際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Prehistory carbon dating etc
 Ang prehistory ay yugto sa mahabang
nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos
2.5 milyong taon na ang nakalilipas o bago pa
ang pagkakalikha ng isang sistematikong
pagsusulat at pagtatala.
 Kabilang sa ilang disiplina na nagtutulungan sa
pag-aaral ng prehistory ay ang biology,
botany, geography, geology at zoology.
 May dalawang mahahalagang proseso ang
naganap at nararapat na pagtuunan ng pansin
sa panahong prehistoriko:
1. Una ay ang ebolusyon o sapientization, ito ang
mga pagbabagong naganap sa aspetong
biyolohikal ng tao hanggang sa makamit ang
katalinuhang naghiwalay sa kanya sa mga hayop.
2. Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng
kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan na
makagawa o makalikha ng bagay-bagay.
 Sa pagtatakda ng mga petsa sa prehistory,
mahalaga ang paggamit ng makabagong
teknolohiya at kagamitan. Ang ilan sa mga
kaparaanang isinasagawa upang matukoy
nang tuwiran ang panahon ng mga pangyayari
o bagay-bagay mula sa nakaraan ay ang mga
sumusunod:
 Dokumentong historikal at mga kagamitang hatid
ng panahon
 Dendrochronology o Tree-Ring Dating
 Radio Carbon (C14)
 Potassium-Argon Dating
 Dokumentong
Historikal at mga
kagamitang hatid ng
panahon  Ang
tinatayang panahon ay
mula sa kasalukuyan
hanggang sa 3000 BCE
sa ilang mga lugar. Ito
ang pangkaraniwang
paraan ng pagpepetsa.
 Dendrochronology o Tree-Ring Dating  Ang
tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan
hanggang 5000 BCE. Ito ay ay isang
pamamaraang ginagamit upang siyentipikong
matukoy ang gulang o edad ng isang puno.
 Radiocarbon (C14)  Ang
tinatayang panahon ay
mula 1500 CE hanggang
40, 000 taon o higit pa.
Ito ay naimbento nina J.
R. Arnold at W. F. Libby
noong 1949. Sa paraang
ito, ang mga isotope-
carbon 14 ang siyang
sinusuri upang matukoy
ang edad ng mga
materyales na may
carbon o carbonaceus
materials.
 Potassium-Argon
Dating  Ang
tinatayang panahon ay
mula 50, 000 hanggang
4.5 milyong taon at
mas higit pa. Ito ay
isang kaparaanang
ginagamit upang
tukuyin ang edad o
gulang ng mga
sinaunang depositong
mineral.
(2, 500, 000  10, 000 B. C. E.)
 Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o
Old Stage Age) ang pinakamaagang panahong
kinakitaan ng pag-unlad ng tao.
 Ang terminong ito ay mula sa mga katagang
Greek na paleos o matanda at lithos o
bato.
 Kaalinsabay nito ang napakalawak na
panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang
pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato
(Stone Age)at pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
 Ang isa sa pinakamahalang katangian ng
panahong ito ay ang naganap na pagbabagong
anyo ng tao mula sa pagiging isang mala-
bakulaw na nilalang hanggang sa pagiging
isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo
Sapiens.
 Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal
at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong
mahahabang dibisyon ng Panahong
Paleolitiko: ang Lower Paleolithic, Middle
Paleolithic at Upper Paleolithic.
 Ito ang panahon ng pinakamaagang pananatili
ng tao sa daigdig simula nang maitala sa
arkeolohiya ang kanyang pamumuhay. Ito ay
nagtapos 120, 000 taon BCE nang magkaroon
ng mahahalaga at kapansin-pansing
pagbabago sa ebolusyon at teknolohiya ng tao
na nagbigay daan sa pagdating ng Middle
Paleolithic Period.
 Australopithecine  Mga
pinakamaagang hominid,
hindi pa ganoon kabihasa sa
pagggamit ng mga
kasangkapan. Sinasabing
mga ninuno ng
makabagong tao.
 Lucy  Kabilang sa uring
Australopithecine na
natagpuan ang mga labi sa
Ethiopia.
 Homo Habilis  Nadiskubre
nina Louis at Mary Leakey
at sinasabing mas mukhang
tao kung ihahambing sa
mga mas nauna sa kanila.
Ang Homo Habilis ay
nangangahulugang able
man o handy man dahil sila
ang mga uang species na
marunong nang lumikha ng
kagamitang bato. Sila ay
gumamit ng mga
kasangkapang Olduvan at
batid na ring gumawa ng
apoy.
 Homo Erectus  Sila
ang mga humalili sa
Homo Habilis.
Tinawag silang
Homo Erectus
sapagkat tuwid na
ang kanilang
paglalakad.
 Java Man o Taong Java
 Pinakamatandang
fossil ng Homo Erectus
na nahukay sa Java,
Indonesia noong 1891
at tinatayang may may
tanda na 700, 000
taon.
 Peking Man o Taong Peking  tinatayang may
tandang 420,000 taon.
 Turkana Boy  Nahukay sa Kenya, Africa.
 Ito ay ang panahon sa kalagitnaan ng Panahong
Paleolitiko na tumagal mula 120, 000 hanggang
40, 000 taon.
 Sa panahong ito, ang mga unang hominid ay higit
pang nakontrol ang kanilang kapaligiran.
 Umusbong ang ekspresyong artistiko ng mga tao.]
 Nagkaroon na rin ng paglilibang at pagkakaroon
ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal.
 Kabilang sa panahong ito ang kulturang
Mousterian na kadalasang iniuugnay sa mga
Taong Neanderthal.
Prehistory carbon dating etc
 Neanderthal  Hango
ang kanilang pangalan sa
salitang Neander na
pangalan ng isang
lambak sa Germany kung
saan natagpuan ang
kanilang labi noong 1868.
Ang labi ng kanilang
kultura ay pangunahing
nabuhay sa Europa
subalit mayroon din
namang natagpuan sa
hilagang Africa, Palestine
at Siberia.
 Ito ang ikatlo at panghuling dibisyon ng
Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya.
Saklaw nito ang mga panahon mula 40, 000 at
8500 taon.
 Matapos lumisan mula sa Africa noong Middle
Paleolithic Period ang mga makabagong tao,
sila ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling
kulturang panrelihiyon.
 Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa
anyong campsite na kadalasang matatagpuan
sa mga lambak.
 Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba
ng pandaigdigang temperatura.
 Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at
gayun din ang mga kumplikadong
pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri
ng pagkain at mas espesyalisadong uri ng
kagamitan.
Prehistory carbon dating etc
 Cro-Magnon  Ang
pangalang ito ay hango sa
lugar sa katimugang France
kung saan natuklasan ang
kanilang labi noong 1856.
 Mayroon silang naiwang
mga pinta ng mga hayop na
matatagpuan sa mga
yungib ng Altamira sa
hilagang Spain at Lascaux
sa Timog Kanlurang France.
(10, 000  4, 000 B. C. E.)
 Ang Panahong Neolitiko (Neolithic o New
Stone Age) ay ang huling bahagi ng Panahong
Bato. Ang pangalan nito ay hango sa salitang
Greek na neos o bago at lithos o bato.
 Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa
arkeolohiya at antropolohiya upang italaga
ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan
o pagbabago sa teknolohiya.
 Ilan sa mga katangian ng panahong ito ay:
 Paggamit sa ibat ibang kasangkapang bato na
higit na pulido at pino.
 Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan.
 Domestikasyon ng mga pananim at hayop.
 Pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa.
 Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay
itinakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at
mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao.

More Related Content

Prehistory carbon dating etc

  • 2. Ang prehistory ay yugto sa mahabang nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong taon na ang nakalilipas o bago pa ang pagkakalikha ng isang sistematikong pagsusulat at pagtatala. Kabilang sa ilang disiplina na nagtutulungan sa pag-aaral ng prehistory ay ang biology, botany, geography, geology at zoology.
  • 3. May dalawang mahahalagang proseso ang naganap at nararapat na pagtuunan ng pansin sa panahong prehistoriko: 1. Una ay ang ebolusyon o sapientization, ito ang mga pagbabagong naganap sa aspetong biyolohikal ng tao hanggang sa makamit ang katalinuhang naghiwalay sa kanya sa mga hayop. 2. Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan na makagawa o makalikha ng bagay-bagay.
  • 4. Sa pagtatakda ng mga petsa sa prehistory, mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya at kagamitan. Ang ilan sa mga kaparaanang isinasagawa upang matukoy nang tuwiran ang panahon ng mga pangyayari o bagay-bagay mula sa nakaraan ay ang mga sumusunod: Dokumentong historikal at mga kagamitang hatid ng panahon Dendrochronology o Tree-Ring Dating Radio Carbon (C14) Potassium-Argon Dating
  • 5. Dokumentong Historikal at mga kagamitang hatid ng panahon Ang tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan hanggang sa 3000 BCE sa ilang mga lugar. Ito ang pangkaraniwang paraan ng pagpepetsa.
  • 6. Dendrochronology o Tree-Ring Dating Ang tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan hanggang 5000 BCE. Ito ay ay isang pamamaraang ginagamit upang siyentipikong matukoy ang gulang o edad ng isang puno.
  • 7. Radiocarbon (C14) Ang tinatayang panahon ay mula 1500 CE hanggang 40, 000 taon o higit pa. Ito ay naimbento nina J. R. Arnold at W. F. Libby noong 1949. Sa paraang ito, ang mga isotope- carbon 14 ang siyang sinusuri upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon o carbonaceus materials.
  • 8. Potassium-Argon Dating Ang tinatayang panahon ay mula 50, 000 hanggang 4.5 milyong taon at mas higit pa. Ito ay isang kaparaanang ginagamit upang tukuyin ang edad o gulang ng mga sinaunang depositong mineral.
  • 9. (2, 500, 000 10, 000 B. C. E.)
  • 10. Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o Old Stage Age) ang pinakamaagang panahong kinakitaan ng pag-unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos o matanda at lithos o bato. Kaalinsabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato (Stone Age)at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.
  • 11. Ang isa sa pinakamahalang katangian ng panahong ito ay ang naganap na pagbabagong anyo ng tao mula sa pagiging isang mala- bakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo Sapiens. Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahahabang dibisyon ng Panahong Paleolitiko: ang Lower Paleolithic, Middle Paleolithic at Upper Paleolithic.
  • 12. Ito ang panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay. Ito ay nagtapos 120, 000 taon BCE nang magkaroon ng mahahalaga at kapansin-pansing pagbabago sa ebolusyon at teknolohiya ng tao na nagbigay daan sa pagdating ng Middle Paleolithic Period.
  • 13. Australopithecine Mga pinakamaagang hominid, hindi pa ganoon kabihasa sa pagggamit ng mga kasangkapan. Sinasabing mga ninuno ng makabagong tao. Lucy Kabilang sa uring Australopithecine na natagpuan ang mga labi sa Ethiopia.
  • 14. Homo Habilis Nadiskubre nina Louis at Mary Leakey at sinasabing mas mukhang tao kung ihahambing sa mga mas nauna sa kanila. Ang Homo Habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang mga uang species na marunong nang lumikha ng kagamitang bato. Sila ay gumamit ng mga kasangkapang Olduvan at batid na ring gumawa ng apoy.
  • 15. Homo Erectus Sila ang mga humalili sa Homo Habilis. Tinawag silang Homo Erectus sapagkat tuwid na ang kanilang paglalakad.
  • 16. Java Man o Taong Java Pinakamatandang fossil ng Homo Erectus na nahukay sa Java, Indonesia noong 1891 at tinatayang may may tanda na 700, 000 taon.
  • 17. Peking Man o Taong Peking tinatayang may tandang 420,000 taon. Turkana Boy Nahukay sa Kenya, Africa.
  • 18. Ito ay ang panahon sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumagal mula 120, 000 hanggang 40, 000 taon. Sa panahong ito, ang mga unang hominid ay higit pang nakontrol ang kanilang kapaligiran. Umusbong ang ekspresyong artistiko ng mga tao.] Nagkaroon na rin ng paglilibang at pagkakaroon ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal. Kabilang sa panahong ito ang kulturang Mousterian na kadalasang iniuugnay sa mga Taong Neanderthal.
  • 20. Neanderthal Hango ang kanilang pangalan sa salitang Neander na pangalan ng isang lambak sa Germany kung saan natagpuan ang kanilang labi noong 1868. Ang labi ng kanilang kultura ay pangunahing nabuhay sa Europa subalit mayroon din namang natagpuan sa hilagang Africa, Palestine at Siberia.
  • 21. Ito ang ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya. Saklaw nito ang mga panahon mula 40, 000 at 8500 taon. Matapos lumisan mula sa Africa noong Middle Paleolithic Period ang mga makabagong tao, sila ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling kulturang panrelihiyon.
  • 22. Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba ng pandaigdigang temperatura. Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at gayun din ang mga kumplikadong pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri ng pagkain at mas espesyalisadong uri ng kagamitan.
  • 24. Cro-Magnon Ang pangalang ito ay hango sa lugar sa katimugang France kung saan natuklasan ang kanilang labi noong 1856. Mayroon silang naiwang mga pinta ng mga hayop na matatagpuan sa mga yungib ng Altamira sa hilagang Spain at Lascaux sa Timog Kanlurang France.
  • 25. (10, 000 4, 000 B. C. E.)
  • 26. Ang Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age) ay ang huling bahagi ng Panahong Bato. Ang pangalan nito ay hango sa salitang Greek na neos o bago at lithos o bato. Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa teknolohiya.
  • 27. Ilan sa mga katangian ng panahong ito ay: Paggamit sa ibat ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino. Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan. Domestikasyon ng mga pananim at hayop. Pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa. Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.