PPT_FPL 11_12 Q2 1503_Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto.pptx
1. Filipino sa Piling Larang
Senior High School Applied - Academic
Yunit 15: Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Aralin 3
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
3. Layuning
Pampagkatut
o
Pagkatapos ng
araling ito, ikaw
ay inaasahang
naiisa-isa ang mga hakbang
sa pagsulat ng panukalang
proyekto;
natutukoy ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng
isang panukalang proyekto;
at
nakasusulat ng sariling
panukalang proyekto.
PANSININ ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
TUKLASIN 3
5. 5
Anong suliranin sa iyong
kinabibilangang komunidad ang
sa palagay mong
nangangailangan ng maagap na
tugon o kalutasan?
6. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat
Mga Pag-uukulan
Mga Posibleng Balakid
Impormasyon at Pananaliksik
Layunin at Misyon ng Organisasyon
6
6
7. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Mga Pag-uukulan
Kailangang tukoy na ng organisasyon ang
ibat ibang pangkat na pag-uukulan ng
panukala upang maisaalang-alang ang
dinamismo ng mga ito sa pagpaplano ng
kabuuang daloy ng proyekto.
7
7
8. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Mga Pag-uukulan
Dahil magkakaiba ng misyon, layunin, at
naisin ang mga organisasyong maaaring pag-
ukulan ng panukala, mahalagang
maikonsidera ang pagsulat ng ibat ibang
bersiyon ng panukalang aangkop sa bawat
pag-uukulan.
8
8
9. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Mga Posibleng Balakid
Isa-isahin ang mga dapat iwasang bunga ng
panukala upang matukoy rin nang husto
ang mainam na estilong dapat ilapat sa
pagpaplano at pagsulat.
9
9
10. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Impormasyon at Pananaliksik
Hindi lamang isang naratibo ng plano ng
proyekto ang panukalang papel; bagkus, isa
itong bungang saliksik at pag-aaral ng mga
datos, impormasyon, at pananaw ng mga
ekspertong may kinalaman sa tinatalakay na
proyekto o aspekto nito. Isinasama rin ang
mga pag-aaral sa dati nang panukalang
proyektong nagamit. 10
10
11. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Layunin at Misyon ng Organisasyon
Kailangang salaminin ng proyekto ang mga
adbokasiya at prinsipyo ng organisasyong
naglulunsad ng proyekto bilang pagtitibay sa
misyon nito at upang maging malapit sa
interes nito at pagsusumikap na maabot ang
tagumpay sa pagsasakatuparan ng proyekto.
11
11
12. 12
Paano magagamit ang kasanayan
sa pananaliksik upang makasulat
ng mabisang panukalang
proyekto?
13. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukala
Bago Sumulat ng Panukalang Proyekto
Aktuwal na Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
13
13
14. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Bago Sumulat ng Panukala
1. Makipanayam sa mga inaasahang
benepisyaryo o tagapakinabang ng
proyekto.
2. Magbalik-suri sa mga nakaraan nang
panukala.
14
14
15. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Bago Sumulat ng Panukala
3. Magbalik-suri sa mga ulat ng
pagmamasid at pagsusuri ng mga
nakaraang proyekto.
4. Maglunsad ng mga tutok na pangkatang
talakayan (focus group discussion).
15
15
16. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Bago Sumulat ng Panukala
5. Aralin ang pinakahuling estadistikang
kaugnay ng proyekto.
6. Kumapanayam ng mga dalubhasa sa
larang na kaugnay ng proyekto.
16
16
17. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Bago Sumulat ng Panukala
7. Magsagawa ng mga pag-aaral tulad ng
sarbey.
8. Magpatawag ng mga pulong o
konsultasyon sa komunidad.
9. Masinsing planuhin ang kabuuang plano
ng proyekto.
17
17
18. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
1. Gumawa ng kalansay na balangkas ng
mga bahagi ng panukalang proyekto.
2. Sinsinin ang mga datos at impormasyong
pinagbatayan at ginamit noong nasa
yugto pa lamang ng pagpaplano para sa
kabuuang daloy ng proyekto.
18
18
19. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
3. Ipangkat ang mga datos batay sa
paggagamitan at kalalagyang bahagi ng
panukalang proyekto.
4. Sagutin ang mga susing tanong na gabay
sa mga inaasahang dapat lamanin ng
bawat bahagi ng panukala.
19
19
20. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
5. Ilapat sa isang matrix na paraan ng
paglalahad ang mga gastusin sa
proyekto.
6. Isa-isang isulat sa malayang paglalahad
ang bawat bahagi ng panukalang
proyekto.
20
20
21. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
7. Ilapat ang matrix ng gastusin na nauna
nang ginawa.
8. Sa pagsulat ng talatakdaan, gumamit ng
ibang paraan ng presentasyon. Huwag
itong ilahad sa paraang pasalaysay.
21
21
22. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
9. Gumamit ng mga bullet point kung
kinakailangan sa pag-iisa-isa ng mga
baryabol, ngunit tiyaking angkop at may
tamang balarila at pagbabantas.
10.Kapag buo na ang unang borador, muli
itong balikan at basahin para sa
pagwawasto.
22
22
23. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
11.Isulat nang muli ang naisaayos na
borador para sa pinal na kopya. Basahin
muli at tingnan kung tama na ang lahat.
12.Ipabasa ang kopya sa mga kasamahan o
sa karampatang nakatataas na dapat
mag-apruba ng pinal na kopya.
23
23
24. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Aktuwal na Pagsulat ng Panukala
13.Maaari nang ihain sa kinauukulan ang
pinal at aprubadong kopya.
24
24
25. Tip
25
Huwag gumamit ng mga salita o
katagang opensiba sa alinmang
sektor na sangkot sa proyekto.
Bigyang-diin sa pagpaplano ang
mga kalakasan ng inyong
pangkat at tiyaking masasalamin
ang mga ito sa panukalang
papel.
26. Tip
26
Tiyaking lalahukan ng ibat ibang
sektor ang pagpaplano ng
proyekto at maisasaalang-alang
ang kanilang mga pananaw at
kongkretong kalagayang
ginagalawan.
27. Tip
27
Maglakip ng isang maikling
dokumentasyon ng mga
proyektong naisagawa na ng
organisasyon upang mapatingkad
ang karanasan nito sa larang ng
paglulunsad ng proyekto at
pagpapatibay ng tiwalang
makakuha ng suporta.
28. Gawin Natin!
Magpangkat na may tigtatatlong kasapi.
Bawat pangkat ay gagawa ng sariling matrix
ng pagbabadyet o tala ng mga gastusin para
sa isang proyektong may layuning mapasigla
ang kultura ng pagbabasa sa hanay ng mga
mag-aaral sa loob ng paaralan.
PANSININ ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
TUKLASIN 28
29. Gaano naiiba ang pagsulat ng
panukalang proyekto sa iba
pang sulating akademikong
natunghayan na ninyo?
29
30. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
1. Sa pagsulat ng panukala, paano
isinasaalang-alang ang mga pangkat o
organisasyong inaasahang sangkot sa
pagsasakatuparan ng proyekto?
30
30
31. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
panukalang proyekto para sa mga pangkat
o indibidwal na nais magsagawa ng isang
makabuluhang proyektong saklaw ang
isang partikular na komunidad o pangkat
ng benepisyaryo?
31
31
32. PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN
Paano nakapag-aambag sa kalagayan ng
komunidad o ng mga bulnerableng sektor ng
lipunan ang isang makabuluhang panukalang
proyekto?
32
32
33. Paglalahat
Masalimuot ang pagsulat ng
panukalang proyekto sapagkat
isinasangkot nito ang ibat ibang
larangan at susing kalahok sa gawain
ng panulat, pananaliksik,
pakikipanayam, at pagpaplano.
33
34. Paglalahat
Mahalagang naisasaalang-alang ang
mga potensiyal na pag-uukulan ng
panukala, mga posibleng kahirapan
at pagsubok na maaaring kaharapin
sa proseso, mga detalye ng
impormasyon at moda ng
pananaliksik, at ang layunin at
misyon ng pangkat na maglulunsad
ng proyekto.
34
35. Paglalahat
Mahalagang naisasangkot ang pamayanan,
mga potensiyal na donor, mga kasapi ng
organisasyong maglulunsad, at mga
panlabas na susing tao upang magkaroon
ng mapanaklaw at tiyak na kapaki-
pakinabang na proyekto para sa
kapakanan ng nakararaming benepisyaryo.
35
36. Paglalahat
Susi rin ang gayong sistema ng
pagbubuo ng proyekto upang
mapatunayan sa lahat ng sangkot sa
proyekto na karapat-dapat ito sa
suportang inaasam nitong
matanggap at makuha mula sa
kanila.
36
37. Bibliyograpiya
37
Alonzi, Alta. What is a Project Proposal. Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
https://proposalsforngos.com/what-is-a-project-proposal/
Cosico, Lina. Mga Panukala para sa Pangangalap ng Pondo. Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/res-prtt.htm
Miner, Jeremy, at Lynn Miner. Proposal Planning & Writing. The University of Michigan: The
Greenwood Press, (2008).
Nebiu, Besim. Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing. Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://documents.rec.org/publications/ProposalWriting.pdf
Rivera, Maricel. 7 Steps to Writing the Perfect Project Proposal. Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
https://www.fool.com/the-blueprint/project-proposal/
Sulating Academicus. Panukalang Proyekto.Nakuha noong Hunyo 8, 2020.
http://novaloiz.simplesite.com/440456646