際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Gabay sa pag-unawa sa
Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa
ni
Fr. Roque J. Ferriols
ng
Ateno De Manila University
12/11/2009 Philosophy 100
DVM2 lecture class
1
Ang ilang bahagi ng presentasyon na ito ay halaw sa orihinal na akda ni Fr.
Ferriols. Gabay lamang sa pagtuturo ang akdang ito at hindi inaari ang mga bahagi na
protektado ng copyright ng may-ari ng orihinal na akda
Pagtanong at Paggawa
Ano kaya ang pilosopiya?
- Lalong mabuting gawin muna bago pag-usapan kung
ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa.
- Natututo tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa
pamimisikleta, lumangoy sa paglalangoy, magmaneho
ng kotse sa pagmamaneho ng kotse.
- Ganyan din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari
tayong tulungan ng isang kaibigan na mamilosopiya,
magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati lumakad.
At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong
magbisikleta, atbp.
4/11/2006 2
Pamimisikleta
 Paano ba ang magbisikleta?
 Alalahanin ang mga karanasan sa panahon na tayo ay tinuturuan sumakay sa
bisikleta at magbisikleta
 Tinuturuan tayong magbisikleta at nagpapaturo tayong magbisikleta dahil:
 May pagkamaaari tayong magbisikleta
 Sa pagtuturo sa pamimisikleta, tinuturuan tayo sa pamamagitan ng
pagpapakita, pagtawag ng pansin, pagsusubaybay, pagbibigay-loob,
pagmamakulit
 Upang maisagawa natin ang pagka-maaring ito ay kailangan nating magsipag
at magtiyaga
 Tayo ang pipili para sa sarili natin, kaya ba nating magsipag at magtiyaga?
 Dahil sa ating pagpapasya, nakaya nating magbisikleta
 Hawig sa pagbibisikleta ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at
pati sa pilosopiya.
 Tayo ang magsasagawa para sa ating sarili
4/11/2006 3
Halimbawa:
 Kung yayain ka ng iyong kaibigan na magpunta sa
handaan at hindi ka maaaring sumama sa kanya?
 Maaari mong sabihin na sa susunod na pagkakataon
ka na lang sasama..
 Gayundin naman, maaari mo ring sabihin na ikain mo
na lang ako
 Kung magkita kayo kinabukasan at kanyang sinabi
na ikinain kita ng lechon at caldereta.. Nabusog
ka kaya sa ganang ito?
4/11/2006 4
Instrumento sa Paggawa ang Kataga
 Habang tinuturuan tayo sa pagbibisikleta, nagsasalita
ang nagtuturo sa atin. Nagbibitiw sila ng mga kataga.
 Hindi sila nagsasalita upang magdiskurso ukol sa: Ano
ba ang magbisikleta?
 Kung nagkagayon, hindi sana tayo sanay makabisikleta
ngayon mana pay sanay tayong magdiskurso ukol sa
pamimiskleta.
 Ang mga salita ng nagtuturo sa atin ay mga
instrumento lamang sa paggawa. Ang mga salita ay
nakikilalang mabuti ng tinuturuan kapag ang
tinuturuan ay nakapagbibisikleta na.
4/11/2006 5
Ayaw Nilang Lumundag pero, para sa
Kanila, Marunong na Sila
 Sa isang halimbawa sa artikulo, nakasaad ang
pagtuturo ng isang guro sa paglalangoy
 Kanyang binigay ang mga tagubilin at mga
dapat gawin at tandaan ng mga mag-aaral
ukol sa paglalangoy
4/11/2006 6
Kabilang sa mga dapat gawin at
tandaan ng mga mag-aaral ay:
1. Magsanay munang magtampisaw sa tubig
2. Huwag huminga pero dapat idilat ang mata at
pagpasailalim ng tubig
3. Bastat dumapa
4. Huwag matakot sapagkat lulutang din naman
5. Matutong igalaw ang paa
6. Matutong igalaw ang kamay
7. Matutong huminga
8. Paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang
praktis
4/11/2006 7
 Sinusulat ng mag-aaral ang lahat ng sinasabi ng guro sa paglalangoy.
Dumating ang pagkakataon at kanyang sinabi
At ngayon, patuloy niya, eto ang swimingpul. Oras nang magsimula.
Lundagin mo beybe!
Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila.
Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo kung hindi
ninyo ginagawa!
Wala pa rin lumundag. Sulat pa rin sila ng sulat.
Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng
panahon?
Dito, may bumaling sa guro: Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikita na
mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto. At pinakita niya ang kanyang
notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang salitang hanggan sa
huli... hanggan sa Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang
tayo ng panahon?
Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit. Biruin mo, pinagalitan
pa tayo!
Pero natutuwa pa rin sila. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang kanyang
notbuk. Naisulat nila ang bawat sinabi ng guro. Kayat inaakala nilang natuto na
sila. Ayaw nilang lumundag pero, para sa kanila, e marunong na sila!
4/11/2006 8
 Katulad din ng pagiging guro, mahirap
ipaliwanang ng buong-buo kung paano
maging guro. Ang pagdanas kung paano
maging guro ang makapagbibigay ng
kahulugan at lubos na pagkaka-unawa kung
paano nga ang maging isang guro
 Tayo ang dapat dumanas...
4/11/2006 9
Pagtingin
Umuunawang pagtingin vs. Otomatikong pagtingin
 Kapag narirnig ng bata ang drowing at bulaklak,
otomatik nang kikilus ang kanilang mga kamay. Hindi
na sila titingin sa bulaklak na ipinaguguhit sa kanila at
hindi gagawa ayon sa nakikita.
 Kapag hindi nababara sa otomatik na patakaran ang
bata, buhay na buhay ang kanyang katutubong
pananabik matuto. At tingin siya nang tingin. Tanong
nang tanong. At ang tanong ay nagiging bukal ng
pagtingin  masusing pagtingin.
4/11/2006 10
 Kailangan nating dumilat para tayo ay
maraming makita.
 Ang pagtingin ay isang gawain na ako lamang
ang makagagawa, kung ako nga ang
makakakita.
 Gayundin naman, ikaw lang ang makakagawa
nito para sa sarili mo kung ikaw ang
makakakita
4/11/2006 11
 Tigib ang daigdig sa mga nagpapakita,
nagpapamasid.
 Sozein ta phainomena
(to save the appearances)
 Damhin ang nagpaparamdam na talagang totoo
 Kailangan nating dumilat at damhin ang
nagpaparanas sa ating paligid
4/11/2006 12
Pag-unawa
 May uring pag-uunawa na maihahambing sa
pagtingin
 Halimbawa, 2 + 2 = 4
 Nakikita natin na ganyan ang angkop na pag-iisip,
sa umuunawang pagtingin, ang pagka-dalawa ng
dalawa at ang pagka-apat ng dalawang dalawa.
 Sa isang kilus ng ating pag-unawa na katulad sa
kilus ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2
+ 2 = 4.
4/11/2006 13
 Sa biro naman, kusa tayong natatawa kung may
nakita at naunawaan tayo na talagang
nakakatawa
 2 + 2 at kislap ng biro. Maaaring mangyari na
makakaunawa lamang tayo pagkatapos ng
mahabang panahon ng pagsikap makakita, at
makakita ng malalim at buo. Pero sa lahat, may
kilus ang pag-uunawa. Tinatablan ng pag-uunawa
ang inuunawa. Kailangang tumingin ng isip.
4/11/2006 14
 Kaya nating umunawa, ngunit ako o ikaw lamang
ang maaaring umunawa sa paraang ako o ikaw
lamang ang makakaunawa para sa sarili natin
 Kung sakaling napanood ko kagabi ang isang
palabas sa telebisyon at hindi mo ito napanood,
kahit anong paliwanag at pagsasalarawan ang
aking gawin, hindi mo ito mauunawaan at
mararanasan sa paraang ako ang natuto at
nakasaksi
4/11/2006 15
 Hindi mo kayang umunawa sa isang paraan na
pagkatapos, ako ang nakaunawa o
kabaligtaran.
 Ako lamang ang makapagpapairal sa aking
pag-uunawa kung nais kong umunawa. Ikaw
lamang maaring umunawa kung ikaw nga ang
uunawa.
4/11/2006 16
Pagtingin at Pag-uunawa
 Hindi ko makita kung bakit sila tawa nang tawa.
 Ang labo ng kanyang sinasabi.
 Walang nakakakita sa katuturan ng iyong mga pag-
aargumento.
 Magpakita ka nga ng dahilan kung bakit tama ang
ginagawa niya.
 O maaring mangyari na biglang nagkablakawt habang
may nagbibigay ng talumpati. At kung itinuloy pa rin
niya, at kung malinaw siyang maglahad, sasabihin
natin, Maliwanag ang kanyang talumpati, kahit na
ang dilim-dilim habang siyay nagsasalita.
4/11/2006 17
 Nakikita ba ang salita?
 Ang linaw o labo ay hindi lang sa aspetong
pagtingin, ginagamit din ang mga ito para sa
pag-unawa
4/11/2006 18
Tingin ng Mata at ng Isip
 Magkahiwalay bang gumagalaw ang dalawa?
 Ang tingin ba ng mata ay tingin lamang nito
bilang bahagi ng ating katawan?
 Subukan mong pumikit. Huminto ba ang iyong
pag-unawa sa panahon na huminto na
tumingin ang iyong isip?
 Sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong
katawan.
4/11/2006 19
Kailangan ang Paniniwala at
Kailangang Kilatisin
 Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo
ay nababatay sa mga hindi natin nakita o
naranasan. Ibang tao ang nakakita o
nakadanas at naniwala tayo sa kanila.
4/11/2006 20
Ang taong mapapaniwalaan ay itinuturing natin
na tunay na bukal ng kaalaman at karunungan.
Kailangan na siya ay:
1) Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi niyang
pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kanyang mata; at
gumagawa lamang siya ng interpretasyon kung talaga siyang may
kakayahan, halimbawa, na bumasa sa eksrey o sa larawang-satelayt
o sa kung ano makakagaling sa isang sakit.
2) Marunong magbunyag sa kanyang nalalaman at nauunawaan:
Meron siyang arte ng pagbunyag, kayat naibabahagi niya ang
kanyang karanasan sa mga hindi nakadanas ng ganoon; o
naibabahagi niya ang kanyang pagka-eksperto sa mga hindi
eksperto sa antas na itoy posible.
3) Makatotohanan: Hindi nagsisinungaling.
4/11/2006 21
Katangian ng taong matino sa kanyang
pagbibigay tiwala sa kanyang kapuwa:
1) Marunong kumilatis  sa mga bukal ng kaalaman at
karunungan.
2) Marunong umunawa  sa mga ibinubunyag.
Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong
makinabang sa mga ibinubunyag sa kanya. At hindi rin
siya maaring sumang-ayon o tumutol sa mga
ibinubunyag. Sapagkat hindi maaring sumang-ayon o
tumutol ang tao, kung hindi niya nauunawaan ang
kanyang sinasang-ayonan o tinututulan.
4/11/2006 22
Abstraksyo
 Nakita natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na
makaunawa sa mga detalye ng isang pangyayari,
hinihiwalay natin sa ating isip ang nagkakaisa sa talagang
totoo. Ganyan ang ginawa nating noong tinalakay natin ng
isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakita rin natin na
importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na
umiiral sa talagang totoo. Palibhasay madalas gamitin
itong patakaran ng paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa
talagang totoo, mabuting bigyan ng pangalan. Ang
nakaugaliang pangalan ay abstractio. Katagan Latin:
paghihiwalay. Isusulat kong abstraksyo. Nag-aabstraksyo
tayo kapag nalilimutan natin na bukod tangi at iba ang
bawat tao, at tinutuonan lamang natin ng pansin ang
pagkahawig ng lahat ng tao. Abstraksyo rin kapag
gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung may
kinalaman ang plano sa mga bagay na pinagpaplanohan.
4/11/2006 23
Pambungad sa Metapisika
Ang bungad ng isang bahay ay pinto
binubuksan sa mga dumadaan ang mga
sekretong nakatago sa bahay. Hindi sekereto
ng tahanan ang metapisika, bagkus malalim at
malawak na katotohanan na umaanyaya sa
lahat. Ang pambungad sa metapisika ay
pintuan na bumubukas sa kalaliman at
kalawakan, sa kaparangan, kabundukan,
kalangitan.
4/11/2006 24
Noong nakapasok na siya sa pintuan
Yumapak siya
Sa malawak na lupain
Na palayo ng palayo ang mga hangganan
Sinusukuban ng langit
Na pataas ng pataas ang tuktok
Ang mga laylayay palayo ng palayo
Sinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan
4/11/2006 25
Sanggunian
 http://pilosopotasyo.tripod.com/una.html
Accessed:0945h 11032011
4/11/2006 26

More Related Content

pdfslide.net_sapagkat-ang-pilosopiya-ay-ginagawa.ppt

  • 1. Gabay sa pag-unawa sa Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa ni Fr. Roque J. Ferriols ng Ateno De Manila University 12/11/2009 Philosophy 100 DVM2 lecture class 1 Ang ilang bahagi ng presentasyon na ito ay halaw sa orihinal na akda ni Fr. Ferriols. Gabay lamang sa pagtuturo ang akdang ito at hindi inaari ang mga bahagi na protektado ng copyright ng may-ari ng orihinal na akda
  • 2. Pagtanong at Paggawa Ano kaya ang pilosopiya? - Lalong mabuting gawin muna bago pag-usapan kung ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa. - Natututo tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa pamimisikleta, lumangoy sa paglalangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse. - Ganyan din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari tayong tulungan ng isang kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong magbisikleta, atbp. 4/11/2006 2
  • 3. Pamimisikleta Paano ba ang magbisikleta? Alalahanin ang mga karanasan sa panahon na tayo ay tinuturuan sumakay sa bisikleta at magbisikleta Tinuturuan tayong magbisikleta at nagpapaturo tayong magbisikleta dahil: May pagkamaaari tayong magbisikleta Sa pagtuturo sa pamimisikleta, tinuturuan tayo sa pamamagitan ng pagpapakita, pagtawag ng pansin, pagsusubaybay, pagbibigay-loob, pagmamakulit Upang maisagawa natin ang pagka-maaring ito ay kailangan nating magsipag at magtiyaga Tayo ang pipili para sa sarili natin, kaya ba nating magsipag at magtiyaga? Dahil sa ating pagpapasya, nakaya nating magbisikleta Hawig sa pagbibisikleta ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at pati sa pilosopiya. Tayo ang magsasagawa para sa ating sarili 4/11/2006 3
  • 4. Halimbawa: Kung yayain ka ng iyong kaibigan na magpunta sa handaan at hindi ka maaaring sumama sa kanya? Maaari mong sabihin na sa susunod na pagkakataon ka na lang sasama.. Gayundin naman, maaari mo ring sabihin na ikain mo na lang ako Kung magkita kayo kinabukasan at kanyang sinabi na ikinain kita ng lechon at caldereta.. Nabusog ka kaya sa ganang ito? 4/11/2006 4
  • 5. Instrumento sa Paggawa ang Kataga Habang tinuturuan tayo sa pagbibisikleta, nagsasalita ang nagtuturo sa atin. Nagbibitiw sila ng mga kataga. Hindi sila nagsasalita upang magdiskurso ukol sa: Ano ba ang magbisikleta? Kung nagkagayon, hindi sana tayo sanay makabisikleta ngayon mana pay sanay tayong magdiskurso ukol sa pamimiskleta. Ang mga salita ng nagtuturo sa atin ay mga instrumento lamang sa paggawa. Ang mga salita ay nakikilalang mabuti ng tinuturuan kapag ang tinuturuan ay nakapagbibisikleta na. 4/11/2006 5
  • 6. Ayaw Nilang Lumundag pero, para sa Kanila, Marunong na Sila Sa isang halimbawa sa artikulo, nakasaad ang pagtuturo ng isang guro sa paglalangoy Kanyang binigay ang mga tagubilin at mga dapat gawin at tandaan ng mga mag-aaral ukol sa paglalangoy 4/11/2006 6
  • 7. Kabilang sa mga dapat gawin at tandaan ng mga mag-aaral ay: 1. Magsanay munang magtampisaw sa tubig 2. Huwag huminga pero dapat idilat ang mata at pagpasailalim ng tubig 3. Bastat dumapa 4. Huwag matakot sapagkat lulutang din naman 5. Matutong igalaw ang paa 6. Matutong igalaw ang kamay 7. Matutong huminga 8. Paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang praktis 4/11/2006 7
  • 8. Sinusulat ng mag-aaral ang lahat ng sinasabi ng guro sa paglalangoy. Dumating ang pagkakataon at kanyang sinabi At ngayon, patuloy niya, eto ang swimingpul. Oras nang magsimula. Lundagin mo beybe! Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila. Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo kung hindi ninyo ginagawa! Wala pa rin lumundag. Sulat pa rin sila ng sulat. Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon? Dito, may bumaling sa guro: Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikita na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto. At pinakita niya ang kanyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang salitang hanggan sa huli... hanggan sa Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon? Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit. Biruin mo, pinagalitan pa tayo! Pero natutuwa pa rin sila. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang kanyang notbuk. Naisulat nila ang bawat sinabi ng guro. Kayat inaakala nilang natuto na sila. Ayaw nilang lumundag pero, para sa kanila, e marunong na sila! 4/11/2006 8
  • 9. Katulad din ng pagiging guro, mahirap ipaliwanang ng buong-buo kung paano maging guro. Ang pagdanas kung paano maging guro ang makapagbibigay ng kahulugan at lubos na pagkaka-unawa kung paano nga ang maging isang guro Tayo ang dapat dumanas... 4/11/2006 9
  • 10. Pagtingin Umuunawang pagtingin vs. Otomatikong pagtingin Kapag narirnig ng bata ang drowing at bulaklak, otomatik nang kikilus ang kanilang mga kamay. Hindi na sila titingin sa bulaklak na ipinaguguhit sa kanila at hindi gagawa ayon sa nakikita. Kapag hindi nababara sa otomatik na patakaran ang bata, buhay na buhay ang kanyang katutubong pananabik matuto. At tingin siya nang tingin. Tanong nang tanong. At ang tanong ay nagiging bukal ng pagtingin masusing pagtingin. 4/11/2006 10
  • 11. Kailangan nating dumilat para tayo ay maraming makita. Ang pagtingin ay isang gawain na ako lamang ang makagagawa, kung ako nga ang makakakita. Gayundin naman, ikaw lang ang makakagawa nito para sa sarili mo kung ikaw ang makakakita 4/11/2006 11
  • 12. Tigib ang daigdig sa mga nagpapakita, nagpapamasid. Sozein ta phainomena (to save the appearances) Damhin ang nagpaparamdam na talagang totoo Kailangan nating dumilat at damhin ang nagpaparanas sa ating paligid 4/11/2006 12
  • 13. Pag-unawa May uring pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin Halimbawa, 2 + 2 = 4 Nakikita natin na ganyan ang angkop na pag-iisip, sa umuunawang pagtingin, ang pagka-dalawa ng dalawa at ang pagka-apat ng dalawang dalawa. Sa isang kilus ng ating pag-unawa na katulad sa kilus ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2 + 2 = 4. 4/11/2006 13
  • 14. Sa biro naman, kusa tayong natatawa kung may nakita at naunawaan tayo na talagang nakakatawa 2 + 2 at kislap ng biro. Maaaring mangyari na makakaunawa lamang tayo pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsikap makakita, at makakita ng malalim at buo. Pero sa lahat, may kilus ang pag-uunawa. Tinatablan ng pag-uunawa ang inuunawa. Kailangang tumingin ng isip. 4/11/2006 14
  • 15. Kaya nating umunawa, ngunit ako o ikaw lamang ang maaaring umunawa sa paraang ako o ikaw lamang ang makakaunawa para sa sarili natin Kung sakaling napanood ko kagabi ang isang palabas sa telebisyon at hindi mo ito napanood, kahit anong paliwanag at pagsasalarawan ang aking gawin, hindi mo ito mauunawaan at mararanasan sa paraang ako ang natuto at nakasaksi 4/11/2006 15
  • 16. Hindi mo kayang umunawa sa isang paraan na pagkatapos, ako ang nakaunawa o kabaligtaran. Ako lamang ang makapagpapairal sa aking pag-uunawa kung nais kong umunawa. Ikaw lamang maaring umunawa kung ikaw nga ang uunawa. 4/11/2006 16
  • 17. Pagtingin at Pag-uunawa Hindi ko makita kung bakit sila tawa nang tawa. Ang labo ng kanyang sinasabi. Walang nakakakita sa katuturan ng iyong mga pag- aargumento. Magpakita ka nga ng dahilan kung bakit tama ang ginagawa niya. O maaring mangyari na biglang nagkablakawt habang may nagbibigay ng talumpati. At kung itinuloy pa rin niya, at kung malinaw siyang maglahad, sasabihin natin, Maliwanag ang kanyang talumpati, kahit na ang dilim-dilim habang siyay nagsasalita. 4/11/2006 17
  • 18. Nakikita ba ang salita? Ang linaw o labo ay hindi lang sa aspetong pagtingin, ginagamit din ang mga ito para sa pag-unawa 4/11/2006 18
  • 19. Tingin ng Mata at ng Isip Magkahiwalay bang gumagalaw ang dalawa? Ang tingin ba ng mata ay tingin lamang nito bilang bahagi ng ating katawan? Subukan mong pumikit. Huminto ba ang iyong pag-unawa sa panahon na huminto na tumingin ang iyong isip? Sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan. 4/11/2006 19
  • 20. Kailangan ang Paniniwala at Kailangang Kilatisin Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo ay nababatay sa mga hindi natin nakita o naranasan. Ibang tao ang nakakita o nakadanas at naniwala tayo sa kanila. 4/11/2006 20
  • 21. Ang taong mapapaniwalaan ay itinuturing natin na tunay na bukal ng kaalaman at karunungan. Kailangan na siya ay: 1) Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi niyang pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kanyang mata; at gumagawa lamang siya ng interpretasyon kung talaga siyang may kakayahan, halimbawa, na bumasa sa eksrey o sa larawang-satelayt o sa kung ano makakagaling sa isang sakit. 2) Marunong magbunyag sa kanyang nalalaman at nauunawaan: Meron siyang arte ng pagbunyag, kayat naibabahagi niya ang kanyang karanasan sa mga hindi nakadanas ng ganoon; o naibabahagi niya ang kanyang pagka-eksperto sa mga hindi eksperto sa antas na itoy posible. 3) Makatotohanan: Hindi nagsisinungaling. 4/11/2006 21
  • 22. Katangian ng taong matino sa kanyang pagbibigay tiwala sa kanyang kapuwa: 1) Marunong kumilatis sa mga bukal ng kaalaman at karunungan. 2) Marunong umunawa sa mga ibinubunyag. Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong makinabang sa mga ibinubunyag sa kanya. At hindi rin siya maaring sumang-ayon o tumutol sa mga ibinubunyag. Sapagkat hindi maaring sumang-ayon o tumutol ang tao, kung hindi niya nauunawaan ang kanyang sinasang-ayonan o tinututulan. 4/11/2006 22
  • 23. Abstraksyo Nakita natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na makaunawa sa mga detalye ng isang pangyayari, hinihiwalay natin sa ating isip ang nagkakaisa sa talagang totoo. Ganyan ang ginawa nating noong tinalakay natin ng isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakita rin natin na importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na umiiral sa talagang totoo. Palibhasay madalas gamitin itong patakaran ng paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa talagang totoo, mabuting bigyan ng pangalan. Ang nakaugaliang pangalan ay abstractio. Katagan Latin: paghihiwalay. Isusulat kong abstraksyo. Nag-aabstraksyo tayo kapag nalilimutan natin na bukod tangi at iba ang bawat tao, at tinutuonan lamang natin ng pansin ang pagkahawig ng lahat ng tao. Abstraksyo rin kapag gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung may kinalaman ang plano sa mga bagay na pinagpaplanohan. 4/11/2006 23
  • 24. Pambungad sa Metapisika Ang bungad ng isang bahay ay pinto binubuksan sa mga dumadaan ang mga sekretong nakatago sa bahay. Hindi sekereto ng tahanan ang metapisika, bagkus malalim at malawak na katotohanan na umaanyaya sa lahat. Ang pambungad sa metapisika ay pintuan na bumubukas sa kalaliman at kalawakan, sa kaparangan, kabundukan, kalangitan. 4/11/2006 24
  • 25. Noong nakapasok na siya sa pintuan Yumapak siya Sa malawak na lupain Na palayo ng palayo ang mga hangganan Sinusukuban ng langit Na pataas ng pataas ang tuktok Ang mga laylayay palayo ng palayo Sinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan 4/11/2006 25