際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Bb. Mariel
SIBIKA 5
Life Performance Outcome
Essential Performance Outcome
Ako ay regular na naglalaan ng oras at lakas para sa
pagpaplano, pagninilay at pagpapanibago.
Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili,
mabuting huwaran at isinasabuhay ang pananampalataya.
Intended Learning
Outcome
Ako ay regular na naglalaan ng oras sa
pagninilay upang mapahalagahan ang
mga katutubong Pilipinong lumaban
upang mapanatili ang kanilang
kasarinlan.
Wordwall
Buuin ang mga salita!
Larawan-suri
Ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
Mga Lugar na Ninais Sakupin ng mga Espanyol
 Ang Hilagang Luzon at Mindanao ay ilan sa mga lugar na nais sakupin ng
mga Espanyol dahil sa mga likas na yaman na mayroon ang mga lugar na
ito at baguhin ang kanilang paniniwala na may kinalaman sa relihiyon.
 Ipinatupad nila ang divide and rule policy upang pagwatak-watakin ang
mga katutubo at upang humina ang puwersa ng mga ito sa pakikipaglaban.
 Nagpadala rin sila ng mga mersenaryo upang labanan ang kapwa katutubo.
 Sa kabila nito, buong giting na nakipaglaban ang mga ito upang mapanatili
ang kanilang mapayapang pamumuhay sa kanilang lupain.
 Ang Bulubundukin ng Cordillera ay tahanan ng mga Igorot, na nahahati sa ibat ibang
pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg, (Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at
Ifugao.
 Ang kanilang mga hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi ng tela, pagnganganga,
pangangayaw o pakikilahok sa digmaan laban sa ibang katutubo.
 Pangangalap ng Ginto
 Pinaniniwalaan ni Gobernador Heneral Miguel
Lopez de Legazpi na ang kabundukan ng
Cordillerra ay mayaman sa deposito ng ginto.
 Nagpadala ng misyon si Legazpi sa Ilocos sa
pangunguna ng kanyang apo na si Juan de
Salcedo upang alamin ang mga gintong
ibinebenta rito.
 Lalong pinaigting ang pangangalap ng mga ginto
dahil sa pagsiklab ng Thirty Years War sa Europa
dahil na rin sa pangangailangan ng Espanya
upang matutustusan ang kanilang pakikidigma
Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
 nagpadala ng mga misyonerong Dominikano at
Agustiniano ang mga Espanyol upang ipalaganap ang
relihiyong Kristiyanismo.
 Nasaksihan ng mga ito ang paniniwalang animismo ng
mga Igorot na itinuring nilang isang uri ng pagsamba sa
demonyo.
 Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang
pagbibinyag sa kanila bilang Kristiyano.
Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
 Monopolyo ng Tabako
 lahat ng maaaning tabako ng mga Igorot ay maaari lang
ibenta ng mga katutubo sa pamahalaan
 Itinanatag ang Comandancia del Pais de Igorrotes upang
mabantayan ang mga Igorot at ang mga taga-Pangasinan.
 Guillermo Galvey
 nakaranas ng ibat-ibang pang-aabuso ang mga katutubo
dahil kadalasan sila ay niloloko ng mga ahente ng
pamahalaan
Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
 Nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga
mananakop na sumalakay sa Mindanao na
tinatawag nilang Digmaang Moro.
 Dahil sa ipinakitang katapangan ng mga Muslim,
sila ay nanatiling malaya (maliban sa ilang
bahagi ng Mindanao) hanggang sa matapos ang
kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.
 Sa pang-apat na Digmaang Moro inilunsad ang
kauna-unahang jihad o banal na digmaan ng
mga Muslim laban sa mga Espanyol. Ito ay sa
pamumuno ni Sultan Kudarat.
Katutubong Muslim sa Mindanao
Makikita na ang pangunahing dahilan ng
pagsalakay ng mga Espanyol ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Subalit ang
isa pa sa kanilang hangarin ay ang masugpo
ang malakas na puwersa ng mga katutubo
upang maging ganap ang kanilang pagsakop sa
Pilipinas. Layunin din nilang mangalap ng mga
yaman upang may maipangtustos sa ibang
digmaang kanilang kinasasangkutan.
Gayonpaman, nahirapan ang mga Espanyol sa
pananakop dahil sa ipinakitang katapangan ng
mga katutubo.
Ating balikan
Lagyan ng tsek (/) ang mga dahilan kung bakit
hindi nasupil ng mga Espanyol ang mga Muslim
at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. May pagkakaisa ang mga Muslim.
_____2. Kinilala ang mga kapangyarihan ng mga Espanyol.
_____3. Iginalang nila ang mga Espanyol.
_____4. Matatag at may paninindigan ang mga ito.
_____5. Iniwan nila ang kanilang lupain.
Lagyan ng tsek (/) ang mga dahilan kung bakit
hindi nasupil ng mga Espanyol ang mga Muslim
at ekis (X) naman kung hindi.
_____6. Gumawa sila ng mga armas.
_____7. Ayaw nilang maging Kristiyano.
_____8. Ipinaglaban ang kanilang paniniwala.
_____9. Mahusay sa pakikipagdigma.
_____10. Natakot ang mga kalaban.
Breakout Room
Paano mo ipapamalas ang pagpapahalaga sa
mga kababayan nating Igorot at Muslim dahil sa
kanilang ginawang pakikipaglaban o pagtutol sa
mga Espanyol?
ILO: Ako ay regular na naglalaan ng oras sa pagninilay upang mapahalagahan ang mga katutubong Pilipinong
lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan.
SDL
Video: Mensahe ng Pasasalamat
Bilang pagpapahalaga sa mga katutubong lumaban
upang mapanatili ang kanilang kasarinlan, gumawa ng
isang mensahe ng pasasalamat na hindi hihigit sa
isang minuto.
Maraming salamat sa
pakikinig!

More Related Content

Q3 AP5 - Katutubong Pilipino.........pdf

  • 2. Life Performance Outcome Essential Performance Outcome Ako ay regular na naglalaan ng oras at lakas para sa pagpaplano, pagninilay at pagpapanibago. Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili, mabuting huwaran at isinasabuhay ang pananampalataya.
  • 3. Intended Learning Outcome Ako ay regular na naglalaan ng oras sa pagninilay upang mapahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan.
  • 5. Larawan-suri Ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
  • 6. Mga Lugar na Ninais Sakupin ng mga Espanyol
  • 7. Ang Hilagang Luzon at Mindanao ay ilan sa mga lugar na nais sakupin ng mga Espanyol dahil sa mga likas na yaman na mayroon ang mga lugar na ito at baguhin ang kanilang paniniwala na may kinalaman sa relihiyon. Ipinatupad nila ang divide and rule policy upang pagwatak-watakin ang mga katutubo at upang humina ang puwersa ng mga ito sa pakikipaglaban. Nagpadala rin sila ng mga mersenaryo upang labanan ang kapwa katutubo. Sa kabila nito, buong giting na nakipaglaban ang mga ito upang mapanatili ang kanilang mapayapang pamumuhay sa kanilang lupain.
  • 8. Ang Bulubundukin ng Cordillera ay tahanan ng mga Igorot, na nahahati sa ibat ibang pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg, (Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at Ifugao. Ang kanilang mga hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi ng tela, pagnganganga, pangangayaw o pakikilahok sa digmaan laban sa ibang katutubo.
  • 9. Pangangalap ng Ginto Pinaniniwalaan ni Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi na ang kabundukan ng Cordillerra ay mayaman sa deposito ng ginto. Nagpadala ng misyon si Legazpi sa Ilocos sa pangunguna ng kanyang apo na si Juan de Salcedo upang alamin ang mga gintong ibinebenta rito. Lalong pinaigting ang pangangalap ng mga ginto dahil sa pagsiklab ng Thirty Years War sa Europa dahil na rin sa pangangailangan ng Espanya upang matutustusan ang kanilang pakikidigma Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
  • 10. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo nagpadala ng mga misyonerong Dominikano at Agustiniano ang mga Espanyol upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo. Nasaksihan ng mga ito ang paniniwalang animismo ng mga Igorot na itinuring nilang isang uri ng pagsamba sa demonyo. Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang pagbibinyag sa kanila bilang Kristiyano. Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
  • 11. Monopolyo ng Tabako lahat ng maaaning tabako ng mga Igorot ay maaari lang ibenta ng mga katutubo sa pamahalaan Itinanatag ang Comandancia del Pais de Igorrotes upang mabantayan ang mga Igorot at ang mga taga-Pangasinan. Guillermo Galvey nakaranas ng ibat-ibang pang-aabuso ang mga katutubo dahil kadalasan sila ay niloloko ng mga ahente ng pamahalaan Mga Dahilan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera
  • 12. Nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga mananakop na sumalakay sa Mindanao na tinatawag nilang Digmaang Moro. Dahil sa ipinakitang katapangan ng mga Muslim, sila ay nanatiling malaya (maliban sa ilang bahagi ng Mindanao) hanggang sa matapos ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. Sa pang-apat na Digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad o banal na digmaan ng mga Muslim laban sa mga Espanyol. Ito ay sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Katutubong Muslim sa Mindanao
  • 13. Makikita na ang pangunahing dahilan ng pagsalakay ng mga Espanyol ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Subalit ang isa pa sa kanilang hangarin ay ang masugpo ang malakas na puwersa ng mga katutubo upang maging ganap ang kanilang pagsakop sa Pilipinas. Layunin din nilang mangalap ng mga yaman upang may maipangtustos sa ibang digmaang kanilang kinasasangkutan. Gayonpaman, nahirapan ang mga Espanyol sa pananakop dahil sa ipinakitang katapangan ng mga katutubo.
  • 15. Lagyan ng tsek (/) ang mga dahilan kung bakit hindi nasupil ng mga Espanyol ang mga Muslim at ekis (X) naman kung hindi. _____1. May pagkakaisa ang mga Muslim. _____2. Kinilala ang mga kapangyarihan ng mga Espanyol. _____3. Iginalang nila ang mga Espanyol. _____4. Matatag at may paninindigan ang mga ito. _____5. Iniwan nila ang kanilang lupain.
  • 16. Lagyan ng tsek (/) ang mga dahilan kung bakit hindi nasupil ng mga Espanyol ang mga Muslim at ekis (X) naman kung hindi. _____6. Gumawa sila ng mga armas. _____7. Ayaw nilang maging Kristiyano. _____8. Ipinaglaban ang kanilang paniniwala. _____9. Mahusay sa pakikipagdigma. _____10. Natakot ang mga kalaban.
  • 17. Breakout Room Paano mo ipapamalas ang pagpapahalaga sa mga kababayan nating Igorot at Muslim dahil sa kanilang ginawang pakikipaglaban o pagtutol sa mga Espanyol? ILO: Ako ay regular na naglalaan ng oras sa pagninilay upang mapahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan.
  • 18. SDL Video: Mensahe ng Pasasalamat Bilang pagpapahalaga sa mga katutubong lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan, gumawa ng isang mensahe ng pasasalamat na hindi hihigit sa isang minuto.