ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
PANAHON
NG MGA
HAPONES
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan
ng taong 1941-1945 ay nabalam sa kaniyang
tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong
sakupin ng isa na namang dayuhang mapaniil – ang
mga Hapones. Natigil ang panitikan sa Ingles.
Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat
halos ng pahayagan ng Ingles ay pinatigil ng mga
Hapones.
Naging maganda naman ang bunga nito sa
Panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito
sapagkat ang mga dating sumusulat sa Ingles
ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog.
JUAN LAYA
LIWAYWAY
mahigpit na
pagmamatyag
Kin-Ichi
Ishikawa
ANG MGA TULA SA PANAHONG ITO
bayan o sa
pagkamakabayan, pag-
ibig, kalikasan, buhay-
lalawigan o nayon,
pananampalataya, at
sining
PAKSA
HAIKU
may malayang
taludturan
binubuo ng
labimpitong pantig
na nahahati sa 3
taludtod (5-7-5)
TUTUBI
Ni Gonzalo K. Flores
Hila mo’y tabak …
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
ANYAYA
Ni Gonzalo K. Flores
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta.
KALIKASAN
Biyaya’y taglay
Kaloob ng Maykapal
Anyaya’y buhay.
PAG-IBIG
Hatid ay saya
Sa pusong sumisinta
Irog, halika.
TANAGA
may
matatalinghagang
kahulugan
bawat taludtod ay
may pitong
pantig
maikli ngunit
may sukat at
tugma
PALAY
Ni Ildefonso Santos
Palay siyang matino
Nang humangi’y
yumuko
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
KABIBI
Ni Ildefonso Santos
Kabibi ano ka ba?
May perlas maganda ka
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntung-hininga.
KARANIWANG
ANYO
may tugma at sukat
PAG-IBIG
Ni Teodoro Gener
Umiibig ako at ang iniibig
Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit?
Lumiliyag ako at ang nililiyag
Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang
hangad
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?
Umiibig ako’t sumisintang tunay
Di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman
Ako’y umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan
Ang kaligyahan ay wala sa langit
Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligyaha’y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig.
KAPAYAPAAN SA SAN ATONIO
Ni Oscar de Zuniga
Tahimik sa San Antonio
Nakatitig ang kapayapaan sa bunganga ng baril
May awit at tuwa sa bukid
Ngunit may duguang kamay ng magsasaka
Sa silong ng bahay, aso’y nananaghoy
At sa parang ay sumisigaw ang putok ng
baril
Sa isang liblib na landas, isang magsasaka
Ang inihatid sa hukay
Maligaya ang mamatay
At may kapayapaan.

More Related Content

Panulaang Pilipino