powerpoint presentation for arts grade 3 quarter 1 week 4
1 of 15
Download to read offline
More Related Content
Q1_ARTS_W4.pptx powerpoint presentation for arts grade 3 quarter 1 week 4
1. Arts 3
Quarter 1 week 4
Discusses what foreground, middle ground, and
background, are all about in the context of a
landscape
A3PL –Id
2. Balik-aral:
Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na konsepto tungkol sa
paglinang sa tekstura ng larawan.
_____1. Ang visual texture ay tumutukoy sa pang-ibabaw na
kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis sa
pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
_____2. Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit
lamang ng mga kulay.
3. Balik-aral:
_____3. Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na
mga linya sa paggayak ng crosshatching.
_____4. Sa paraang pointillism, ginagamitan ng iba’t ibang mga
hugis ang pagdidisenyo sa larawan.
_____5. Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa
pamamamgitan paghalo ng kulay o color blending.
6. Suriin ang larawan.
Tukuyin ang balanse
ng landscape kung ito
ay foreground, middle
ground o background
nito.
7. Ang isang artist na katulad mo ay maaaring
maipakita ang bagay na maging malaki o
maliit sa paggguhit depende sa paglalagay o
posisyon ng foreground, middle ground, at
background.
8. Ang mga bagay sa foreground ay karaniwang malaki dahil
nagpapakita sila ng bahaging harap at pinakamalapit sa
tumitingin nito habang ang mga bagay sa background ay
lumilitaw na maliit para malayo sa tumitingin nito. Ang mga
bagay na nasa middle ground naman ay matatagpuan
sa pagitan ng background at foreground.
10. Gawain 2:
Panuto: Gumuhit ng isang landscape drawing sa iyong sagutang
papel at naisaalang-alang ang foreground, middle ground at
background.
11. Laging tandaan ang landscape drawing ay pahiga.
1. Magiging balanse ang guhit kapag may foreground, middle
ground at background.
2. Foreground ang pinakamalapit sa tumitingin nito.
3. Middle ground ay nasa pagitan ng foreground at
background.
4. Background ang pinakamalayong tingnan sa larawan.
PAGLALAHAT:
12. Panuto: Isulat ang tamang letra sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa guhit na binubuo ng foreground, middle
ground, at background?
a.Visual na Tekstura b. Landscape Drawing
c. Pinta d. Balanse
2. Ito ay malapit sa tumitingin na nakapaloob sa landscape
drawing.
a. foreground b. middle ground
c. background d. guhit
PAGTATAYA:
13. 3. Ito ay tawag sa guhit na malayong tingnan at
nakapaloob sa landscape drawing.
a. foreground b. middle ground
c. background d. balance
4. Ito ay nasa pagitan ng foreground at background ng
larawang landscape.
a. foreground b. middle ground
c. background d. balanse
14. 5. Paano naging balanse ang landscape drawing?
a. Binubuo ito ng foreground at background.
b. Binubuo ito ng middle ground at landscape drawing.
c. Binubuo ito ng middle ground, drawing at landscape.
d. Binubuo ito ng background, foreground at middle ground.
15. AKDANG-ARALIN:
Sundin ang sumusunod na mga hakbang. Gamiting gabay ang
naunang rubrik. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Hakbang:
1. Mag-isip ng magandang tanawin sa inyong lugar o
probinsiya. Tiyakin na makikita ang foreground, middle ground
at background sa inyong iguguhit na larawan.
2. Kulayan ang iginuhit na larawan.
3. Lagyan ng pamagat ang natapos na Landscape drawing.