Q1_ESP_W6.pptx A POWERPOINT PRESENTATION FOR GRADE 3 QUARTER 1 WEEK 6
1 of 38
Download to read offline
More Related Content
Q1_ESP_W6.pptx A POWERPOINT PRESENTATION FOR GRADE 3 QUARTER 1 WEEK 6
1. EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 3
Quarter 1-Week 6
Nakagagawa ng mga wastong kilos at
gawi sa pangangalaga ng sariling
kalusugan at kaligtasan
EsP3PKP- Ie 18
5. Basahin ang tula sa ibaba kung paano mapangalagaan ang sariling
kalusugan at kaligtasan.
Malusog ka pa ba?
Ligtas ka pa ba?
Sa panahong ito, kalusugan at kaligtasan ay dapat
sigurado
Mga inirekomendang tuntunin ay gawing totoo
Sa kalabay hindi nakikitat kinakatakutan lahat ng tao
Wastong gawit kilos isapuso mo
Physical Distancing, pagsusuot ng facemask at
palagiang
Paghuhugas ng kamay upang sa Covid19 makaiwas
Ang pag-inom ng 8-10 basong tubig,
Sapat na tulog, katawan lalakas bibilog
Ang ehersisyo hindi man magagawa,
Gawaing bahay ay pwede na
Gulay,isda prutas at karne
Dulot sa isipay masustansyang sapat
6. 1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang mensahe ng tula?
3. Sa nabanggit sa tula, ano ang dapat mong
siguraduhin?
4. Sa palagay ninyo, ano ang kinakatakutan ng
lahat ng tao na hindi nakikita?
5. Ano-ano ang mga wastong kilos ang binanggit
sa tula na dapat sundin upang hindi mahawa ng
virus?
6. Bakit kailangang ikilos o gawin ang
pangangalaga para sa sariling kalusugan?
8. Ano ano ang magagawa mo para sa
iyong sariling kalusugan at kaligtasan?
9. Ebalwasyon:
Panuto: Ano ang magagawa mo para sa sariling kalusugan at
kaligtasan sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang
sagot. 1. Si Markus ay nagkasakit dahil sa gabi-gabing
pagpupuyat.
Ano ang dapat niyang gawin?
A. Matulog nang sapat sa oras.
B. Matulog ng hating gabi
C. Gumising ng tanghali.
2. Madalas tuksuhing lampa si Juan ng kaniyang
kapatid. Ano
ang dapat niyang gawin?
A. Matulog nang buong araw.
B. Kumain ng Junkfoods
C. Mag-ehersisyo araw-araw.
10. 3. Si Shaun Daniel ay mapayat at matamlay. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Uminom ng softdrink.
B. Kumain ng kendi at tsokolate.
C. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng karne, isda at
gulay.
4. Ilang basong tubig ang dapat inumin ng batang katulad mo?
A. Uminom ng 5-7 basong tubig araw-araw.
B. Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw.
C. Uminom ng 11-13 basong tubig araw-araw.
5. Ano ang dapat mong gawin bago at pagkatapos mong
kumain?
A. Maglaro
B. Maghugas ng kamay.
C. Iwanang nakakalat ang mga plato sa mesa.
11. Interbyuhin ang nanay, tatay o
kapatid. Itanong kung ano ano pa
ang maaaring gawin upang
mapangalagaan ang sariling
kalusugan at kaligtasan. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
Takdang Aralin:
14. Narinig mo na ba ang kasabihang:
Ang kalusugan ay kayamanan?
Naniniwala ka ba dito?
15. Totoong ang kalusugan ay kayaman. Masasabing ikaw
ay malusog kung maayos o masigla ang iyong
pangagatawan. Malusog ka kung wala kang sakit o
karamdaman. Magagawa mo ang iyong nais at
maaaring humaba pa ang iyong buhay.
Ang kalusugan ay kaayusang pisikal, mental o pag-
iisip, emosyonal o damdamin, sosyal at espirituwal.
Dapat mong pangalagaan ang sariling kalusugan.
Matatamo ito kung maisasagawa ang ibat ibang
wastong kilos at gawi.
16. Ilan sa mga dapat mong gawin ay ang mga
sumusunod:
Pagsunod sa social distancing (magkakalayo sa isat isa)
paglilinis ng katawan (paliligo, pagsisipilyo)
pagkain ng masusustansiyang pagkain
pagliligpit ng mga kalat at mga laruan
pagwawalis sa loob at labas ng bahay
paghihiwa-hiwalay ng basura
pagtulog at paggising nang maaga
17. Paano mo aalagaan ang iyong sarili?
Paano mo magagawa? Isulat ang iyong sagot sa loob ng
bilog.
18. Ano ano ang magagawa mo para
sa iyong sariling kalusugan at
kaligtasan?
19. Panuto: Ano ang magagawa mo para sa iyong sariling kalusugan
at kaligtasan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
21. Suriin ang bawat larawan. Tukuyin kung ito ay kilos
upang pangalagaan ang sarili. Ilagay ang kung Oo at
naman kung Hindi.
Balik-Aral:
22. Ayusin ang ginulong mga letra upang mabuo ang mga salita na
tumutukoy sa pangangalaga ng sarili.
23. Basahin ang tula tungkol sa pangangalaga ng sarili..
Sarili Ko, Pangangalagaan ko
Ating katawan ay biyaya ng Maykapal,
Kaya dapat alagaan at pahalagahan;
Malinis na puso at bukas na isipan,
Ang ating sarili, ating kabuuan.
Ang sarili natiy dapat pag-ingatan,
Dagdagan ng kaalaman ang ating isipan;
Pagbabasa ng aklat hindi kalilimutan
Mga maling gawain ay aming iiwasan
Ating katawan, mahalin at pangalagaan,
Wastong pagkain lamang ang laman dapat
Pag-eehersisyot wastong paglilibang,
Kailangan lagi ng ating katawan.
25. Ang isang batang malusog ay madaling makagawa ng
mga proyekto o gawain nang may kahusayan. Ang
paraan ng kaniyang pag-iisip ay kahanga-hanga
sapagkat nasasalamin sa kaniya ang kahinahunan,
kaayusan at katalinuhan.
Ang pagkakaroon ng wastong kilos at gawi sa
pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay isang
ugaling dapat kasanayan. Isa-isip at isapuso na ang
kalusugan ay iyong kayamanan.
26. Maglista ng iyong ikikilos o gagawin upang mapangalagaan
ang sariling kalusugan at kaligtasan.
28. Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ang
sumusunod na sitwasyon ay nakagagawa ng sariling
kalusugan at kaligtasan malungkot na mukha naman
kung hindi.
_____1. Si Anabelle ay natutulog ng hating gabi.
_____2. Laging kumakain si Angelica ng masusustansyang
pagkain tulad ng gulay,isda,karne at prutas.
_____3. Mahilig kumain ng kendi at tsokolate si Arabella.
_____4. Si Samuelle ay umiinom ng 8-10 basong tubig araw-
Araw.
_____5. Si Joy ay palaging naghuhugas ng kamay gamit ang
sabon at tubig ng 20 segundo.
29. Bilang bata, Ano ang dapat mong gawin upang hindi ka
mahawaan ng virus tulad ng covid19? Isulat ito sa loob
ng kahon.
Takdang Aralin:
31. Panuto: Bilugan ang letra ng larawang nakagagawa ng wastong
gawi sa kalusugan.
Balik-Aral:
32. Awitin ang awit ng Kilos Pangkalusugan
na may Himig ng Sitsiritsit.
Kilos Pangkalusugan
(Himig ng Sitsiritsit)
Mga batang katulad ko, kalusugan iningatan ko.
Katiwasyan ng isip ko, magandang gawi sa buhay ko.
Masustansiyang pagkain, Ehersisyot dapat gawin.
Mahinahon na damdamin,
Kapayapaan ang kakamtin.
33. 1. Tungkol saan ang awit?
2. Sino dapat ang maging malusog?
3. Ano-anong mga wastong kilos o gawi ang nabanggit
tungkol sa pangangalaga ng katawan.
4. Ano ang maiiwasan natin sa mga kilos o gawi na ito?
5. Bakit kailangang gawin ang mga kilos at gawi na ito?
34. Sa awitin ito, naipapakita kung paano natin mapanatili ang
pagiingat sa ating kalusugan. Binanggit rin sa awit ang
magagandang gawi sa buhay ng tao tulad ng pagkain ng
masustansyang pagkain, pag-ehersisyo ay dapat gawin,
mahinahon na damdamin upang kapayapaan ang
makamtan. Dapat gawin ang mga ito upang makaiwas sa
anumang sakit at mapangalagaan natin ang ating
kalusugan.
37. Panuto: Paano maipakikita ang wastong kilos at gawi sa pangangalaga
ng sariling kalusugan at kaligtasan sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Si Leiy Ezekiel ay laging inaantok.
A. Matulog ng maaga.
B. Huwag magpuyat.
C. Laging magpuyat.
2. Si Shaun ay pumapayat.
A. Uminom ng bitamina.
B. Kumain ng gulay at prutas.
C. Kumain ng maraming tinapay.
Ebalwasyon:
38. 3. Si Ada ay gustong mag ehersisyo pero bawal pang lumabas.
A. lalabas ng bahay.
B. makipaglaro sa kapitbahay.
C. maglaro ng boardgames sa loob ng bahay.
4. Frontliner ang nanay ni Merlie.
A. Magmano sa kanila.
B. Yakapin at bigyan ng damit.
C. Hayaan munang makapagpalit at makapaglinis ng sarili bago
magmano.
5. Para maiwasan ang virus o Covid sa loob ng bahay.
A. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
B. Palaging maghugas ng kamay.
C. Gumamit ng kutsara.