2. Retorikal na Pang-ungnay
Ang pag-uugnayan ng ibat ibang bahagi ng
pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang
pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap
o bahagi ng teksto.
Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay
kadalasang kinakatawan ng pang-angkop,
pang-ukol, at pangatnig.
3. Retorikal na Pang-ungnay
1. Pang-angkop
Ito ay mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan.
Ito ay nagpapaganda o nagpapadulas sa
pagbigkas ng mga pariralang
pinaggagamitan.
4. Retorikal na Pang-ungnay
1. Pang-angkop
May dalawang uri ng pang-angkop
1. Pang-angkop na na
Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig ( consonant) maliban sa
n.
Hindi ito isinusulat na nakadikit sa unang
salita.
5. Retorikal na Pang-ungnay
1. Pang-angkop
May dalawang uri ng pang-angkop
1. Pang-angkop na na
Inihiwalay ito .
Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mahal na hari
6. Retorikal na Pang-ungnay
1. Pang-angkop
May dalawang uri ng pang-angkop
2. Pang-angkop na -ng
Ang pang-angkop na ng ay ginagamit kapag
ang unang salita ay nagtatapos sa patinig
(vowels).
Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
7. Retorikal na Pang-ungnay
1. Pang-angkop
May dalawang uri ng pang-angkop
2. Pang-angkop na -ng
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos
sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang ng
Halimbawa : huwarang pinuno
8. Retorikal na Pang-ungnay
2. Pang-ukol
Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap.
Narito ang mga parirala/katagang malimit na
gamiting pang-ukol.
9. Retorikal na Pang-ungnay
2. Pang-ukol
Narito ang mga parirala/katagang malimit na
gamiting pang-ukol.
sa ayon sa /kay
ng hinggil sa/ kay
kay/kina ukol sa/ kay
alinsunod sa/kay para sa/kay
laban sa/kay tungkol sa/ kay
10. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
1. Pangatnig na pandagdag
Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng
impormasyon.
Halimbawa: at, pati
11. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
2. Pangatnig na pamukod
Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni, maging
12. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
3. Pagbibigay sanhi/dahilan
Nag-uugnay ng mga lipon ng salitang
nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng
kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
13. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
4. Paglalahad ng bunga o resulta
Nagsasaad ng kinalabasan o resulta.
Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman
14. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
5. Pagbibigay ng kondisyon
Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
15. Retorikal na Pang-ungnay
3 . Pangatnig
Mga salita/katagang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay
6. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat
Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagamat
16. Sangguniang Aklat
Baisa-Julian, Ailene G., et al. Pinagyamang Pluma 7
Ikalawang Edisyon ( Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., 2018.