1. PRE TEST
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong
sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang
sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang
papel.
2. 1. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na
sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian C. Assyrian
B. Aryan D. Chaldean
3. 2. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng
kabihasnang Mesopotamia?
A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
B. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
C. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
D. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.
4. 3. Anong anyong lupa ang makikita sa
hilagang bahagi ng India?
A. Bundok C. Kapatagan
B. Kabundukan D. Lambak
5. 4. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman
sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. madali silang makatago tuwing mayroong
mga kalaban
C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang
ekonomiya
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng
kanilang pamahalaan
6. 5. Alin sa sumusunod na pinakamatandang
kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang
sa kasalukuyan?
A. Ehipto C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino
7. 6. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga
Tsino?
A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga
Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil
sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa
ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan
dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
8. 7. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng
lupaing Egypt?
A. Himalayas C. Mediterranean Sea
B. Libyan Desert D. Red Sea
9. 8. Bakit binansagang Biyaya ng Ilog Nile ang Egypt?
A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong
Egypt.
B. Ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng
mga diyos sa buong daigdig.
C. Kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay
magiging isang disyerto.
D. Ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-
tanging kabihasnan sa buong mundo.
10. 9. Alin sa sumusunod ang kinikilalang
pinakamatandang kabihasnan sa buong
daigdig?
A. Ehipto C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino
11. 10. Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga
sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng palagiang
pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng
mga isda.
B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na
suplay ng tubig.
C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking
sasakyang pandagat.
D. Nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang
makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka.
12. 11. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang
sinaunang kabihasnan ng Indus?
A. Hilaga C. Silangan
B. Kanluran D. Timog
13. 12. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang
mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa ekonomiya ng
bansang Egypt?
A.Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang
mga hayop at gawing pagkain.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga
condominium o hindi kaya ay subdivision.
C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo
upang matulungang mapalago ang ekonomiya.
D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa
ang aktibidad ng pangangaso at camping.
14. 13. Saan nagmumula ang tubig na
dumadaloy sa Indus River?
A. Hindu Kush C. Karakoram
B. Himalayas D. Khyber Pass
15. 14. Ano ang ibinunga ng pag-unlad ng lipunan sa
pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon sa
Mesopotamia?
A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa
lipunan
D. humina ang kabihasnan dahil sa
pakikipagkalakalan
16. 15. Ang pagbahang idinudulot ng Ilog Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam. Ano ang
pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?
A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at
transportasyon.
B. Naging sentro sa kalakalan ang Egypt lalong-lalo na sa
turismo.
C. Nakapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay
ng tubig.
D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil naging malawak
na palaisdaan ang ilog.