2. Tatlong Mahahalagang
Elemento Para Maayos,
Organisado at Epektibong
Pulong
 Memorandum o Memo – Ayon
kay Prof. Ma. Rovilla
Sudprasert (2014), sa kaniyang
akda na English for the
Workplace 3, ang
memorandum o memo ay
isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing
pulong o paalala tungkol sa
isang mahalagang
impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos.
3. Ito ay maituturing ding isang
sining.
Kadalasan ay maikli lamang
na ang pangunahing layunin
ay pakilusin ang isang tao
sa isang tiyak na
alituntuning dapat
isakatuparan at maaaring
maglahad ng impormasyon
tungkol sa isang
mahalagang balita o
pangyayari at sa mga
bagong polisiya.
4. Ayon kay Dr. Darwin Bargo
(2014) sa kanyang aklat na
Writing in the Discipline, ang
mga kilala at malalaking
kompanya at mga
institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored
stationery para sa kanilang
mga memo tulad ng
sumusunod:
Puti
Pink o Rosas
Dilaw o Luntian
5. PUTI
ginagamit sa mga
pangkalahatang kautusan,
direktiba, o impormasyon
PINK o Rosas
ginagamit naman para sa
request o order na mangagaling
sa purchasing department
Dilaw o luntian
ginagamit naman para sa mga
memo o nangangailangan sa
marketing at accounting
department
10. 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng
kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin
ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan
maging ang bilang ng numero ng telepono
2. Ang bahaging ‘ Para sa/ Para Kay/ Para Kina’ ay
naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o
kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng
memo. Para sa isang impormal na memo ang
Para Kay: Ailene ay sapat na. Ngunit sa mga
pormal na memo, mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang
tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatutulong kung ilalagay rin
ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa
maliban na lamang na napakapormal ng
memong ginawa
Mahalagang
Dapat
Tandaan
11. 3. Ang bahagi namang ‘ Mula Kay’ ay
naglalaman ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Gaya rin ng bahaging
‘Para sa/ Para Kay/ Kina’ maaring gamitin
na lamang ang unang pangalan ng sumulat
nito gaya halimbawa nito: Mula kay: Nestor.
Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong
pangalan ng nagpadala. Gayundin,
mahalagang ilagay ang pangalan ng
departamento kung ang memo ay galing sa
ibang seksiyon o tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., At iba
pa na maliban na lamang na napakapormal
ng memong ginagawa
Mahalagang
Dapat
Tandaan
12. 4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang
paggamit ng numero gaya ng
11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat
ang buong pangalan ng buwan o
ang dinaglat na salita nito tulad
halimbawa ng Nobyembre o Nob.,
kasama ang araw at taon upang
maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay
mahalagang maisulat nang payak,
malinaw, at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.
Mahalagang
Dapat
Tandaan
13. 6. Kadalasang ang ‘Mensahe’ ay maikli
lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangang ito ay
magtaglay ng sumusunod: Sitwasyon – dito
makikita ang panimula o layunin ng memo.
Problema – nakasaad ang suliraning dapat
pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo
ay nagtataglay nito. Solusyon – nagsasaad
ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang
memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng
paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng
nagpapadala. Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging
Mula Kay….
Mahalagang
Dapat
Tandaan
14. Tatlong Mahahalagang
Elemento Para Maayos,
Organisado at Epektibong
Pulong
 Ayon kay Sudprasert (2014),
ang adyenda ang nagtatakda
ng mga paksang tatalakayin sa
pulong.
15. Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng
adyenda ng pulong.
1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga
impormasyon:
a. Mga paksang tatalakayin
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng
mga paksa
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong
tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan
ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang
mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga
kasapi sa pulong na maging handa sa mga
paksang tatalakayin o pagdedesisyunan
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling
16. Hakbang sa
Pagsulat ng
Adyenda
1. Magpadala ng memo na maaring
nakasulat sa papel o kaya naman ay
isang e-mail na nagsaad na
magkakaroon ng pulong tungkol sa
isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras, at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang
lagdaan ito bilang katibayan ng
kanilang pagdalo o kung e-mail
naman, kinakailangang magpapadala
sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din
sa memo na sa mga dadalo,
mangyaring ipadala o ibigay sa
gagawa ng adyenda ang kanilang
concern o paksang tatalakayin at
maging ang bilang ng minutong
kanilang kailangan upang pag-usapan
ito.
17. Hakbang sa
Pagsulat ng
Adyenda
3. Gumawa ng balangkas ng mga
paksang tatalakayin kapag ang lahat ng
mga adyenda o paksa ay napadala o
nalikom na. Higit na magiging
sistematiko kung ang talaan ng
adyenda ay nakalatag sa talahanayan o
naka-table format kung saan makikita
ang adyenda o paksa, taong
magpapaliwanag at oras kung gaano ito
katagal pag-uusapan. Ang taong
naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at
mapanuri kung ang mga isinumiteng
adyenda o paksa ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong. Kung sakaling ito ay
malayo sa paksang pag-uusapan,
ipagbigay-alam sa taong nagpadala nito
na ito ay maaring talakayin sa susunod
na pulong.
18. Hakbang sa
Pagsulat ng
Adyenda
4. Ipadala ang sipi ng
adyenda sa mga taong
dadalo, mga dalawa o
isang araw bago ang
pulong. Bilang paalala ay
muling ilagay rito ang
layunin ng pulong, at kung
kailan at saan ito
gaganapin.
5. Sundin ang nasabing
adyenda sa pagsasagawa
ng pulong.