1. Puting Kalapati, Maglibot ka sa Mundo
(Usman Awang)
Sa isang sitwasyong maselan, samantalang ang taoy
Nagdadalawang-loob at naghihinala sa kanyang kapwa
Lumipad ang kalapati upang libutin ang buong daigdig
At ang kanyang mga pakpak na putiy humihingi ng kapayapaan.
Habang ang bandila ng Co-existence ay iwinawagayway.
Puting kalapati maglibot ka sa mundo
Panariwain mo ang hanging panggabi
Pamukadkarin ang mga bulaklak
Pangitiin ang mga labi.
Ikaw na hindi nawalan ng pag-asa
Pagpaagusin sa iyong mga baga ang hanging sariwa
Habang humihingi ka sa gabing tahimik.
Ngunit ikaw na taksil
Humayo ka at mawala tulad ng alabok
Ang daigdig mot ang kanyang istatwa ay gumuho na
Sa salamin ng buhay may bagong diwang pagkasakit-sakit.