2. Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.
Amen.
3. Makapangyarihan naming Diyos/
ako po/
ay taos - pusong nagpapasalamat/
sa panibagong araw na ipinagkaloob Mo sa amin/
upang harapin ang panibagong hamon sa buhay./
Sa pamamagitan ng Iyong anak na si Hesus/
humihingi ako ng Iyong tulong/
upang maipagpatuloy ko/
nang maayos/
ang aking pag-aaral/
at upang magkaroon ng katuparan/
ang aking pangarap./
4. Patnubayan Mo rin po/
ang aking mga magulang/
sa patuloy na pagsuporta sa akin./
Isinasama ko ito/
sa ngalan ni Hesus/
na aming Panginoon/
AMEN.
5. Santa Marie Rivier,
Ipanalangin mo po kami.
Mahal na Birhen ng Delos Remedios,
Ipanalangin mo po kami.
Kabanal-banalang Puso ni Maria,
Kaawaan mo po kami.
Kabanal-banalang Puso ni Hesus,
Kaawaan Mo po kami.
6. Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.
Amen.
13. Isahang Gawain
1. Ano ang nilalaman ng naturang
awitin? Isalaysay.
2. Anong simbolo na kakatawan
sa mensahe o aral na napulot
mo sa naturang awitin?
Ipaliwanag.
3. Pumili ng isang salita o linya
na nakaantig sa iyong
damdamin, at ipaliwanag.
15. Replektibong
Sanaysay
Bunnz
Cruz
Michael
Stratford
Kori
Morgan
mapanuri, mapanuya, nagpapatawa,
pampolitika, pangkasaysayan,
pampilosopiya, pampanitikan,
panggunita, pangkabutihang-asal, atbp
sumasagisag sa ipinapabatid
na tema, estruktura at punto
de vista ng sanaysay
pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin
hinggil sa isang paksa at kung paano ito
nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito
nagpapakita ng personal na paglago
ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari
16. Mga
Hakbang sa
Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
Pumili ng paksang
nais mo.
Ilista ang lahat ng iyong
naiisip o ideya tungkol sa
paksa. Gamitin ang iyong
mga inilista upang ikay
matulungang matalakay ito.
Magsagawa ng pagbabasa,
pagsasaliksik o mag-isip pa
ng mahahalagang bagay
upang mapalawak ang
kaalaman sa paksang
napili.
Sumulat ng
paunang burador.
Basahing muli ang
burador. Maaaring
magdagdag o
magbura ng mga
detalye kung
kinakailangan
Isulat ang unang
rebisyon ng iyong
sulatin.
Bigyangpansin
ang panimula at
pagwawakas ng
talata.
Suriin ang
nirebisang
sulatin upang
matiyak ang
baybay, bantas
at ilan pang
pagkakamali sa
naturang sulatin.
Isulat ang
pinal na
dokumento
17. Mga Bahagi
ng
Replektibong
Sanaysay
Introduksiyon
Katawan
Wakas
o Kongklusyon
dapat na makapukaw sa atensiyon
ng mambabasa
ilalahad ang mga pantulong
o kaugnay na kaisipan tungkol
sa paksa o tesis na inilahad sa
panimula
muling banggitin ang tesis o
ang pangunahing paksa at
lagumin ito sa pamamagitan
ng pagbanggit kung paano
mo magagamit ang iyong
natutuhan sa buhay sa
hinaharap
18. Mga Dapat
Isaalang-
alang sa
Pagsulat ng
Replek-tibong
Sanaysay
Magkaroon ng isang tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
Isulat ito gamit ang unang panauhan. Gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin
sapagkat ito ay nakasalig sa personal na karanasan.
Tandaan na bagamat nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito
ng patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa
paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa
akademikong sulatin.
Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsuat nito. Gawing malinaw at madaling
maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid
ang mensahe sa mga babasa.
Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon,
katawan, at kongklusyon.
Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
19. Pangkalahatang Uri
ng Sanaysay
PORMAL IMPORMAL
*nagbibigay ng isang patalastas sa
isang paraang maayos at mariin at
bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayari at kaisipan
*minsan, tinatawag na impersonal
o siyentipiko (binabasa upang
makakuha ng impormasyon)
*tinatawag ding pamilyar o personal
(nagbibigay-diin sa isang estilong
nagpapamalas ng katauhan ng may-
akda)
*karaniwang may himig na parang
nakikipag-usap o nais magpakilala ng
isang panuntunan sa buhay.
20. 12 Natatanging
Uri ng Sanaysay
Nagsa-
salaysay
Naglalara-
wan
Mapag-isip o
di-praktikal
Kritikal o
mapanuri
Didaktibo o
nangangaral
Nagpapaa-lala
Editoryal
Makasiyen-
tipiko
Sosyo-
politikal
Pangkalika-san
Bumabalangkas sa
isang tauhan
Mapagdili-
dili o
repletibo
21. Kung ikaw ay magsusulat ng
replektibong sanaysay, at malaya
kang makapamili ng paksa,
tungkol saan ito?
Bakit?
Para sa iyo, ano ang katangiang
dapat tataglayin ng isang mahusay
na replektibong sanaysay?
Pangatuwiranan.
22. Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak
G. Michael Coroza
Isang napakalaking gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng
adiksyon ngunit mas mahirap ang pagtigil sa ganitong kondisyon
kapag ikaw ay nalulong na. Ang alkohol ay nakakaadik na inumin.
Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari
kang lubusang mahuhulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging
addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala
kayang kumilos nang wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga
na hindi mo na kayang mabuhay nang hindi uminom nito sapagkat
itoy bahagi na ng iyong sistema na nakaimpluwensiya na ng isipan
ang pangangatawan. Para bang bahagi na ito ngayon ng iyong
pangunahing pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw
na gawain.
23. Alam nating ang alak ay mapanirang inumin. Maraming
masamang epektong dulot nito sa ating kalusugan at buhay. Kahit
bali-baliktarin mo man ang mundo, malalaman mo pa ring walang
magagandang maidulot ang pag-inom ng alak lalo na sa pagtagal ng
panahon.
Hindi madali ang tumigil sa iyong nakasanayan lalo pat
naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Ngunit
kung iukit mo sa iyong utak ang kagustuhang huminto,
mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap
na kung mahirap subalit maraming paraan upang makaalis ka sa
iyong bisyo. At kung makahahanap ka ng mga programa na
maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-
inom ng alak.
24. May panahon pa para tumigil ka. Marami rin ang mga
paraan upang mapaglabanan ang iyong kondisyon bilang isang
lasinggero. Manghinayang ka sa panahon na inilaan mo lamang sa
pag-inom at pagpakalasing. Sikapin mong pahalagahan ang mga
pera na ginastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing.
Lagi mong isaalang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang
ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay.
Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na panahon at
salapi. Maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung
ititigil mo na ang iyong bisyo. Sigurado akong hindi na
madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka
ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at
sa darating pang panahon.
25. Isang Mabuting Desisyon
ang Paghinto sa Pag-inom
ng Alak
Paano sinimulan ng may akda ang
kaniyang sanaysay?
Ano-ano ang naging pananaw ng
may akda sa tinalakay niyang
paksa?
Paano binigyan ng kongklusyon ng
may akda ang kaniyang sanaysay?
Tanong Sagot