Q1_ARTS_W3.pptx a powerpoint presentation for grade 3 arts
1. ArtS 3
Quarter 1 Week
3
Explains that artist create
visual textures by using a
variety of lines and colors
A3PL-Ic
2. Balik-aral:
Gamit ang bond paper, iguhit muli ang dalawang larawang
nagpapamalas ng ilusyong espasyo. Gamitin ang talaan ng
rubrik para masukat ang kaangkupan sa ginawang obra.
4. Mayroong iba’t ibang paraan para
lalong pagandahin ang paglikha ng
isang larawan. Epektibong
nahuhubog ang paggayak sa
larawan sa pamamagitan ng mga
kasanayan sa pagguhit at pagkulay.
5. Nakapagbibigay ng mas makatotohanang
anyo sa larawan ang paglinang sa visual
texture.
Ang tekstura ng larawan ay tumutukoy sa
pang-ibabaw na kaanyuan na nagpapamalas
ng kapal o nipis ng anyo sa pamamagitan
lamang ng pagtingin dito.
6. Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin
sa paggamit ng linya, tuldok at mga kulay.
Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at
pahalang na mga linya sa paggayak ng
crosshatching. Kapag magkalapit at makapal
ang ginawang shading, ay mas mabigat na
tekstura ang naipapamalas.
8. Ginagamitan ng mga tuldok ang
pagdisenyo sa larawan sa paraang
pointillism. Kapag mas marami ang
dami ng tuldok, ay nakapagbibigay
ng makapal na tekstura. Manipis
naman kapag madalang ang dami
ng tuldok.
9. Nabibigyan naman ng
makatotohanang kaanyuan ang
larawan kapag ginamitan ng angkop na
mga kulay. Naipapamalas ang
kahusayan sa pagguhit sa
pamamagitan ng masining na paghalo
ng kulay o color blending.
11. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang visual texture ay tumutukoy sa _______________.
a. pang-ibabaw na kaanyuan ng isang larawan.
b. paggupit-gupit ng papel para makabuo ng origami.
c. paggawa ng sock puppet.
d. pagguhit ng color wheel.
2. Ano-ano ang mga elemento na napabilang sa visual
texture?
a. tint, shade at contrast
b. primary, secondary at tertiary colors
c. linya, tuldok at kulay
d. tunay at artipisyal na sining
12. 3. Anong uri ng disenyo ang makikita sa
larawang banga?
a. cross hatching
b. hatching
c. pointillism
d. color blending
13. 4. Ang masining na pag-ekis-ekis
nang patayo at pahalang na mga
linya sa paggayak sa larawan ay
tinatawag na _______.
a. crosshatching
b. hatching
c. pointillism
d. color blending
14. 5. Alin sa sumusunod ang
may disenyong pointillism?
15. Magdisenyo tayo!
Panuto:
1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan:
bond paper, lapis at pangkulay (krayola o oil pastel)
2. Gamit ang lapis, kopyahin ang larawang banga sa iyong
bond paper.
3. Palamutian sa kanang bahagi ng iginuhit na larawan nang
patayo at pahalang na mga linya para makabuo ng pakrus
na disenyo.
GAWAIN:
16. Magdisenyo tayo!
Panuto:
1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan:
bond paper, lapis at pangkulay (krayola o oil pastel)
2. Gamit ang lapis, kopyahin ang larawang banga sa iyong
bond paper.
3. Palamutian sa kanang bahagi ng iginuhit na larawan nang
patayo at pahalang na mga linya para makabuo ng pakrus
na disenyo.
GAWAIN:
18. 4. Obserbahan ang ginawang larawan.
5. Gumuhit uli ng larawang banga at igayak
naman ang mga tulduk-tuldok na hugis sa
may kanang bahagi ng banga.
19. 6. Sa ikatlong gawain, gamit ang mga krayola
o oil pastel, kulayan ng dilaw ang bahaging A
sa larawan, dalandan sa B, at pula sa C.
7. Punahin ang mga pagbabago ng
tatlong likhang sining.
21. Arts Week 3:
Ang visual texture ay tumutukoy sa
pang-ibabaw na kaanyuan ng larawan
na nagpapamalas ng kapal o nipis sa
pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
Ang tekstura ng larawan ay maaaring
linangin sa paggamit ng linya, tuldok at
mga kulay.
22. PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang larawan na nasa itaas ay nagpapakita ng
kaugaliang Pilipino na ____________.
a. Clean and Green
b. Bayanihan
c. Piyesta sa Bayan
d. Brigada Eskwela
23. 2. Batay sa larawan na nasa itaas, ano-anong mga
elemento ng visual texture ang nakikita?
a. tint, shade at contrast
b. primary, secondary at tertiary colors
c. linya, tuldok at kulay
d. parisukat, tatsulok at bilog
3. Ito ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan ng
larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis sa
pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
a. logo
b. visual texture
c. landscape painting
d. variation
24. 4. Anong uri ng disenyo ang makikita sa
larawang banga?
a. cross hatching
b. hatching
c. pointillism
d. tint
5. Mas mabigat na tekstura ang nakikita
kapag ang mga linya ay ____.
a. dikit-dikit at makapal
b. manipis at madalang
c. malayo sa isa’t isa
d. pahilis at pakurba
25. TAKDANG-
ARALIN:
Gawain: Landscape Artwork
Mga gamit na dapat ihanda:
* bond paper * lapis o pen * krayola o oil pastel
Panuto sa Paggawa:
1. Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong
bond paper.
2. Gamit ang kasanayan sa
tekstura, disenyuhan ng
crosshatching ang unang
larawan.
3. Igayak ang paraang pointillism sa ikalawang
larawan.
26. 4. Idibuho naman sa ikatlong larawan ang
mga angkop na kulay mula sa krayola o oil
pastel.
5. Gamitin ang talaan ng rubrik para
masukat ang kaangkupan sa ginawang
obra.