際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
SAAN KO MATATAGPUAN ANG LANGIT
NI: KIMBERLY PEROLINO DAELTO
Marahang tumulo ang luha ni Sam nang maramdaman na niya ang lamig ng hangin, nang
namasdan niya ang huling sulyap ng araw sa kanluran. Lulan sa isang bintana, malungkot niyang
tiningnan ang nagwas sa sampayan. Ang damit na iyon ang tanging alaala ng kanyang ina. Ang
inang lailanmay hindi niya nakita.
Mulat na walang magulang si Sam. Naghiwalay raw ang mga magulang nito mula nang isilang
siya. Ang ama raw niya ay patay na at hindi nya alam kung nasaan na ang kanyang ina. Tanging
ang lolot lola lang ang kanyan kinalakihang pamilya. Kwento ng lanyang lola, umalis daw ang
ina nya noong maliit pa lamang siya at kailanmay hindi na nagbalik.
Lumaki si Sam na mabait na apo. Maayos siyang pinalaki, walang kiming ibinigay ng lolot lola
niya ang mga luho nito. Halata naman maykaya sila sa buhay. Ngunit dumating ang panahon na
kapwa lolot lola niya ay nagkasakit. Ang lahat ng kayamanan nila ay naibenta para ipambili ng
gamut na mga ito. Lahat ng kanilang mga negosyo ay nalugi dahil wala na ang mamamahala rito
dahil bata pa si Sam ng mga panahon na iyon. Hindi nag laon ay namatay na ang lolot lola ni
Sam. Masakit sa loob ni Sam ang nangyari. Tanging ang bahay at kaunting lupa lamang ang
naiwan sa dalaga.
Sa pagdaan ng panahon, pilit binangon ni Sam ang sarili sabay sa pitang Makita ang ina. Ngunit
sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi maiwasang maghirap ang kalagayan nya. Naranasan niya
ang di mabilang na mga pagsubok sa buhay. Upang makapag-aral sa kolehiyo, pilit niyang
sinanay ang sarili sa mga gawaing makukunan ng pera, pumasok bilang katulong, nagbenta ng
kung anu-ano hanggang mabigyan ng oportunidad na makapasok sa isang unibersidad ang dalaga
bilang working scholar.
Sam! Tulungan mo naman ako rito, ang sakit na ng mga kamay ko kakukuskos sa mga mantas
ng mga damit na ito ang sabi ng kaibigan niyang si Rose.
hay naku ituloy mo na lang yan. Saglit lang akong nawala at reklamo ka na agad ng reklamo,
sagad-sagarin mo na ang pagtulong mo, minsan mo na nga lang akong tulungan puno ka pa ng
reklamo ang patawang sagot ni Sam sabay punas ng luhang tumulo sa kanyang mga pisnge.
Umiiyak ka ba friendship?
Hindi na talaga mapigil ang mga luha ni Sam na nasa kaniyang mga mata. Maluha-luha itong
nagsalita, kailan kaya matatapos ang paghihirap na nararanasan ko?
tahan na Sam, sagot ni Rose sabay yakap sa kaibingan. alam kong malapit na iyon. Mabait
ang Diyos dib a? tingnan mo nga yang sarili mo, malakas ka at malusog. Halata na di ka
pinapabayaan ng Diyos. Ang kulang sayo ay tiwala sa sarili. Alam kong malayo ang mararating
mo. Naku, tama na nga ang drama. Ang dapat nating gawin ngayon ay banlawan at isampay na
itong mga nalabhan natin para matuyo bukas.
Salamat Rose ha, pinapagaan mo talaga ang loob ko. Hayaan mo bibigyan kita ng share sa
pagtulong mo sa paglaba.
Tumahimik ka na nga, kung ako sayo itabi mo na lang ang perang makukuha mo sa paglalaba
para may magamit ka sa oras na kailangan mo. Sabi ni Rose.
Pagkaumaga ay pumasok agad si Sam sa eskwelahan at doon ay nakilala niya si Don. Ang
lalaking magpapatibay sa loob nya, ang lalaking makakasama nya sa oras na walang sinuman
ang nais na ramayan sya sa problemang hinaharap nya sa buhay. Pareho silang working scholar
sa unibersidad na pinapasokan nila. Ngunit mas unang makapagtatapos ng pag-aaral si Don
sapagkat sya ay Graduating na ngayong taon. Maganda ang samahan nila ni Don. Parati silang
magkasama at nagtutulungan sila sa mga gawain sa school. Lumipas ang isang taon na ganoon
ang samahan nilang dalawa at malapit nang grumaduate si Don sa kolehiyo. Ang kaibigan niyan
si Rose ay hindi na niya nabibigyan ng oras upang makasama at makahalobilo. Di naiwasang
magkaroo nang sama ng loob sa kanya si Rose sapagkat sila ang parating magkasama noong
wala pang nobyo si Sam. Nagtanim ng galit si Rose kay Sam na hindi napansin ni Sam sapagkat
ang akala niya ay ok ang samahan nilang magkaibigan.
Sam! Labas naman tayo minsan! Abala ka na kasi parati. Sabi ni Rose.
Alam mo naman ang sitwasyon ko Rose di ba? Sagot ni Sam.
Ah, okay lang. ganyan ka naman silmula noong nagging kayo ni Don. Sambit pa ni Rose.
Wag ka naman ganyan, Rose. Sabi ni Sam.
At umalis si Rose ng nakasimangot.
Nagtanim ng galit si Rose sa kaibigan at nag isip ng plano upang magkalayo ang loob nila ni
Don. Nagpunta si Rose sa lugar kung saan tumatambay si Don at inaya niya itong lumabas dahil
mukhang nawawalan na ng oras si Sam sa lalaki. Agad naman pinaunlakan ni Don ang paanyaya
ni Rose. Lumabas sila bilang magkaibigan. Napapadalas ang paglabas nila sapagkat abalang
abala si Sam sa mga gawain sa eskwelahan sapagkat sya ay malapit ng grumaduate. Sa di
inaasahan pagkakataon ay nagkapalagayan na ng loob sina Rose at Don. Lumabas sila kasama
ang iba pang mga kaibigan para mag-inom. May naghatid ng balita kay Sam na iba ang kilos ng
kanyang nobya sa kaibigang si Rose. At di nya ito pinakinggan dahil may tiwala raw sya sa
dalawa. At di kalaunan ay nagbunga nga ang sekretong pagmamahalan ng dalawa.
Patawad, Sam ang tanging nasabi ni Rose.
Wag ka na magsalita, Rose. Ayokong maging malungkot ang araw ng aking pagtatapos sambit
nang maluha-luhang si Sam.
DI ko na nais pang Makita kayong dalawa. Makakaalis ka na, si ko nais na mawalan ng ina ang
batang dinadala mo.. wag mong pababayaan ang batang yan dahil di ko nais na maranasan niya
ang naranasan ko. Paalam na, Rose. Dugtong pa ni Sam.
Saaamm. Ang huling tawag na magagawa ni Rose.
Nakapagtapos nga ng pag aaral si Sam at naging maayos ang buhay ngunit di mawawala sa
kanyang isipan ang mga pinagdaanan nya sa buhay. Lahat ng pinahalagahan nya ay iniwan siya.
Di maalis sa puso nya na nagtaksil ang kanyang pinakamamahal na lalaki na akala nyay
makaksama nya buong buhay at ang kanyang kaybigan na mula pa noon ay palagi na silang
magkasama.
Pinagpatuloy na lamang ni Sam ang buhay na mag isa at nangangarap na Makita nag ina at may
darating pang magmamahal sa kanya..

More Related Content

Saan Ko Matatagpuan ang Langit - Kimberly P. Daelto

  • 1. SAAN KO MATATAGPUAN ANG LANGIT NI: KIMBERLY PEROLINO DAELTO Marahang tumulo ang luha ni Sam nang maramdaman na niya ang lamig ng hangin, nang namasdan niya ang huling sulyap ng araw sa kanluran. Lulan sa isang bintana, malungkot niyang tiningnan ang nagwas sa sampayan. Ang damit na iyon ang tanging alaala ng kanyang ina. Ang inang lailanmay hindi niya nakita. Mulat na walang magulang si Sam. Naghiwalay raw ang mga magulang nito mula nang isilang siya. Ang ama raw niya ay patay na at hindi nya alam kung nasaan na ang kanyang ina. Tanging ang lolot lola lang ang kanyan kinalakihang pamilya. Kwento ng lanyang lola, umalis daw ang ina nya noong maliit pa lamang siya at kailanmay hindi na nagbalik. Lumaki si Sam na mabait na apo. Maayos siyang pinalaki, walang kiming ibinigay ng lolot lola niya ang mga luho nito. Halata naman maykaya sila sa buhay. Ngunit dumating ang panahon na kapwa lolot lola niya ay nagkasakit. Ang lahat ng kayamanan nila ay naibenta para ipambili ng gamut na mga ito. Lahat ng kanilang mga negosyo ay nalugi dahil wala na ang mamamahala rito dahil bata pa si Sam ng mga panahon na iyon. Hindi nag laon ay namatay na ang lolot lola ni Sam. Masakit sa loob ni Sam ang nangyari. Tanging ang bahay at kaunting lupa lamang ang naiwan sa dalaga. Sa pagdaan ng panahon, pilit binangon ni Sam ang sarili sabay sa pitang Makita ang ina. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi maiwasang maghirap ang kalagayan nya. Naranasan niya ang di mabilang na mga pagsubok sa buhay. Upang makapag-aral sa kolehiyo, pilit niyang sinanay ang sarili sa mga gawaing makukunan ng pera, pumasok bilang katulong, nagbenta ng kung anu-ano hanggang mabigyan ng oportunidad na makapasok sa isang unibersidad ang dalaga bilang working scholar. Sam! Tulungan mo naman ako rito, ang sakit na ng mga kamay ko kakukuskos sa mga mantas ng mga damit na ito ang sabi ng kaibigan niyang si Rose. hay naku ituloy mo na lang yan. Saglit lang akong nawala at reklamo ka na agad ng reklamo, sagad-sagarin mo na ang pagtulong mo, minsan mo na nga lang akong tulungan puno ka pa ng reklamo ang patawang sagot ni Sam sabay punas ng luhang tumulo sa kanyang mga pisnge. Umiiyak ka ba friendship? Hindi na talaga mapigil ang mga luha ni Sam na nasa kaniyang mga mata. Maluha-luha itong nagsalita, kailan kaya matatapos ang paghihirap na nararanasan ko?
  • 2. tahan na Sam, sagot ni Rose sabay yakap sa kaibingan. alam kong malapit na iyon. Mabait ang Diyos dib a? tingnan mo nga yang sarili mo, malakas ka at malusog. Halata na di ka pinapabayaan ng Diyos. Ang kulang sayo ay tiwala sa sarili. Alam kong malayo ang mararating mo. Naku, tama na nga ang drama. Ang dapat nating gawin ngayon ay banlawan at isampay na itong mga nalabhan natin para matuyo bukas. Salamat Rose ha, pinapagaan mo talaga ang loob ko. Hayaan mo bibigyan kita ng share sa pagtulong mo sa paglaba. Tumahimik ka na nga, kung ako sayo itabi mo na lang ang perang makukuha mo sa paglalaba para may magamit ka sa oras na kailangan mo. Sabi ni Rose. Pagkaumaga ay pumasok agad si Sam sa eskwelahan at doon ay nakilala niya si Don. Ang lalaking magpapatibay sa loob nya, ang lalaking makakasama nya sa oras na walang sinuman ang nais na ramayan sya sa problemang hinaharap nya sa buhay. Pareho silang working scholar sa unibersidad na pinapasokan nila. Ngunit mas unang makapagtatapos ng pag-aaral si Don sapagkat sya ay Graduating na ngayong taon. Maganda ang samahan nila ni Don. Parati silang magkasama at nagtutulungan sila sa mga gawain sa school. Lumipas ang isang taon na ganoon ang samahan nilang dalawa at malapit nang grumaduate si Don sa kolehiyo. Ang kaibigan niyan si Rose ay hindi na niya nabibigyan ng oras upang makasama at makahalobilo. Di naiwasang magkaroo nang sama ng loob sa kanya si Rose sapagkat sila ang parating magkasama noong wala pang nobyo si Sam. Nagtanim ng galit si Rose kay Sam na hindi napansin ni Sam sapagkat ang akala niya ay ok ang samahan nilang magkaibigan. Sam! Labas naman tayo minsan! Abala ka na kasi parati. Sabi ni Rose. Alam mo naman ang sitwasyon ko Rose di ba? Sagot ni Sam. Ah, okay lang. ganyan ka naman silmula noong nagging kayo ni Don. Sambit pa ni Rose. Wag ka naman ganyan, Rose. Sabi ni Sam. At umalis si Rose ng nakasimangot. Nagtanim ng galit si Rose sa kaibigan at nag isip ng plano upang magkalayo ang loob nila ni Don. Nagpunta si Rose sa lugar kung saan tumatambay si Don at inaya niya itong lumabas dahil mukhang nawawalan na ng oras si Sam sa lalaki. Agad naman pinaunlakan ni Don ang paanyaya ni Rose. Lumabas sila bilang magkaibigan. Napapadalas ang paglabas nila sapagkat abalang abala si Sam sa mga gawain sa eskwelahan sapagkat sya ay malapit ng grumaduate. Sa di inaasahan pagkakataon ay nagkapalagayan na ng loob sina Rose at Don. Lumabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan para mag-inom. May naghatid ng balita kay Sam na iba ang kilos ng kanyang nobya sa kaibigang si Rose. At di nya ito pinakinggan dahil may tiwala raw sya sa dalawa. At di kalaunan ay nagbunga nga ang sekretong pagmamahalan ng dalawa. Patawad, Sam ang tanging nasabi ni Rose. Wag ka na magsalita, Rose. Ayokong maging malungkot ang araw ng aking pagtatapos sambit nang maluha-luhang si Sam. DI ko na nais pang Makita kayong dalawa. Makakaalis ka na, si ko nais na mawalan ng ina ang
  • 3. batang dinadala mo.. wag mong pababayaan ang batang yan dahil di ko nais na maranasan niya ang naranasan ko. Paalam na, Rose. Dugtong pa ni Sam. Saaamm. Ang huling tawag na magagawa ni Rose. Nakapagtapos nga ng pag aaral si Sam at naging maayos ang buhay ngunit di mawawala sa kanyang isipan ang mga pinagdaanan nya sa buhay. Lahat ng pinahalagahan nya ay iniwan siya. Di maalis sa puso nya na nagtaksil ang kanyang pinakamamahal na lalaki na akala nyay makaksama nya buong buhay at ang kanyang kaybigan na mula pa noon ay palagi na silang magkasama. Pinagpatuloy na lamang ni Sam ang buhay na mag isa at nangangarap na Makita nag ina at may darating pang magmamahal sa kanya..