2. Repormasyon
Tumutukoy sa krisis panrelihiyon na kung saan ibinaling ng mga dating
Katoliko ang kanilang paniniwala sa ibang relihiyon o sekta.
Naganap ito noong ika-16 na siglo at itinuring na isa sa mga mahalagang
bahagi ng kasaysayan dahil iminulat nito ang mga tao sa tila hindi
maitamang ugnayan ng simbahan at ng estado.
Naglalayon itong baguhin ang pamamalakad sa simbahan
4. Dahilan
Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo Papa dahil na rin sa
pagtutunggalian ng mga ito sa kapangyarihan at pagpapahayag nga mga
kautusan
Pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon ng Renaissance
Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado sa kapangyarihan ng
Santo Papa at ng simbahan
7. Martin Luther
Isang mongheng Augustinian na ang unang-unang tinuligsa sa simbahan ay ang
itinuro nitong konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.
Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483 sa Einsleben, Germany.
Ama: Hans Luther isang magsasaka na naging minero ng tanso
Ina: Margareth Linderman mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri.
Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng ang indulhensiya
ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo.
Ang indulhensiya ay isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya
ng Diyos ay maaring ipagbili at bilhin para sa kapatwaran at kaligtasan ng tao.
8. Martin Luther
Ipinalabas niya ang 95 theses na tumutukoy sa 95 na puntos laban sa simbahang
katoliko dahil sa hindi pagsangayo ni Luther sa patakaran ng Simbahang Katoliko
tungkol sa pagkamit ng indulhensiya.
Ipinaskil niya ang 95 theses noong Oktubre 31, 1517 sa pintuan ng Simbahan (All Saints
Church, Wittenburg)
Binatikos niya rin ang simbahan sa ginagawa nitong pang-aabuso sa mga salaping
nakukuha.
Maraming yumakap sa kanyang turo at tinawag na Lutheranismo.
Binansagan siyang erehe dahil sa mga masasamang sinabi niya sa simbahan.
10. Martin Luther
Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at baying Aleman ng
isang protestasyon na siyang pinagmulan ng salatang Protestante.
Ang mga protestante ay ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at sa
emperador ng Banal na Imperyong Romano.
Pagkatapos ng ilang alitan ng Protestante at Katoliko Romano na humantong sa
digmaan, ito ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng paglagda sa Kapayapaang
Augusburg noong 1555.
Nakasaad sa Kasunduan na kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng
relihiyon ang kanilang nasasakupan.
12. John Wycliffe
Isang guro sa Unibersidad ng Oxford. Tinuligsa niya ang kapangyarihan ng Santo
Papa at ng mga Obispo.
Ayon sa kanya, kinakailangang mamuhay ng simple ang mga pari. Iminungkahi niya
rin ang paggamit ng Bibliya bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Isinalin niya rin ang Bibliya sa wikang Ingles.
Ang tawag sa mga tagasunod niya ay Lollards.
15. Jan Huss
Isang pari sa Bohemia na naging rektor ng Unibersidad ng Praque. Sumuporta siya
sa mga arat at tuntunin ni Wycliffe.
Tinuligsa rin niya ang karangyaan ng mga pinuno ng simbahan at ang pagbebenta ng
indulhensiya at dahil dito pinatawag siya sa Konseho ng Constance upang bawiin
ang kanyang mga masamang sinabi.
Dahil sa kanyang pagtutol sa pagbabawi sa mga sinabi niya ukol sa simbahan,
itinuring siyang erehe at pinapatay sa paraan ng pagsunog.
18. Girolamo Savanarola
Isang mongheng Dominikano na tumuligsa sa labis na karangyaan ng mga
maharlikang mamamayan.
Dahil sa kanya, napaalis ang Pamilya Medica sa Italya.
Ang mga ari-arian ng mga mayayamang mamamayan ay sinunog.
Humina ang kanyang suporta dahil sa ginawang pagtuligsa kay Alexander VI , ang
Santo Papa.
19. Bonfire of the Vanities
Sila Savanorola at ang dalawang Dominicans ay tinuligsa at pinapahirapan hanggang
sila ay umamin.
Noong Mayo 23, 1498, sila ay ibinitin sa kadena sa taas ng siga sa Florence Plaza
della Signoria.
Ang paraan ng paghihirap na ito ay sinimulan ni savanorola noong siya pa ang
namumuno sa siyudad.
Ang kanilang bangkay ay isinunog sa apoy at tinapon sa Arno River para maiwasan
na silay panampalatayaan bilang mga martir.
22. King Henry VIII
Isa sa mga hayagang tumutol sa pagbili ng
Indulhensya
Tinuligsa ni Henry VIII sa pamamagitan ng
pagsulat ng polyero
Mga Asawa - anak
Catherine of Aragon Mary I aka Bloody Mary
Anne Boleyn Edward I ~ masakitin, namuno
hanggang 16 gulang
Jane Seymour Edward VI
Catherine Howard
Anne of Cleves
Catherine Parr
24. John Knox
Isang eskosyang ministro, teologo, at manunulat at ang lider ng protestanteng
repormasyon.
Nakulong ng mga pranses si Knox at pinatapon siya sa England nung kanyang
paglaya noong 1549.
Nang nakarating siya sa England, siya ay nagtrabaho sa simbahan ng England kung
saan na-promote siya para kay King Edward VII ng England bilang isang kapelyan.
sa England, nakilala at ikinasal niya ang kanyang unang asawa na si Margery Bowes.
25. John Knox
Sa Geneva, nakilala niya si John Calvin, siya ay nagkamit ng karanasan at kaalaman
ng teolohiyang reporma ng pamahalaan.
Nilikha niya ang isang bagong tawag ng serbisyo, na kung saan sa huli ay pinagtibay
ng nagbagong simbahan sa Scotland.
Nang kanyang pagbalik sa Scotland siya ang namuno ng repormasyong protestante
sa nasabing lugar.
29. Huldreich Zwingli
Itinuturing na tagapagtatag ng Protestantismo sa Switzerland.
Naging panuntunan niya ang kalayaan.
Hindi siya sumasangayon sa debosyon sa mga santo at sa pagbibigay ng malaking
kapangyarihan sa Papa at para sa kanya, ang Bibliya ang saligan ng pananampalataya
ng mga Kristiyano.
Namatay siya noong 1531 sa isang digmaan sa pagitan ng mga Protestante at
Katoliko.
31. John Calvin
Isang abogadong Pranses. Itinuturing siyang pinuno ng repormasyon sa Geneve.
Sa Paris, naimpluwensyahan siya ng mga pilosopiya ni Erasmus.
Sinulat niya ang Institutes of the Christian Religion na naging batayan ng mga
tuntunin ng Protestantismo.
34. Kontra- Repormasyon
Nagsimula ang Kontra Repormasyon ng mga pagbabago sa Simbahang Katoliko
upang masagot ang mga batikos ng mga Protestante at malunasan ang mga kahinaan
nito.
Si Papa Gregory VII (1037-1085), lalong kilala sa una niyang pangalang
Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan.
1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang
mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony - pagbebenta ng posisyon sa simbahan
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Catholic Reformation o Counter-Reformation ay isang malakas na kilusan ang
sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko.
35. Ingkisisyon
Isa rin sa mga instrumento ng Kontra repormasyon ay ang Ingkisisyon o
Inquisition, na itinuturing na isa sa mga madidilim na bahagi ng ksaysayan.
Noong 1542, itinatag ni Papa Pablo III ang Kongregasyon ng Ingkisisyon. Trabaho
nitong magsiyasat o mag-espiya sa mga taong hindi Katoliko ang pananampalataya,
tulad ng mga Protestante.
Bumuo din ito ng Index of Forbidden Books, na listahan ng mga aklat na laban sa
doktrina ng simbahan at ipinagbabawal na basahin ng mga Katoliko.
Maraming Protestante ang sinunog at pinarusahan dahil na rin sa ayaw nilang itakwil
ang kanilag relihiyon.
Sa kabilang banda, gumanti rin ang ilang Protestante sa mga Katolikong ayaw
yumakap sa kanilang relihiyon tulad ni Michael Servetus na noong 1553 ay sinunog
pagkatapos tumangging itakwil ang kanyang relihiyon ayon sa kagustuhan nina Henry
VIII at Elizabeth.
36. Konsilyo ng Trent
Ang Konsilyo ng Trent ay itinuturing na malaking hakbang sa Repormasyong
Katoliko na ipinatawag ni Papa Pablo III noong 1545.
Isinagawa ito ng Konsilyo ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita
(Society of Jesus).
Tumagal ang konsilyong ito hanggang 1564.
Nakabuo ito ng mga direkto para sa mga Katoliko at sa simbahan, tulad ng:
1. Ang kasulatan at tradisyon ay kapwa tanggap ng panggagalingan ng doktrinang
Katoliko
2. Itinuturing na mahalagang bahagi ng simbahan ng Banal na Misa, mga sakramento,
paggalang sa mga santo at iba pang doktrina
3. Ang pagtakda sa mataas na antas ng kasalan
37. Society of Jesus
Mahalagang papel ang ginampanan ng Society of Jesus sa Kontra Repormasyon.
Ito ay itinatag ni Ignatius of Loyola na isang dating sundalong nagdesisyong magkingkod sa
Diyos.
Nag-aral siya ng Teolohiya at Pilosopiya, at tinipon niya ang ilan sa mga marurunong sa
unibersidad na kinabibilangan niya na gaya na lamang ni St. Francis Xavier.
Itinatag nila ang Society of Jesus noong 1534.
Ang mga Hesita ay matatapang at matatalino, at nanguna sa mga gawain para sa Kontra
Repormasyon.
Ang kanilang pagsisiskap sa pagmimisyon ay nagresulta sa pagkakabawi sa pananampalataya
ng marami sa mga bansabg Bohemia, Hungary, Poland at iba pa para sa Simbahang Katoliko.
Nagtatag rin ang mga ito ng mga paaralan upang maituro ang aral ng katilisismo at mapatatag
amg simbahan.
39. Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging
mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko.
Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo,
at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang
Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante.
Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning
pangrelibhiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala
ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at
Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.
Ang pagpapanumbalik na espiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng
Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya.
40. Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisang bayan sa Europa na may relihiyong
Katoliko. Ang mga bayan ito ngayon ay nahahari sa pagitan ng mga Katoliko at mga
Protestante.
Nagkaroon ng maliit na sekta ng Kristiyanismo gaya ng Presbyterians, Puritians, at
Protestante.
Nagkaroon ng pagtatalaga ng mga pangunahing tuntunin sa simbahang Katoliko
gaya ng pananatiling matapat sa Diyos, hindi pag-aasawa ng mga pari o vow of
celibacy, pamumuhay ng simple o ang vow of poverty at pag-alis ng simony o
pagbibili ng mga tanggapan ng simbahan at ng Estado upang maiwasan ang
anumang katiwalian.
Pagkakaroon ng maraming digmaang panrelihiyon. Ito ay sa pagitan ng mga
Katoliko at mga Protestante sa Europa.
41. IBA PANG MGA DIGMAAN SA PAGITAN NG
MGA PROTESTANTE AT KATOLIKO
1. Digmaan ng Huguenots (1562-1598) na tumutukoy sa labanan sa pagitan ng mga Calvinistang
Pranses (Huguenot) at ng mga Haring Katoliko gaya nina Charles IX, Henry III at Catherine de
Medici. Ang mga Huguenot ay nagtagumpay sa labanang ito at pinahintulutan ni Henry IV na
magpatuloy sa relihiyon.
2. Digmaan ng Kalayaan ng Olandes (1568) na tumutukoy sa labanan sa pagitan ng mga
Olandes at ng mga Espanyol na noon ay pinamumunuan ni Philip II. Dahil sa ang Espanya ay
isang Katolikong bansa, pinigilan ni Philip II ang paglaganap ng Protestantismo sa Netherlands
na noon ay teritoryo ng Espanya. Ngunit sa pagpupumilit ng mga Olandes, nakamit nila ang
kanilang kalayaan hindi lamang sa pananampalataya kundi maging ang kalayaan ng kanilang
bansa.
3. Tatlumpung taong Digmaan (1618-1648) ang itinuturing na pinakamahalagang digmaang
panrelihiyon sa kasaysayan. Ang labanang ito na naganap sa pagitan ng mga Katoliko ng Espanya
at Pransya, at ng mga Protestante ng Denmark at Sweden ay winakasan sa Kasunduan ng
Westphalia na nagtalaga ng pagkakapantay ng dalawang relihiyon.