2. Basahin ang bawat paksa at kung
ito ay magkasintulad sa barangay
at sultanato, isulat ang MK at kung
ito naman ay magkaiba, isulat ang
MI.
1. Pagpili sa pinuno
2. Hawak na kapangyarihan
3. Lawak ng nasasakupan
4. Lupon na tumutulong sa pinuno
3. Tungkulin ng isang pinuno
ang pagpapatupad ng mga
kinikilalang batas sa kanyang
nasasakupan. Ano kaya ang
kahalagahan ng batas sa pag-
uugnayan ng mga Pilipino?
4. Paano ang pama-
malakad ng hukuman sa
barangay at patakaran ng
barangay sa pakikipag-
ugnayan sa ibang
barangay.
5. Ano ang mga uri ng batas sa
barangay?
Ang mga batas sa
barangay ay nauuri sa
dalawa
ang hindi nakasulat at
ang nakasulat.
6. Ang mga hindi nakasulat
na batas ay batay sa
kaugalian at tradisyon.
Nagpasalin-salin ang mga ito
sa mga henerasyon sa
pamamagitan ng
pagkukuwento, pangangaral
at patuloy na paggamit
7. Ang mga batas na
nakasulat ay ginagawa ng
datu katulong ang kanyang
tagapayo. Sa ibang barangay
ang Lubluban ang gumagawa
ng batas. Ipinapahayag ang
mga batas sa pamamagitan
ng umalahokan o
tapapagbalita sa barangay.
8. Ano ang nasasaklawan ng mga batas?
Ang saklaw ng mga batas
ay nauukol sa paggalang sa
mga magulang at matatanda,
parusa sa pagnanakaw,
pagtataksil, pandaraya,
pagsasamantala, pagmamay-
ari ng lupa at hindi pagsimba
9. Ang saklaw ng mga batas
ay nauukol sa paggalang sa
mga magulang at matatanda,
parusa sa pagnanakaw,
pagtataksil, pandaraya,
pagsasamantala, pagmamay-
ari ng lupa at hindi pagsimba
10. Paano ang paglilitis?
Ang paglilitis sa mga may kaso
ay ginagawa sa harap ng pub-
liko. Ang Datu ang tumata-yong
hukom at pinagpapayuhan siya
ng lupon ng mga maruru-nong na
Agurang. Sa maraming pagkaka-
taon, ang panig na nakapagha-
harap ng pinaka-maraming saksi
at ebidensiya ang siyang nana-
nalo.
11. Ano ang kahalagahan ng batas sa
pag-uugnayan ng mga Pilipino?
Ang mga batas ang nagtatakda
ng mga dapat at di-dapat
gawin. Ang mga batas ang
naging patnubay ng mga tao sa
pakikisalamuha sa ibang tao sa
barangay na kanyang
kinabibilangan at pati na rin sa
ibang barangay.
12. Ang pakikipag-ugnayan sa
ibang barangay ay
nakatutulong sa pag-iwas sa
mga digmaan at hindi
pagkakaunawaan, at
pagtatatag ng sistemang
pangkalakalan.
13. Ang mga datu sa ibat
ibang barangay ay
nakikipagkasundo upang
mapanatili ang
pagkakaibigan at
mapayapang samahan.
Isinasagawa ang isang
seremonyang tinatawag na
sanduguan.
14. Nangangako ang mga nag-
sandugo na magiging mata-pat
sa pag-uugnayan at
nagtuturingan silang mag-
kapatid at magkaibigan. Ang
ibang dumalo naman sa pulong
at sanduguan ang mga saksi sa
seremonya na nagtatapos sa
isang masaganang salu-salo
15. TALAKAYAN;
1. Anu ang pagkakaiba ng batas na di-
nasusulat at batas na nasusulat?
2. Anu-ano ang nasasaklawan ng mga
batas sa barangay?
3. Paano ginagawa ang paglilitis?
4. Paano ginagawa ang isang
kasunduan?
5. Bakit mahalaga ang batas sa pag-
uugnayan ng mga tao sa barangay?
17. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kuwaderno.
1. Ang pagtiyak sa tao o mga taong dapat
bigyan ng parusa dahil sa paglabag sa
batas ng barangay ay isinasagawa sa
pamamagitan ng paglilitis at ________.
A. pagpapahula
B. pagsasagawa ng seremonya
C. pagsubok
D. paghahandong ng pilak at ginto
18. 2. Ang sanduguan ay isang seremonyang
sumasagisag sa _________.
A. pakikipagkalakalan
B. pakikipagkaibigan
C. kasaganaan
D. paglilitis ng isang kaso sa barangay
3. Napararating sa buong barangay ang
mga batas mula sa datu sa pamamagitan
ng ________.
A. Lubluban C. Agurang
B. Umalahokan D. Raha
19. 4. Ang iniinom sa isang sanduguan ay alak at
________ ng mga gumagawa ng kasunduan.
A. katas ng niyog C. tubig
B. katas ng kalabaw D. dugo
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin
ng pakikipag-ugnayan ng mga barangay?
A. Pag-iwas sa digmaan
B. Pagpapalitan ng produkto
C. Pagpapalawak ng nasasakupan
D. Pakikipagkaibigan
20. Kung ikaw ay isang datu sa isang
barangay noong unang panahon, alin
sa mga sumusunod na batas ang
bibigyan mo ng pinakamalaking
panahon para maipatupad ito?
Ipaliwanag kung bakit.
1. Paggalang sa magulang at
matatanda
2. Pagmamay-ari ng lupa
3. Paninilbihan sa datu