際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Regalo
   Sa Guro
(Maikling Kuwento)
Nalulungkot si Ben. Nang
itanong ng ina kung ano ang
dinaramdam niya ang kanyang
sagot ay, "Kasi po ang mga kamag-
aral ko ay may pampasko para sa
aming guro. Ako lang po ang wala.
Alam ng butihing ina na ang bagay na
ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito
ang kanyang guro. Sa palagay naman niya,
mauunawaan ng guro na sila'y dukha, at sa
totoo lang, alam naman niyang hindi
naghihintay ang guro ng regalo kahit
kanino.
    "Halika, anak, at may ikukuwento, ako
sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si
Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay
malalaman mo rin ang dapat mong gawin."
At nagkuwento ang ina...
   Dalawa na lamang araw at ipipinid
na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko.
Sa paaralan ay may punong-kahoy na
pamasko na puno ng palamuti at mga
ilaw. Ito'y puno ng mga alaalang laan ng
mga bata sa kanilang mga guro at
kamag-aaral.
   Ang lahat ay maligaya. Ang buong
daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan.
Malapit nang isilang ang Mananakop.
Ang lahat ay may ngiti sa labi - may awit
sa papawirin.
Ngunit may kaawa-awang nilalang
na nalulungkot. Siya'y si Nestor. Bakit?
Ang lahat niyang kamag-aral ay may
alaala sa pinakamamahal na guro
subalit siya'y wala. Paanong di gayo'y
si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay
maralita. Ang ina'y walang kaya upang
isunod sa kagustuhan ng kanyang
bunsong anak.
"Inang," ang hikayat ni Nestor, "Ako
lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol.
Ang lahat - sina Ador, Florante, Ramon at
Orlando - ang bawat isa sa kanila ay may
pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-
tanging wala.
   Nestor," ang butihing ina ay sumagot,
"makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo'y
dukha. Siya'y di naghihintay ng alaalang
galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot
iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay
nakauunawa sa ating kalagayan."
Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang
nahiga ngunit hindi makatulog. Siya'y nag-
iisip. Kung mayroon lamang siyang
pagkakakitaan, kahit kaunting salapi
upang ibili ng kanyang pampasko!
Katapusang araw na kinabukasan.
    Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip.
May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon
siyang naisip na maiaalay na alaala kay
Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya?
Magustuhan kaya ng kanyang guro?
Siya'y bumangon. Tinungo ang
munting hapag sa silid at sa malamlam na
ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang
kanyang regalo. Pinagbuti niya ang
kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at
pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa
sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa
isang aklat at nahigang muli. Mayroon na
siyang alaala. Anong tuwa niya! At
nakatulog siya ng mahimbing.
   Kinaumagahan siya'y pinukaw ng ina,
"Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa
pagpasok."
Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis,
kumain at tumungo sa paaralan. Hindi
niya nalimutang dalhin ang kanyang
papasko sa kanyang guro.
    Sa lansangan ay gayon na lamang ang
kanyang tuwa! Mayroon na siyang
pampasko! Ito kaya ay mabuting alaala?
Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing
sa kanyang puso. Nang dumating siya sa
silid-aralan ay kay-daming nga batang
nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat
na ibinitin ni Nestor ang kanyang
pampasko sa guro.
Nakinig siya sa lahat ng bilang ng
palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil
sa kanya ay ang tanong na, "Maibigan kaya
ni Bb. Mirasol ang aking alaala?"
   Ang katapusang bilang ng palatuntunan
ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga
papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang
katapusa'y ibinigay ni Santa ang sobre
niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb.
Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan ang
mga titik bago binuksan ang liham.
Samantalang binabasa ang liham, si
Nestor ay nagmamasid.
Matapos ang palatuntunan umalis na si
Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam
kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha'y si Nestor
na tinawag ng guro. "Nestor, pumarito ka.
Ako'y may sasabihin sa iyo."
   "Nakita mo ba kung gaano karami ang mga
alaalang tinanggap ko? Ako'y galak na galak
pagkat iya'y tagapagpakilala na ako'y
minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa
pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang
iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong
alaala ay di pangkaraniwan. Iya'y nagbigay sa
akin ng labis na kagalakan."
Namangha si Nestor, di yata't ang
kanyang alaala ang pinakamahalaga
sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang
guro. "Salamat po, at maligayang
pasko." ang sabi ni Nestor bago siya
umalis. Siya ay tuwang-tuwa.
   Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb.
Mirasol, kanyang binasa muli ang
liham.
Minamahal kong Guro:
   Inyo pong pakaasahang ako'y
magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong
mga utos. Ako'y mag-aaral ng leksyon tuwi
na. Pagpipilitan ko pong ako ay maging
pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito
pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo.
                            Nagmamahal,
                            Nestor
"Ang ganda, Nanay, ng kuwento ninyo.
Ngayon po ay alam ko na rin kung ano
ang dapat
kong iregalo kay Bb. Padilla."
   Tuwang-tuwa rin ang ina sa
katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa
ng anak. Habang tinatanaw niya ang bata
na naglalakad patungo sa paaralan,
nagpapasalamat siya sa Maykapal sa
pagkakaroon ng isang mabait at
maunawaing anak.
Proyekto sa Filipino

           Ipinapasa ni:
      Arsel John M. Dela Cruz
              III-Star

          Ipinapasa kay:
         Mr. Dante Apilada

Maraming salamat po sa panonood at
          pakikinig! :))

More Related Content

Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)

  • 1. Regalo Sa Guro (Maikling Kuwento)
  • 2. Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang sagot ay, "Kasi po ang mga kamag- aral ko ay may pampasko para sa aming guro. Ako lang po ang wala.
  • 3. Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila'y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino. "Halika, anak, at may ikukuwento, ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin."
  • 4. At nagkuwento ang ina... Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito'y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag-aaral. Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi - may awit sa papawirin.
  • 5. Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya'y si Nestor. Bakit? Ang lahat niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya'y wala. Paanong di gayo'y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina'y walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kanyang bunsong anak.
  • 6. "Inang," ang hikayat ni Nestor, "Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat - sina Ador, Florante, Ramon at Orlando - ang bawat isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod- tanging wala. Nestor," ang butihing ina ay sumagot, "makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo'y dukha. Siya'y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan."
  • 7. Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya'y nag- iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili ng kanyang pampasko! Katapusang araw na kinabukasan. Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya? Magustuhan kaya ng kanyang guro?
  • 8. Siya'y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang regalo. Pinagbuti niya ang kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing. Kinaumagahan siya'y pinukaw ng ina, "Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa pagpasok."
  • 9. Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro. Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang pampasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kay-daming nga batang nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang pampasko sa guro.
  • 10. Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, "Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?" Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa'y ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.
  • 11. Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha'y si Nestor na tinawag ng guro. "Nestor, pumarito ka. Ako'y may sasabihin sa iyo." "Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako'y galak na galak pagkat iya'y tagapagpakilala na ako'y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya'y nagbigay sa akin ng labis na kagalakan."
  • 12. Namangha si Nestor, di yata't ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. "Salamat po, at maligayang pasko." ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa. Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.
  • 13. Minamahal kong Guro: Inyo pong pakaasahang ako'y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga utos. Ako'y mag-aaral ng leksyon tuwi na. Pagpipilitan ko pong ako ay maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo. Nagmamahal, Nestor
  • 14. "Ang ganda, Nanay, ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla." Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak. Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.
  • 15. Proyekto sa Filipino Ipinapasa ni: Arsel John M. Dela Cruz III-Star Ipinapasa kay: Mr. Dante Apilada Maraming salamat po sa panonood at pakikinig! :))