2. Maliban sa iba pang larangan, ang retorika
ay mahigpit na nauugnay sa gramatika. Kung
tutuusin, hindi maaaring paghiwalayin ang
dalawa. Ang isang retorikal na diskurso kasi
ay kailangang magtaglay ng at least
dalawang salalayang katangian:
pagkamasining at kawastuhang gramatikal.
3. Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay
sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang
angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong
ipapahayag.
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na
bibig ng bulkan.
b. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na
bunganga.
c. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong
dating na bisita.
d. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
4. Tandaan din na sa ating wika ay maraming
salita na maaaring pare-pareho ang
kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak
na gamit sa pahayag.
Halimbawa:
Bundok, tumpok, pumpon, salansan,
tambak
Kawangis, kamukha, kahawig
Samahan, sabayan, saliwan, lahukan
Aalis, yayao, lilisan
6. May mga pagkakaton din na kinakailangang
gumamit ng eupemismo o paglumanay sa
ating pagpapahayag kahit na may mga
tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa:
namayapa sa halip na namatay
palikuran sa halip na kubeta
Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
7. a. Nang at Ng
1. Ang nang ay karaniwang ginagamit na
pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at
ito ang panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
- Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa
eksam.
- Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay
8. 2. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan
ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at
ng panuring ito.
Halimbawa:
- Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
- Nangaral nang mahinahon si G. Morales.
- Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
9. 3. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang
salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.
Halimbawa:
- suklay nang suklay
- mag-ipon nang mag-ipon
- nagdasal nang nagdasal
10. 4. Ang ng ay ginagamit na pananda sa
tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
- Nag-aaral siya ng leksyon.
- Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang
anak.
- Nagtanim ng palay ang magsasaka.
11. 5. Ang ng ay ginagamit na pananda ng
actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig
balintiyak.
Halimbawa:
- Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
- Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
- Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa guro.
12. 6. Ang panandang ng ay ginagamit kapag
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian.
Halimbawa:
- Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang
buwayang politico.
- Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.
- Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng
mapapait na alaala sa mga Batanggeno.
18. Punan ng wastong salita ang patlang.
a. Bumili siya _____ bulaklak kanina.
b. Nanilbihan siya ____ mapasagot niya
si Elma.
c. Tumakbo ako ____ mabilis para
umabot sa klase.
d. Sayaw ____ sayaw ang bibong bata.
e. Pudpod na ang tsinelas ____ bata.
f. ____ dahil sa iyo, ako ay napahamak.
ng
ng
nang
nang
nang
Nang
19. b. Kung at Kong
1. Ang kung ay pangatnig na panubali at itoy
ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
- Malulutas ang mga problema ng bayan nating kung
isasantabi ng mga politiko ang kanilang pamumulitika.
- Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga
magulang.
Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-
away ng iyong kaibigan.
20. 2. Ang kong ay nanggaling sa panghalip na
panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.
Halimbawa:
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo
munang tulungan ang iyong sarili.
Maaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong
kaibigan
21. C. May at Mayroon
1. Ginagamit ang May kapag sinusundan ng
pangngalan.
Hal:
Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.
May virus ang nahiram niyang USB.
Habang may buhay ay may pag-asa.
22. C. May at Mayroon
2. Ginagamit ang May kapag sinusundan ng
pandiwa.
Hal:
May pupuntahan ka ba mamaya?
May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
May nakita siyang nakakapanghilakbot na pangitain
kagabi.
23. C. May at Mayroon
3. Ginagamit ang May kapag sinusundan ng
pang-uri.
Hal:
May mahabang buhok si Olga.
May bagong cellphone si Aldrin.
Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.
24. C. May at Mayroon
4. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng
panghalip na panao sa kaukulang paari.
Hal:
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
Ang mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila nang
buhay.
Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
25. C. May at Mayroon
5. Ang mayroon ay ginagamit kapag may
napapasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito.
Hal:
Mayroon pa bang natirang ulam?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad
ni Joseph.
26. C. May at Mayroon
6. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa
tanong.
Hal:
May pasok ba tayo? Mayroon.
May maaasahan ba akong tulong sa kanya? Mayroon po.
May takdang-aralin ka ba? Mayroon po.
27. C. May at Mayroon
7. Ang mayroon ay ginagamit kung
nangangahulugan ng pagkamaykaya sa buhay.
Hal:
Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores.
Si Norberto ay nagpapanggap na mayroon sa kanilang
lalawigan.
Iniiwasan kong makibarkada sa mga mayroon sa aming
paaralan, dahil akoy isang mahirap lamang.
28. D. Subukin at Subukan
1. Ang subukin ay nangangahulugan ng
pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Hal:
Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Subukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalungsod.
29. D. Subukin at Subukan
1. Ang subukan ay nangangahulugan ng
pagtingin upang malaman ang ginawa ng
isang tao o mga tao.
Hal:
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Ani ni Erap noon, Wag nyo akong subukan!.
Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya
sa kanyang paroroonan.
30. E. Pahirin at Pahiran
1. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-
alis o pagpawi ng isang bagay.
Hal:
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.
31. E. Pahirin at Pahiran
2. Ang pahiran ay nangangahulugan ng pag-
lagay ng isang bagay.
Hal:
Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong
bago.
Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya.
32. F. Punasin at Punasan
1. Ang punasin ay ginagamit kapag
binabanggit ang bagay na tinatanggal.
Hal:
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
33. F. Punasin at Punasan
2. Ang punasan ay ginagamit kapag ang
binabanggit ay ang bagay na pinagtanggalan
ng kung ano man.
Hal:
Punasan mo ang mesa.
Punasan mo ang iyong noo.
34. G. Operahin at Operahan
1. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na
bahaging tinitistis.
Hal:
Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.
35. G. Operahin at Operahan
2. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi
ang bahagi ng kanyang katawan.
Hal:
Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag.
Inoperahan na si Luisa kahapon.
Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng Makati.
36. G. Napakasal at Nagpakasal
Ginagamit ang napakasal kapag ang
tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang-
dibdib ng dalawang nilalang na
nagmamahalan.
Hal:
Napakasal na nga ba kayo ng kasintahan mo?
Si Janet ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan.
37. G. Napakasal at Nagpakasal
Ang nagpakasal ay tumutukoy sa sa taong
naging punong-abala o siyang nangasiwa
upang makasal ang isang lalaki at babae.
Hal:
Ang mag-asawa ay nagpakasal ng kanilang panganay na anak.
Ang mga kapitbahay na matulungin ang nagpakasal sa maralitang
sina Nirina at Ronnie.
38. H. Din at Rin, Daw at Raw
1. Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
Hal:
Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.
Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
pamantasan.
May bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod.
39. H. Din at Rin, Daw at Raw
2. Ang din at daw ay ginagamit kung ang
salitang ay nagtapos sa katinig at maliban sa
w at y.
Hal:
Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
Nakapagsulat din ng aklat si Perla.
43. I. Sila at Sina, Kina at Kila
1. Ang sila ay panghalip paano samantalang ang
sina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na
panandang pangkayarian.
Hal:
Mali: Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Tama: Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Mali: Sila Jun at Emma ay nanalo sa timpalak.
Tama: Sina Jun at Emma ay nanalo sa timpala
Tama: Sila ay mabubuting anak.
Tama: Nanalo sila sa timpalak.
44. I. Sila at Sina, Kina at Kila
1. Ang kina ay panandang pangkayarian sa
pangngalan katulad ng sina.Walang salitang kila
sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay
karaniwang pagkakamali.
Hal:
Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
45. J. Pinto at Pintuan
1. Ang pinto ay bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
2. Ang pintuan ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito
rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang
pinto.
Hal:
Isinara niya ang pinto upang hindi pumasok ang lamok.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kayat hindi
niya maisara ang pinto.
46. K. Hagdan at Hagdanan
1. Ang hagdan ay baytang na inaakyatan at
binababaan sa bahay/gusali.
2. Ang hagdanan ay bahagi ng bahay na
kinalalagyan ng hagdan.
Hal:
Mabilis niyang inakyak ang hagdan upang marating ang klinika.
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho
ang hagdan niyon matapos ang lindol.
47. L. Iwan at Iwanan
1. Ang iwan ay nangangahulugang huwag
isama/dalhin.
2. Ang iwanan ay nangangahulugang bibigyan ng
kung ano ang isang tao.
Hal:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay nyo.
Iwanan mo ako ng pera pambili ng pananghalian.
48. M. Sundin at Sundan
1. Ang sundin ay nangangahulugang sumunod sa
payo o pangaral.
2. Ang sundan ay nangangahulugang gayahin ang
ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Hal:
Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw
mong maligaw ng landas..
Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong
matuto ng pagluluto ng paella.
49. N. Tungtong, Tuntong at Tunton
1. Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
2. Ang tuntong ay pagyapak sa ano mang bagay.
3. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng
ano mang bagay.
Hal:
Hindi makita ni Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.
50. . Dahil sa at Dahilan sa
1. Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng
pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari.
2. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay pangngalan
mismo.
Hal:
Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa
panuto.
Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating
magkakaibigan.
51. NG. Kung di , Kungdi at Kundi
1. Ang kung di ay pinaikling kung hindi.
2. Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang
salitang ganito.
3. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung di
Hal:
Kung di ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie.
Hindi ka sana nakapagtrabaho kung di dahil sa iyong kaibigang
pinagtaksilan mo ngayon.
Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado
lamang.