Paggamit ng iba't ibang uri ng Panghalip sa Iba't ibang sitwasyon
1 of 18
Downloaded 16 times
More Related Content
Q1 w6d2filipino
2. Paggamit ng iba t
ibang uri ng
panghalip sa ibat
ibang sitwasyon
3. Balikan ang kuwentong
Anong Oras na?
Isa-isahin ang mga
pangyayaring naganap sa
kuwento. Balikan ang
kuwentong Anong Oras
na?
Isa-isahin ang mga
pangyayaring naganap sa
kuwento.
4. 1. Ano ang dahilan sa pagiging huli
sa klase ni Buknoy?
2. Anong dahilan ng pagbabago ni
Buknoy?
3. Bakit nahiya sa kaniyang sarili si
Buknoy?
4.Sa iyong palagay,
naipagpapatuloy pa ba ni Buknoy
ang kaniyang maling gawi?
5. Anong pangyayari sa iyong
buhay ang maaari mong iugnay sa
kuwento?
5. Tuklasin Mo
Punan ang bawat patlang ng angkop na
salita upang mabuo ang kaisipang
nakakapaloob sa bawat saknong.
ORASAN
Ikaw at _________ magkasama
_________ sa lahat ng oras akoy
maaasahan _________ Tik! Tak!
Tik! Tak! _________ ang maririnig mo.
At sa bawat pag-ikot ng _________mga
kamay oras ay matagal kapag
_________ hinihintay.
6. Basahin ang maikling usapan ng
magkaklase. Isa-isahin ang tinutukoy
ng bawat panghalip na ginamit sa
kanilang pag-uusap.
Joyce : Nakita mo ba Karen si Gng. Magpantay?
Karen : Nakita ko siya kanina sa kantina.
Joyce
:
Ganoon ba? Galing kasi ako kanina roon
pero hindi ko naman siya nakita.
Karen
:
Bakit mo ba siya hinahanap? Anong
kailangan mo sa kaniya?
Joyce
:
Ipapasa ko lang kasi sa kaniya itong
proyekto natin sa Agham.
7. Apat na Uri ng Panghalip
Ang panghalip ay salitang
ginagamit bilang panghalili o
pamalit sa pangngalan. Ito ay
nakakatulong upang maiwasan ang
paulit-ulit na pagbanggit sa
pangngalang nasa loob ng
pangungusap o talata.
May apat na uri ng panghalip:
panghalip na panao, panghalip na
pamatlig, panghalip na panaklaw,
at panghalip na pananong.
8. 1. Panghalip na Panao - ginagamit
bilang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa: Si Joey ay laging
nagmamadaling pumasok sa
paaralan.
Siya ay laging nagmamadaling
pumasok sa paaralan.
Pinapahalagahan ni Joey ang bawat
minutong lumilipas.
Pinapahalagahan niya ang bawat
minutong lumilipas.
9. 2. Panghalip na Pamatlig-ginagamit
bilang panghalili sa ngalan ng tao,
bagay, at iba pa na itinuturo.
Halimbawa: Ang pagpapahalaga sa
oras ay bahagi ng pagkakaroon ng
disiplina ng isang tao.
Ito ay bahagi ng pagkakaroon ng
disiplina ng isang tao.
Iba ang pagpapahalaga sa Pilipinas
sa oras sa pagpapahalaga ng ibang
bansa.
Iba ang pagpapahalaga rito sa oras sa
pagpapahalaga ng ibang bansa.
10. 3. Panghalip na Panaklaw-tawag sa
panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan, dami, o kalahatan ng
tinutukoy tulad ng iba, lahat,
sinoman, kailanman, kuwan at iba
pa.
Halimbawa:
Ang ibang mga mag-aaral ay nahuhuli
sa pagpasok sa klase. Lahat naman ay
pinaalalahanang pumasok nang maaga
sa klase. Sinoman ay hindi kayang
pigilin ang pagtakbo ng oras.
11. 4. Panghalip na Pananong-mga
panghalili sa ngalan ng tao,
bagay at iba na ginagamit sa
pagtatanong.
Halimbawa: Sino ang hindi
marunong tumingin ng oras?
Paano mo malalaman ang oras
ng iyong susunod na klase?
Bakit kailangang marunong
kang mamahala ng iyong oras.
12. Gawin Ninyo
Bumuo ng diyalogo gamit ang ibat ibang uri
ng panghalip na angkop sa mga itinalagang
lugar.
Pangkat 1 - Paggamit ng panghalip
na panao sa palengke
Pangkat 2 - Paggamit ng panghalip
na pamatlig sa mall
Pangkat 3 - Paggamit ng panghalip na
panaklaw sa istasyon ng tren
Pangkat 4 - Paggamit ng panghalip na
pananong sa sementeryo
14. Gawin Mo
Sumipi ng balita sa
diyaryo at idikit sa
kuwaderno. Bilugan
ang mga makikitang
panghalip na
ginamit dito.
15. Isaisip Mo
Ang panghalip ay
ginagamit bilang pamalit
sa mga pangngalan
upang maiwasan ang
pag-uulit sa mga ito.
Samakatuwid, ginagamit
ito upang maging tiyak
at malinaw ang daloy ng
usapan.
16. Isaisip Mo
Ang panghalip ay
ginagamit bilang pamalit
sa mga pangngalan
upang maiwasan ang
pag-uulit sa mga ito.
Samakatuwid, ginagamit
ito upang maging tiyak at
malinaw ang daloy ng
usapan.
17. Isapuso Mo
Kung ang
pangngalan ay
maaaring palitan ng
panghalip, ang oras
ay hindi kayat
gawin nating sulit
ang paggamit nito.
18. Isulat Mo
Bumuo ng isang
komik istrip na ang
paksa ay tungkol sa
pamamahala sa oras.
Guhitan ang mga
panghalip na ginamit
sa pagbuo ng
diyalogo.