3. Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng
Malolos na sinulat ng 1889, ipinahahayag ni Jos辿
Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa
katapangang ipinamalas ng mga ito sa
pagsusulong ng karapatan sa edukasyon isang
di-karaniwang hakbang sa maraming kababaihan
sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal, namulat
siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay
katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng
bayan.