1. Walang bagyong ulan sa gitnang disierto,
Buhanging nakabubulag lang at walang patid na
uhaw,
Kalakip pa nito ay apatnapung taong lumbay
Itong lahat ng panahon ng Lumang Tipan.
Mga Israelita’y bugbog perwisyo
Mula Ehipto hanggang bagong bayan,
Ngunit sa gitna ng kayraming delubyo
Sila ay naging mapaghintay.
Di agad nainip
kundi nagdasal,
Hindi bumitiw kundi naintindihan,
Kaya naman sa kanilang karamihan
Ang ating Mesias ay ibinigay.
FROM GENE PAGKANLUNGAN’S POETRY.