際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Mga Uri
ng
Tayutay
Tayutay
Ito ay isang sinadyang
paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang
pagpapahayag.
1. Pagtutulad(Simile)
Paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay,
pangyayari atbp.
Ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, animo,
kagaya ng atbp.
Halimbawa :
a.Siya ay katulad ng
kandilang unti-unting
nauupos.
b.Ang tao ay gaya ng
halamang nararapat
diligin
2. Pagwawangis(Metaphor)
Isang tuwirang
paghahambing na hindi
ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, para ng, kawangis
ng, animo atbp.
Halimbawa :
a. Ang ina ni Joshua ay
bituing tanglaw niya sa
landas ng buhay.
b. Si Eugene ay isang ibong
humanap ng kalayaan.
3. Pagtatao(Personification)
Nagsasalin ng talino,
gawi at katangian ng tao
sa bagay na walang
talino. Pandiwa ang
ginagamit dito.
Halimbawa :
a. Lumuluha ang liham na
natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at
nagtago sa ulap.
4. Eksaherasyon(Hyperbole)
Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang katunayan
at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Halimbawa :
a. Nabiyak ang kanyang dibdib
sa tindi ng dalamhati.
b. Nabutas ang bambam ng
tainga ni Popot dahil sa ingay.
5. Paguyam(Sarcasm)
Ito ay mga pananalitang
nangungutya sa tao o
bagay, tila kapuri-puring
pangungusap ngunit sa
tunay na kahulugan ay
may bahid na pag-uyam.
Halimbawa :
a. Kay kinis ng mukha mong
butas-butas sa kapipisil mo
ng mga taghiyawat.
b. Talaga palang masipag ka,
wala kang ginawa kundi
matulog maghapon.
6. Paglilipat-wika
Ito ay gumagamit ng
pang-uri upang bigyang
paglalarawan ang
bagay.
Halimbawa :
a. Ang matalinong pluma ni
Rizal ang nagbigay sa atin
ng kalayaan.
b. Ang kanilang mapagpatuloy
na tahanan ay kumanlong
ng mga sugatan.
7. Paglilipat-saklaw(Synecdoche)
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng
isang bagay o ideya bilang
katapat ng kabuuan.
Halimbawa :
a. Hiningi ni Carl ang
kamay ng dalaga.
b. Sampung kamay ang
nagtulung-tulong sa pag-
aararo.
8. Pagtawag(Apostrophe)
Ito ay pakikipag-usap
sa karaniwang bagay
na para bang nakikipag-
usap sa isang buhay na
tao.
Halimbawa :
a. O, tukso layuan mo ako.
b. Pag-asa, halika rito at
akoy nalilito na sa mga
problema.
9. Tanong Retorikal
Isang pahayag na
anyong patanong na hindi
naman nangangailangan
ng sagot.
Halimbawa :
a. Hanggang kailan ba masusupil
ang kasamaan na dulot ng
ipinababawal na gamot?
b. Hahayaan ba nating malugmok
sa kumunoy ng kahirapan ang
ating bayan?
10. Pagpapalit- tawag(Metonymy)
Pansamantalang pagpapalit ng
mga pangalan ng bagay na
magkaugnay.
a. Dapat nating igalang ang
putting buhok.
b. Si Haring Garen ang
nagmana ng korona.
11. Pagdaramdam
Nagsasaad ito ng
pangkaraniwang
damdamin.
Halimbawa :
a. Kailan lamang ay sumasayaw
ka sa kaligayahan at punong-
puno ng buhay,ngayon ay isa ka
nang malamig na bangkay at ni
bakas ng dati mong kasiglahan
ay wala na akong makita.
12.
Tambisan(Antithesis)
Pagtatabi ng mga hagap
na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong
mapatingkad na lalo ang
mga salita.
Halimbawa :
Siya ay isang taong sala sa
init,sala sa lamig ayaw ng
tahimik ayaw rin ng
magulo,nayayamot sa
mayaman at nayayamot din
sa mangmang,isang
nakalilitong nilalang.
13. Paghihimig(Onomatopoeia)
Naipahihiwatig dito ang
kahulugan sa pamamagitan
ng tunog o himig ng mga
salita.
Halimbawa :
a. Dumagundong ang malakas na
kulog na sinun dan ng pagguhit
ng matatalim na kidlat
b. Kumalabog sa matigas na lupa
ang bumagsak na kargamento
mula sa trak.
14. Pag-uulit(Alliteration)
Ang uting ito ay gumagamit
ng magkatulad na titik o
pantig sa simula ng dalawa o
mahigpit pang salitang
ginagamit sa isang
pangungusap.
Halimbawa :
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa
niyang napakabilis na pagpapasyang
nakalikha ng pagkabalisa sa pusong
umiibig.
b. Lumingap si Romy sa kapaligiran,
lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa
pinanggalingan at nagdudumaling
lumabas sa lumang gusaing mahabang
panahon ding naging bilangguan ng
kanyang yayat na katawan.
15. Pagtanggi(Litotes)
Gumagamit ang
pagpapahayag ng salitang
hindi uapng maipahiwatig
ang lalong makahulugang
pagsangayon sa sinasabi ng
salitang sumusunod.
Halimbawa :
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si
Sandra ngunit ipinamalita niya
ang pagtatapat sa kanyang lihim
ng matalik niyanng kaibigan.
b. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo
lamang ang kanyang kasintahan.
16. Salantunay(Paradox)
Pagpapahayag ng isang
katotohanan sa
pamamagitan ng paggamit
ng sangkap na animoy di
totoo sa biglang basa o
dinig.
Halimbawa :
a.Kapagka ang tao sapul na
ay tamad
b. Madaling tahakin landas
ng pag-unlad
17. Pangitain(Vision imagery)
Naglalarawan sa mga
laman ng isip na animoy
tunay na kaharap o
nakikita sa nagsasalita.
Halimbawa :
a. Sa sinapupunan ng konde
Adolfo
b. Aking natatanaw si
Laurang sinta ko
18. Paghahalintulad(Analogy)
Tambalan ng pagtutulad;
ipinahahayag ng
paghahalitulad ng
magkatulad ng isang
kaugnayan.
Halimbawa:
a.Ang tingin ng paruparo sa
bulaklak
b.Damdamin ng binata sa
dalaga ang katulad
THE
END

More Related Content

Mga Uri ng Tayutay