2. Sa paglulunsad ng 2002 Basic Education Curriculum (BEC) ng DepEd, iminungkahi ang apat na paraan (mode) ng integrasyon. Dito nabibilang ang mga sumusunod: Content- based instruction (CBI); Focusing Inquiry; Generic Competency Based Model Thematic Teaching
3. Content- Based Instruction Sa pamamagitan ng paggamit nito, naisasagawa ng guro ang integrasyon sa partikular na nilalaman ng instruksyon sa layunin ng pagtuturo ng wika. Sa paggamit ng CBI, ang nilalaman (content) ang nagoorganisang prinsipyo at ang istraktura ng wika, bokabularyo at paggamit ay pinipili naman ng guro.
4. Sa CBI, ang itinuturong wika ay behikulo sa pagtuturo ng Paksang Aralin kaysa sa pagiging pangunahing pakay sa pag-aaral. Sa ganitong paraan ang mga magaaral ay di lamang nagkakaroon ng kagalingan sa wika kundi gayundin sa pagkakaroon ng kasanayan na pawang kailangan sa pagkakaroon ng tagumpay na pang akademiko.
5. Focusing inquiry -maisasagawa ang integrasyon sa pagpokus sa prosesong pagsiyasat, ang lohikal at siyentipikong paraan sa pagtalakay ng mga aralin. Sa prosesong pagsiyasat higit na nangangailangan ang mga mag-aaral ng maraming datos sa ibang larangan ng kaalaman.
6. Generic Competency Model Sa modelong ito, nabibigyanang mga magaaral ng pagkakataon na mapag-aralan ang 3 o 4 na sangay na aralin. Ang ugnayan ng mga aralin na nababatay sa mga kakayahang heneratibo (generative competencies).anupat sa paggamitng generic competency- based model madaling makalilipat o makababagtas mula sa 1 disiplina patungo sa ibang disiplina.
7. Tipikal na halimbawa ay ang MAKABAYAN, kung saan ang mga kakayahan o competencies ay maipapangkat sa tatlo. Personal na debelopment, kakahayang panlipunan, kasanayan sa paggawa.