1. SAVE SIERRA MADRE NETWORK ALLIANCE
OFM Provincial House 69 San Pedro Bautista Street, SFDM, Q.C.
Tel: 373-2973 Fax: 3732972 Email: savesierram@yahoo.com
Facebook: Save Sierra Madre / Twitter: follow us @savesierramadre
Website: www.savesierramadre.ph CP: 09178782343/09291339280
SAVE SIERRA MADRE
NETWORK Sagipin ang Sierra Madre!
(SEC Reg. No. CN201004940)
Pahayag ng Save Sierra Madre Network Alliance sa Save Sierra Madre Day
Board of Directors September 26, 2009 nang binulagta tayong lahat ng Ondoy. Ang bugso ng tubig
ay galing sa Marikina Watershed na sirang sira na dahil sa pagkakahoy,
FR. PEDRO V. MONTALLANA, quarrying, pagmimina, golf courses at mga di-makakalikasang pagpapatayo ng
OFM
Chairperson pabahay, at iba pang gusali.
TRIBAL GOV. NAPOLEON Salamat sa pagdeklara ng Presidente na ang September 26, 2011 ay Save
BUENDICHO Sierra Madre Day para mamulat ang mga tao sa pag-aalaga ng bundok. Ngunit
Vice Chair ang dapat unang mamulat ay ang Department of Enegy and Natural Resources
(DENR) sapagkat sa halip na mag-alaga ng kalikasan, ito pa ang sanhi ng
DR. DONNA PAZ T. REYES pagkasira nito.
PH.D.
Secretary Nakipag-ugnay na ang Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA) sa DENR
ngunit sa halip na aksyunan ang aming mga nireklamo, pinrotektahan pa nito
FR. BIENVENIDO MIGUEL ang mga opisyales ng DENR na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin sa
Treasurer Casiguran, San Luis at Dingalan ng lalawigan ng Aurora; DRT, Bulacan boundary
ng Nueva Ecija.
Board Members:
Ang logging moratorium ay sa papel lamang. Tuloy lang ang pagputol ng kahoy
TONY ABUSO sa mga liblib na lugar tulad ng Dinapigue, Isabela; Brgy. Dikapinisan, San Luis,
Aurora; Umiray, Quezon at sa Ipo at Angat Watershed sa Bulacan. Ang mga
FR. ERNIE PESIMO programang greening at pagtatanim ng kahoy ay lumalabas na papogi at ito ay
isa lamang “recycled reforestation scam.”
BRO. MARTIN FRANCISCO,
BSMP Sa ngalan ng dagdag na investment, pagmimina ang pinaparami ng DENR kahit
RODEL QUIÑONES na kakarampot lamang na excise tax ang bumabalik sa bayan samantalang init,
baha,pagkasira ng lupa, pagkalason ng ilog at dagat at pagkawala ng bio
diversity ang kapalit nito. Naririyan ang black sand mining sa Buguey at
Gonzaga ng lalawigan ng Cagayan, ore mining sa Bulacan, mining sa
Dinapigue at ang mga unregulated na small scale mining.
Kailan kaya magkakaroon ng political will ang pamahalaan para banggain ang
mayroong vested interests sa Marikina Watershed? Kawawa ang mga kahoy na
pinagpuputol ng isang subdivision developer sa Sitio Paenaan, Brgy. Pinugay,
Baras, Rizal. Hihintayin pa bang maulit ang nangyari sa Ondoy?
2. Hinihintay pa ng mga katutubo ang kanilang mga Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para maprotektahan nanila
ang kanilang mga lupaing ninuno.
Mapera at ma-impluensya ang mga magkakahoy, magmimina at nagpapatayo ng dams, coal-fired power plants at
ganoon din ng Geothermal power plant sa Bulusan, Sorsogon. May kaugnayan ang perang inutang sa World Bank at
Asian Development Bank sa paglala ng kalikasan. Malapit nang ipapasa sa komite sa Kongreso ang panukalang batas na
magpapahintulot sa patuloy na malakihang pangangahoy ng ating mga secondary forests. Kulang sa tatlong porsyento
na lamang ng Pilipinas ang may natitirang primary forests na tanging pinoprotektahan sa kasalukuyang panukalang
batas at matagal na tayong binabalaan ng mga dalubhasa na higit pa dapat sa kalahati ng buong bansa ang mayroon
pang kagubatan upang patuloy tayong mabuhay at magkaroon ng kabuhayan.
Bukod sa dapat nang ipawalang bisa ang Mining Act of 1995 ay lalong pinalalawak pa ng pamahalaan ang pagmimina.
Sa batas na Privatization ibinebenta sa mga dayuhan at mayayamang ng korporasyon ang ating kagubatan at dams na
dapat sana’y pampublikong serbisyo. Ito raw ang magliligtas sa atin sa kahirapan. Paano na ang tubig, sariwang hangin,
mga pananim? Paano na kung lumubog na tayo sa baha? Paano na ang kaparatan ng Kalikasan?
Ang Sierra Madre ay ating buhay at buhay ng ating mga anak at ng susunod na henerasyon. Tibayan ang loob at
kasama natin ang Diyos sa pagtatanggol ng kanyang Kalikasan sapagkat mahal tayo niya. Magkaisa tayo sa paggigiit na:
1. Linisin ang korapsyon sa DENR para ito ay hindi maging Department of the Destruction of Natural Resources.
2. Ibasura ang kasalukuyang panukalang batas na patuloy na binubuksan ang Secondary Forests sa malakihang
pangangahoy at pagmimina.
3. Magkaroon ng moratorium sa Large-Scale Mining at ipatupad ng tama ang batas sa Small-Scale Mining.
4. Maipatupad agad ang proteksyon ng Marikina Watershed.
5. Itigil ang pagsasapribado ng kagubatan at pinagkukunan ng tubig.
6. Isulong ang interes ng mga katutubo sa pag-angkin ng mabilisan sa kanilang Lupang Ninuno.
7. Ituwid ang mga maling polisiya ng DENR at sa halip ay bigyan ng diin ang forest protection kaysa sa
reforestation.
Magkaisa rin tayo sa paggawa ng mga sumusunod:
1. Sa Linggo, Sept 25, organisahin sa ating mga Simbahan ang pagpanalangin at magninilay na “Mas madaling
hanapin ng lahat ng taong ang kapayapaan kung kinikilalang hindi maaring paghiwalayin ang ugnayan ng Diyos,
tao at Kalikasan.” (Papa Benedicto XVI). Mayroon special na video ng Sierra Madre, Panata sa Inang Kalikasan
at Panalangin na pwedeng ninyong i-download sa website ng Network: www.savesierramadre.ph. Sumama sa
picket sa DENR sa Sept. 26 10:00 nang umaga. Magsabit ng green ribbons sa bahay, sasakyan at kalsada.
2. Sumulat sa Presidente, sa mga senador at kongresista, sa mga pahayagan, sa Facebook, sa Twitter at iba pa.
Tumawag sa mga radio para ipaabot ang inyong pagtatanggol sa Sierra Madre.
3. Magbuo ng mga grupo para sa Kalikasan at makipag-ugnay sa Save Sierra Madre Network Alliance, Inc para sa
di-tumitigil na kampanya. Kung mas organisado tayo at mas marami, mas matibay tayo.
4. Mag-ambag ng pera para sa kampanya para sa Sierra Madre campaign. Wala tayong milyones pera ngunit may
isang milyon tao tayong mapagkukunan kung tayo’y magkakaisa.
5. Sa mga artists at manunulat, magsumite ng inyong mga malikhaing gawa tungkol sa inyong karanasan noong
Ondoy, sa inyong pangangalaga sa kalikasan o sa climate justice.
Ilaan ang buhay para sa susunod na henerasyon! Save Sierra Madre!