturang Pilipino.
Unang- una, masasabing
nagasgas nang husto ang
paboritong paksang pag-
ibig. Sa tuwi- tuwina,
binibihisan lamang ng ibat
ibang anyot kulay, itoy
tungkol sap ag-iibigan ng
isang mahirap at isang
mayaman.
Isa pang katangian ng
panitikang romantiko
ay ang pagpaksa sa
katutubong buhat sa
mga lalawigan, lalo na
sa malalayong nayon.
Pinalutang din ang mga
tauhang kahanga-hanga,
ang maiinam na mga
katangaian o iyong
tinatawag na mga
romantikong bayani.
Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang
panitikang romantiko ay yaong
nagbibigay ng aral batay sa mga
ipinangangaral ng relihiyong
Kristiyanismo. Sa tuwinay
ikinikintal sa ispan na ang
masamay pinarurusahan at ang
mabutiy tumatanggap ng
karampatang gantimpala.
Panahon ng Aklatang-Bayan
(1900-1921)
 Pasingaw. Itoy kadalasang tungkol sa mga dalagang
hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o
pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang
kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang
kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking
manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag
dahil na rin sa kaselanan ng mga paksang
tinatalakay.
Ang pasingaw ay naging dagli.
Sa tiyakang pagbibigay ng
kahulugan , ang dagli ay isang
maikling salaysay na
nangangaral, namumuna,
nagpapasaring at nanunuligsa.
Ang Tula sa Panahon ng Aklatang
Bayan
 Yumabong nang husto ang tula sa
panahong ito ng Aklatang-
Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng
panitikan ng panahong iyon ay sa tula
nanaig nang ganap ang romantisismo
Si Francisco Balagtas ay hindi
maikakailang produkto ng kaniyang
panahon. Sa kaniyang mga isinulat na
hindi nasunog at sumapit sa kamay ng
mga sumunod na henerasyon ay ganap na
mababakas ang labis na sentimentalismo
ng kaniyang panahon.
Ang mga Manunulat ng
Panahon
 Jose Corazon de Jesus-
ang Makata ng Puso
ang siyang higit sa
kaninoman ay nakamana
ng koronat setro, ng pinsel
at papel ni Francisco
Baltazar. (Huseng Batute)
 BAYAN KO
Jose Corazon de Jesus
 Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
 Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
 Makita kang sakdal laya!
 Lope K. Santos ang Makata ng Buhay sa
kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa
pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa
buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa
pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang
panulat ni Lope K. Santos sa paglalarawan ng kahit na
itinuturing na walang kuwenta at di pansing mga
bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng
pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga
kuwentong tula na hango sa mga katutubng
salawikain
Pagtatapat
ni Lope K.Santos
Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,

Sa ulo mo'y ako ang buong masilid.

Ibig kong kung iyang mata'y tumititig,

Sa balintataw mo ako'y mapadikit.
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,

Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;

Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib,


Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos,

Akung-ako lamang ang makasusunod.

Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,

Kaluluwa ko lang ang makpupulot.

Hangad kong sa harap ng iyong alindog,

Ay diwa ko lamang ang makaaluluod.
Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,
 Kamanyang ko lamang ang naisusuob.

Nassa kong kung ika'y may tinik sa puso,

Dini sa puso ko maunang tumimo.

Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y,

Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y,

Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo,

Ay mabayaran ko ng libong pangako;

 Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo,

Ay mga labi ko ang gamiting panyo.


Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,

Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.

Nais kong sa mukha n gating ligaya,
 Batik man ng hapis ay walang Makita.

Nais kong ang linis ng ating panata'y,

Huwag marungisan ng munting balisa,

 Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y,

 Walang makatagpong anino ng dusa.

 Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y

Hamog ng halik mo ang magpapasariwa;

Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,

Ay wala nang ulap na makagambala;

Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y,

Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.

Mithi kong kung ko'y mabalik sa wala,

Ay sa walang yao'y huway kang mawala.
Pedro Gatmaitan- nagpakita
ng pag-unawa sa kalagayang
panlipunan ng kaniyang
paligid. Taong 1913 nang
kanyang paksain ang tungkol
sa maselan na temang nauukol
sa lipuang feudal. Sumulat din
siya ng mga nauukol sa
pagmamahal sa bayan.
I単igo Ed Regalado (1855- 1896 )
siya ay isa ring kuwentista, nobelista
at mamahayag ngunit ang buong
linamnam at tamis ng kaniyang
pagkamulat ay sa kaniyang mga tula
malalasap. Tinalakay niya sa
kaniyang mga tula ang buhay sa
daigdig, ang mga bagay- bagay sa
kapaligiran at ang mga di
mapapasubaliang katotohan ng
buhay.
 BUGTONG
May isang dalagang may buwan sa dibdib,
may tala sa noo na kaakit-akit,
nang aking makitay natutong humibik,
nabinhi sa puso ang isang pag-ibig.
May isang binatang may luha sa mata,
may tinik sa puso at tigib ng dusa,
ang binatang ito nang iyong makita
nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa
May isang babaing matigas aug puso,
sa ano mang taghoy, hindi kumikibo,
kapag nag-iisa, luhay tumutulo
may lihim na awa sa namimintuho...
May isang lalaking matibay aug dibdib,
sa bayo ng dusay marunong magtiis;
ma-gabi, ma-araw walang iniisip
kundi makarating sa pinto ng langit.
Itoy isang bugtong na may-kagaanan,
ngunit pusta tayo, di mo matuturan,
ang dalihan ay di sa hindi mo alam
kundi sa ugaling matimpiing tunay.
Ngunit balang araw di mo matitiis
na di ipagtapat ang laman ng dibdib,
ang bugtong ko naman sabay isusulit
na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.
Florentino
Collantes (1896- 1951)-
kapanahon ni Jose
Corazon de Jesus at
mahigpit niyang
nakaagaw sa titulong
Hari ng Balagtasan.
 ANG HALIK
Ni Florentino Collantes
May nangagsasabing ang halik ng tao
Ay isang pagkaing lutong paraiso
Anang iba naman ay lutong impyerno
Ewan ko kung alin dito ang totoo,
Marahil sa langgam ang tao natuto
Sapagkat una na ang hayop na ito.
At tayong Pilipino sa Kastila lamang
Umano natuto ng paghahalikan
Sa Amerikano tayo nasanay
Ng gawang paghalik kahit sa lansangan.
Datapwat sa aking ganang pagkabatid
Tayoy may sarilit katutubong halik
May halik Pilipino may halik Ingles
May halik Kastila at may halik Intsik.
 Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway
Pisngiy ginagawang mangkok ng linugaw
Parang humuhithit sa kwako ng apyan
Parang pumapangos ng tubong sinambay
Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso
Dikdikan ng labit ngudnguran ng nguso
Datapwa ang atin, ang halik Pilipino
Ay hindi pasipsip ni hindi pasupsop
Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot.
Ang halik ay bugtong na kataka-taka
Pabango ng puso at ng kaluluwa
Sa iisang tao ay walang halaga
Ngunit pulot gata kapag sa dalawa.
Ang halik ay mahal,banal at dakila
Ngunit nahihingi kung sa munting bata
Itoy ninanakaw ng mga binata
Ngunit binibili ng mga matanda.
 Ang halik sa sanggol isang kautangan
Sa mutyang kasuyo itoy karapatan
Tanda ng pag-ibig, ng damdaming
banal
Ngunit balatkayo ng pusong tulisan.
Ang halik sa sinta pag-asang sariwa
Sa mutyang asaway pagsintang dakila
Datapwat sa isang dalagang matanda
Ang halik ay isang pagkakawanggawa.
Julian Cruz Balmaceda (1885-
1947) kilalang mandudula,
mananalaysay, nobelista,
mananaliksik wika at makata. Siya
ay naging patnugot ng Surian ng
Wikang Pambansa hanggang sa
mamatay sa taong 1947.
 Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na
higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng
Panginay na si Francisco Balagtas Baltazar. Ang
kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan
ng Instituto de Mujeres noong 1924, ang mga
nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes.
Balagtasan- Balitaw- isang
anyo ng dulang Cebuano na
pinagsanib ang duplo at
balitaw. May mga
pagkakataong ang banghay ng
pagliligawan sa balitaw ay
nagiging sanligan ng pagtatalo
sa isang paksang hindi
romantiko.
 Batutian- isang mimetiko at satirikong
pagtatalong patula na may kayarian ng isang
dula na pinangalanan sa makatang si Jose
Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag
panulat na Huseng Batute.
 Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong
patulang nagbuhat sa pangalang Pedro
Bukaneg na itinuturing na Ama ng
Panulaang Ilocano. Kahawig ito ng
Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog.
Crissotan- isang mimetikong
pagtatalong patulang buhat sa
pangalang Crisostomo Sotto,
ang Ama ng Panulaang
Pampango. Isa itong
pagtatalong kahawig ng
Balagtasan at Batutian ng mga
Tagalog at Bukanegan ng mga
Ilokano.
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 Nagsimula sa paglitaw ng magsaing
Liwayway noong 1922. Itoy nakilala
muna sa tawag na Photo News noong
mga unang taon nito.
Nagwakas sa taong 1932, sa
pagkakaatag ng Panitikan, isang
kapisanang itinuturing na siyang
sakdalista at aristokrata ng
panulatang Pilipino.
 Katangian ng Pampanitkan
Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o
popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring
kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga
kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig.
Namayani pa rin ang romantisismo bagamt
masasabing may mga manunulat ng nagkaroon
ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at
gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat
ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga
nasusulat ng panahong iyon.
Ang paglabas ng Liwayway
noong taong 1922 ang siyang
higit sa lahat ay nagpasigla sa
mga sangay ng panitikang
Pilipino ay nagpasigla sa mga
sangay ng panitikang Pilipino
lalo na sa tula.
 Ang mga Makata:
 Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa.
Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na
kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang
mga tula ang ibat ibang bahagi ng buhay: tao, makina,
bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.
 Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng
panitikang Pilipino. Siyay isang makata, mandudula,
kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot
ng Surian ng Wikang Pambansa.
 Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang
makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang
ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng
diwang ipinahayag.
Panahonng Malasariling
Pamahalaan
Ang panahong ito ay sumasakop sa
panahong nalalapit nang magwakas
ang pananakop ng mga Amerikano
hanggang sa panahon ng Hapon. Sa
panahong ito, nabigyan ng
Malasariling Pamahalaan ang mga
Pilipino sa pangungulo ni Manuel
Luis Quezon, na siyang tinaguriang
Ama ng Wikang Pambansa.
 Ang Tula
Ang panahong ito ay ay pinakanaging makulay na
tinatawag na paghihimagsik  ni Alejandro
Abadilla. Sa biglang tingin, ang
pinaghimagsikan ni Abadilla ay ang porma at
hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang
nagtataglay ng sukat at tugma subalit panahon
at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya
ang matibay at makipot na bakod na
kinapapalooban ng magandang panulaan.
Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal
sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na
guniguni.
 Ang tulay nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong
anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa
mga bundok at kapatagan at ang ibinungay
magkahalong katuwaan at pag-aagam- agam sa
sambayanang mahilig tumula.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

More Related Content

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano

  • 2. Pagbabalik sa Kasaysayan sa Panahonng Amerikano
  • 3. M g a I m p l u w e n s y a s a p a n a h o n n g A m e r i k a n o : 1. Pagpapatayo ng mga paaralan 2. Binago ang sistema ng edukasyon 3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan 4. Ipinagamit ang wikang Ingles 5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sapamamalakad ng pamahalaan 6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
  • 4. Mga Katangian ng Panitikan: 1. Hangaring makamit ang kalayaan 2. Marubdob na pagmamahal sa bayan 3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
  • 5. Diwang Nanaig: 1. Nasyonalismo 2. Kalayaan sa pagpapahayag 3. Paglawak ng karanasan 4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan.
  • 6. Nahahati ang panahon ito sa tatlo (1901-1942): (a)Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b)Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.
  • 8. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga paghihimagsik tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.
  • 9. Ang nakapaloob sa batas sedisyonay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na angong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
  • 11. Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa. malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan;pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan, at ito ay mahiwaga at may kababalaghan.
  • 12. Lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.
  • 13. . Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang hiniram na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.
  • 14. Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksang pag- ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng ibat ibang anyot kulay, itoy tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman.
  • 15. Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon.
  • 16. Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o iyong tinatawag na mga romantikong bayani.
  • 17. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwinay ikinikintal sa ispan na ang masamay pinarurusahan at ang mabutiy tumatanggap ng karampatang gantimpala.
  • 19. Pasingaw. Itoy kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa kaselanan ng mga paksang tinatalakay.
  • 20. Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
  • 21. Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan
  • 22. Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon.
  • 23. Ang mga Manunulat ng Panahon
  • 24. Jose Corazon de Jesus- ang Makata ng Puso ang siyang higit sa kaninoman ay nakamana ng koronat setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. (Huseng Batute)
  • 25. BAYAN KO Jose Corazon de Jesus Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya!
  • 26. Lope K. Santos ang Makata ng Buhay sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santos sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at di pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain
  • 27. Pagtatapat ni Lope K.Santos Ibig kong kung ikaw ay may iniisip, Sa ulo mo'y ako ang buong masilid. Ibig kong kung iyang mata'y tumititig, Sa balintataw mo ako'y mapadikit. Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig, Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis; Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib, Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos, Akung-ako lamang ang makasusunod. Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog, Kaluluwa ko lang ang makpupulot. Hangad kong sa harap ng iyong alindog, Ay diwa ko lamang ang makaaluluod. Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,
  • 28. Kamanyang ko lamang ang naisusuob. Nassa kong kung ika'y may tinik sa puso, Dini sa puso ko maunang tumimo. Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y, Maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y, Maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo, Ay mabayaran ko ng libong pangako; Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo, Ay mga labi ko ang gamiting panyo. Nais kong sa aklat ng aking pagsinta, Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa. Nais kong sa mukha n gating ligaya,
  • 29. Batik man ng hapis ay walang Makita. Nais kong ang linis ng ating panata'y, Huwag marungisan ng munting balisa, Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y, Walang makatagpong anino ng dusa. Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y Hamog ng halik mo ang magpapasariwa; Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala, Ay wala nang ulap na makagambala; Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y, Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa. Mithi kong kung ko'y mabalik sa wala, Ay sa walang yao'y huway kang mawala.
  • 30. Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan.
  • 31. I単igo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.
  • 32. BUGTONG May isang dalagang may buwan sa dibdib, may tala sa noo na kaakit-akit, nang aking makitay natutong humibik, nabinhi sa puso ang isang pag-ibig. May isang binatang may luha sa mata, may tinik sa puso at tigib ng dusa, ang binatang ito nang iyong makita nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa May isang babaing matigas aug puso, sa ano mang taghoy, hindi kumikibo, kapag nag-iisa, luhay tumutulo may lihim na awa sa namimintuho... May isang lalaking matibay aug dibdib, sa bayo ng dusay marunong magtiis; ma-gabi, ma-araw walang iniisip kundi makarating sa pinto ng langit. Itoy isang bugtong na may-kagaanan, ngunit pusta tayo, di mo matuturan, ang dalihan ay di sa hindi mo alam kundi sa ugaling matimpiing tunay. Ngunit balang araw di mo matitiis na di ipagtapat ang laman ng dibdib, ang bugtong ko naman sabay isusulit na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.
  • 33. Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.
  • 34. ANG HALIK Ni Florentino Collantes May nangagsasabing ang halik ng tao Ay isang pagkaing lutong paraiso Anang iba naman ay lutong impyerno Ewan ko kung alin dito ang totoo, Marahil sa langgam ang tao natuto Sapagkat una na ang hayop na ito. At tayong Pilipino sa Kastila lamang Umano natuto ng paghahalikan Sa Amerikano tayo nasanay Ng gawang paghalik kahit sa lansangan. Datapwat sa aking ganang pagkabatid Tayoy may sarilit katutubong halik May halik Pilipino may halik Ingles May halik Kastila at may halik Intsik.
  • 35. Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway Pisngiy ginagawang mangkok ng linugaw Parang humuhithit sa kwako ng apyan Parang pumapangos ng tubong sinambay Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso Dikdikan ng labit ngudnguran ng nguso Datapwa ang atin, ang halik Pilipino Ay hindi pasipsip ni hindi pasupsop Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot. Ang halik ay bugtong na kataka-taka Pabango ng puso at ng kaluluwa Sa iisang tao ay walang halaga Ngunit pulot gata kapag sa dalawa. Ang halik ay mahal,banal at dakila Ngunit nahihingi kung sa munting bata Itoy ninanakaw ng mga binata Ngunit binibili ng mga matanda.
  • 36. Ang halik sa sanggol isang kautangan Sa mutyang kasuyo itoy karapatan Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal Ngunit balatkayo ng pusong tulisan. Ang halik sa sinta pag-asang sariwa Sa mutyang asaway pagsintang dakila Datapwat sa isang dalagang matanda Ang halik ay isang pagkakawanggawa.
  • 37. Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947.
  • 38. Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco Balagtas Baltazar. Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, ang mga nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
  • 39. Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.
  • 40. Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute. Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na Ama ng Panulaang Ilocano. Kahawig ito ng Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog.
  • 41. Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.
  • 43. Nagsimula sa paglitaw ng magsaing Liwayway noong 1922. Itoy nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Nagwakas sa taong 1932, sa pagkakaatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.
  • 44. Katangian ng Pampanitkan Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang romantisismo bagamt masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.
  • 45. Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.
  • 46. Ang mga Makata: Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang ibat ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso. Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siyay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag.
  • 48. Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
  • 49. Ang Tula Ang panahong ito ay ay pinakanaging makulay na tinatawag na paghihimagsik ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang pinaghimagsikan ni Abadilla ay ang porma at hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng sukat at tugma subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang panulaan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na guniguni.
  • 50. Ang tulay nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinungay magkahalong katuwaan at pag-aagam- agam sa sambayanang mahilig tumula.