3. Mga Taong Naging Bahagi sa Buhay ni FrancisoBalagtas:
Francisco Balagtas dela Cruz
Juan Balagtas- ama
Juana dela Cruz- ina
Felipe Balagtas- kapatid
Concha Balagtas- kapatid
Nicolasa Balagtas- kapatid
Donya Trinidad- kamag-anak
4. Mga Taong Naging Bahagi sa Buhay ni Franciso Balagtas:
Padre Mariano Pilapil- guro
Magdalena Ana Ramos- unang babaeng
nakilala
Huseng Sisiw/ Jose dela Cruz- makata
Maria Asuncion Rivera- unang babaeng
minahal
Mariano Kapule- kaagaw kay Selya
Juana Tiambeng- asawa
Alferez Lucas- nagpakulong sa kaniya
5. Pagkakasunod-sunod ng Pangyayarisa Buhayni Francisco
Balagtas:
1799- lumuwas ng Maynila
1812- natapos niya ang Canones
1829- pumanaw si Huseng Sisiw
1838- natapos niya ang Florante at Laura
1840- nagsimulang manirahan sa Bataan
Hulyo 22, 1842- kinasal sila ni Juana
1860- nakalaya siya
Pebrero 20, 1862- pumanaw si Kiko
Mayo 15, 1892- nagkaroon ng sunog sa Bataan
at nasunog ang mga karamihan sa
gawa niya.
6. Talambuhay
Si Francisco Balagtas dela Cruz
ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa
Bulakan noong Abril 2, 1788. Noong
Abril 30, 1788 naman siya
bininyagan. Sina Juan Balagtas at
Juana dela Cruz naman ang mga
magulang nya at ang mga kapatid
nya ay sina Felipe, Concha at
Nicolasa.
7. Maikling Buodsa Buhay ni Franciso Balagtas:
Lumuwas ng Maynila
Nakikita nyang wala syang magandang
kinabukasan kung mananatili sa lalawigan
ng Panginay, lumuwas sya ng Maynila
upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral
nya. Hinanap nila ng kanyang ama ang
kanilang kamag-anak na si Donya Trinidad
doon sya pumasok bilang isang alilang
kanin/utusan.
8. Maikling Buodsa Buhay ni Franciso Balagtas:
Unang Pag-ibig
Nakadama ng pagpintig ng unang
pag-ibig si Kiko ng makilala nya si
Magdalena sa Tondo. Dahil dito ito
ang nagbungsod sa kanya na maging
makata/ manunulat dahil sa panahon
noon gawain ito ng mga lalaki na
mag-alay ng matamis na tula para sa
babaeng nililigawan nila.
9. At dito sya nagpagawa ng tula kay
Huseng Sisiw, pero hindi sya ginawa
nito at nangako sya sa sarili nya na
makakaya nya rin gawin ang kaya ni
Huseng Sisiw. At hindi nga sya
nabigo dahil kumalaunan sumikat din
sya at natalo nya si Huseng Sisiw.
10. Pag-ibig sa unang pagkikita
Habang namamasyal sa Ilog
Beata, may nakilala syang isang
babaeng nagngangalang Maria
Asuncion Rivera. Kapwa sila mahilig
sa sining, Si Maria ay sa musika at
mahusay tumugtog ng alpa
samantalang si Kiko naman ay
mahusay sa pagsusulat at pagbibikas
ng tula. Tinawag nyang Selya si Maria
dahil mahilig ito sa musika.
11. Mahigpit na kaagaw
Maganda si Maria kaya hindi
nakakapagtaka na magkaroon
sya ng maraming tagahanga at
isa na rito si Mariano Kapule
isang mayaman at mahipit na
kaagaw nya kay Selya. Sa isang
pagtitipon noon, si Selya ay
tumugtog ng alpa at umawit.
12. Dali-dali namang gumawa si Kiko ng
tula na buong puso nyang inihadog
kay Selya. Samantalang, si Kapule
naman ay nagplaplano na kung
paano mawawala sa landas nya si
Kiko at gamit ang salapi naipakulong
nya si Kiko. At dahil dito ngawa nya
ang Florante at Laura.
13. Kabiyak ng Dibdib
Lumipas ang ilang taon, nakalaya
si Kiko. May isang alok na dumating
sa kanya na puwesto ng isang
katulong sa tanggapan ng hukom
pamayapa sa Bataan. Tinanggap ni
Kiko ang alok at dito nya nakilala si
Juana Tiambeng. Niligawan nya ito at
hindi naman sya nabigo, naging
magkasintahan sila.
14. Sa una, tumutol ang mga magulang ni
Juana dahil sa agwat nila ni Kiko pero
kumalaunan tinanggap nila rin si Kiko at
naging mag-asawa sila at nagkaroon ng
mga anak. Nang tumagal, sinampahan sya
ni Alferez Lucas at syang nakulong uit. Sa
dami ng paglilitis, naubos ang pera nila
Juana at naghirap sila. Lumipas ang ilang
taon, nakalaya si Kiko. Noong Pebrero 20,
1862 namatay si Kiko sa taong 74.
17. Ang kuwento ng Florante at Laura ay
nagsisimula sa isang madilim na gubat sa
may dakong labas ng bayang Albanya,
malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang
nakataling Florante na inusig ng
masamang kapalaran. Ang mga gunita
niya ay naglalaro sa palagay niya ay
nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang
nasawing ama, at kahabag-habag na
kalagayan ng bayan niyang mahal.
18. Sa gubat ay nagkataong may
naglalakad na isang Moro na
nagngangalang Aladin. Narinig niya
ang tinig ni Florante at dali-dali niya
itong tinunton. Dalawang leon ang
handang sumakmal sa lalaking
nakatali. Pinatay ni Aladin ang
dalawang mababangis na hayop at
kanyang kinalagan at inalagaan si
Florante hanggang sa muling
lumakas.
19. Ikinuwento ni Florante ang
kanyang buhay. Siya ay anak nina
Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Muntik na siyang madagit ng
buwitre at iniligtas siya ng kanyang
pinsang si Menalipo na taga-Epiro.
Sinambilat ng isang halkon ang
kwintas niyang diyamante.
20. Pinadala siya ng kanyang ama sa
Atena upang mag-aral sa ilalim ng
gurong si Antenor. Natagpuan niya
doon ang kanyang kababayang si
Adolfo na kanya ring lihim na kaaway.
Iniligtas siya ni Menandro sa mga
taga ni Adolfo nang minsang
magtanghal sila ng dula sa kanilang
paaralan. Tapos ay nakatangap si
Florante ng liham tungkol sa
pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
21. Pagkabalik niya sa Albanya
kasama ang matalik niyang kaibigang
si Menandro, pinatay niya si Heneral
Osmalik na kumubkob sa Krotona.
Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa
labimpitong kahariang di-pa-binyagan
matapos niyang iligtas si Laura sa
hukbo ni Aladin na umagaw sa
Albanya nang siya’y nakikipaglaban
sa ibang bayan.
22. Natalo din niya ang Turkong
hukbo ni Miramolin at iba pa.
Nagwakas ang kanyang
pagsasalaysay sa pandarayang
ginawa sa kanya ni Adolfo
matapos kunin ang trono ng
Albanya at agawin sa kanya si
Laura.
23. Nagpakilala ang Moro na siya’y
si Aladin, kaaway na mahigpit ng
relihiyong Kristiyano at ng bayan
ni Florante. Ang kanyang
kapalaran ay sinlagim ng kay
Florante. Inagaw sa kanya ng
kanyang amang si Sultan Ali-
Adab ang kanyang kasintahang si
Flerida.
24. Pagkatapos ng pagsasalaysay ay
narinig nila ang dalawang tinig na
nag-uusap. Tumayo ang dalawang
lalaki at nakita nila sina Laura at
Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y
tumakas sa Persya upang hanapin si
Aladin at nang mapagawi siya sa may
dakong gubat ay nasumpungan niya
si Laura na ibig gahasain ni Adolfo,
pinana niya ito at naligtas si Laura sa
kamay ng sukab.
25. Ikinuwento ni Laura ang
paghuhuwad ni Adolfo sa
lagda ng kanyang ama upang
madakip si Florante.
Isinalaysay niya ang pamimilit
ni Adolfo sa kanya at
pagdadala sa gubat.
26. Sa ganoon ay nabatid nina
Florante at Aladin na ang kani-
kanilang mga katipan ay pawang
tapat sa kanila. Sina Florante at Laura
ay matagumpay na naghari sa
Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at
pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay
naghari sa Persya.