3. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang
nagdisenyo ng unang watawat ng
Pilipinas. Ginawa niya ito ng
ipatapon siya sa Hongkong.
Dinala niya ang guhit ng kanyang
disenyo kay Felipe Agoncillo. Si
Agoncillo ang sugo ng
pamahalaang rebolusyonaryo na
pinangungunahan ni Aguinaldo.
4. Inatasan ni Heneral Aguinaldo si Marcela Agoncillo,
asawa ni Felipe, na tahiin ang unang watawat ng Pilipinas.
Si Marcela ay bihasa sa pananahi. Malugod niyang
tinanggap ang karangalang gumawa ng watawat. Agad
niyang sinimulang gawin ito. Siya ay natutuwa na
mayroon siyang ginagawang mahalaga para sa inang
bayan
5. Basahin at alamin kung sino ang tumulong kay Marcela
Agoncillo na tumahi ng unang watawat ng Pilipinas. Sila ay
sina Lorenza Agoncillo, anak ni Marcela at si Delfina
Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ang
tatlong babae ang naghirap sa paggawa ng watawat.
Pagkatapos ng limang araw, iniharap ni Marcela ang
watawat kay Heneral Emilio Aguinaldo.
7. Ang itaas na bahagi ng pambansang watawat ng
Pilipinas ay bughaw. Ang bughaw na bahagi ay
sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan at
hustisya. Ang ibabang bahagi ay pula. Ang pulang
bahagi ay sumasagisag sa pagka makabayan at
katapangan. Ito ay sumasagisag sa katapangan ng
mga Pilipino na handang mamatay na lumalaban
para sa kanyang bansa.
8. Ang puting tatsulok ay nakikita sa kaliwang bahagi ng
pambansang watawat. Masdan na ang mga gilid ng tatsulok
ay parehas. Ito ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay ng
mga Pilipino. Ang puti ay sumasagisag sa kadalisayan o
kaligtasan sa kasamaan.
9. Ang araw at tatlong bituin ay nasa loob ng puting
tatsulok. Ang araw ay may walong sinag. Ang mga
ito ay kumakatawan sa unang walong lalawigan na
nakipaglaban sa Espana. Ang mga lalawigan na ito ay
ang Maynila, Laguna, Pampanga, Cavite, Bulacan,
Nueva Ecija, Batangas at Tarlac. Ang tatlong bituin sa
paligid ng araw ay kumakatawan sa tatlong
malalaking pulo: Luzon, Visayas at Mindanao.
11. Alam mo ba kung ano ang pambansang awit? Ito ay awit ng
pagpupuri sa isang bansa. Ang ating pambansang awit ay
sumasagisag sa kalayaan at kasarinlan. Alam mo ba kung ano
ang pambansang awit ng Pilipinas? Ang ating pambansang awit
ay Lupang Hinirang. Alam mo bang umawit ng ating
pambansang awit? Kaya mo bang bigkasin ang mga liriks ng taos
sa puso. Alam mo ba kung paano ang ating pambansang awit ay
nabuo?
13. Ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas ay
Lupang Hinirang. Isinasalaysay nito ang
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan.
Ipinahahayag din nito ang pagka-makabayan at
pagmamahal sa inang bayan at ang kahandaang
mamatay sa pakikipaglaban para rito.
14. Bilang pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo, nakita ni
Heneral Aguinaldo ang pangangailangan sa pambansang sagisag
para magkaisa ang lahat ng Pilipino. Ang pambansang awit ay
isa sa pinakamahalagang pambansang simbolo. Ipinakiusap ni
Heneral Aguinaldo kay Julian Felipe na kumatha ng isang
marangal na martsa. Ibig ni Aguinaldo na ang martsang ito ay
tugtugin sa Pagpapahayag ng Kasarinlan sa Hunyo 12, 1898. Si
Julian Felipe ay mahusay na piyanista at tagalikha mula sa
Cavite.
15. Pagkatapos ng limang araw, natapos ni Julian Felipe ang martsa.
Tinawag nila itong Marcha Nacional Filipina. Nang marinig ito ni
Aguinaldo at ng iba pang mga pinuno ng rebolusyonaryo, sila ay
nagkasundo na ito ay tama para sa pambansang martsa. Ang
marcha nacional Filipina ay unang narinig noong Hunyo 12,1898 sa
Kawit, Cavite. Ito rin ang unang pagkakataon na ang pambansang
watawat ay opisyal na iwinagayway. Tinanggap ng mga Pilipino ang
martsa pero sa pakiramdam nila ito ay may kulang. Dahil walang
titik, ang Marcha Nacional Filipina ay isang martsa lamang.
16. Ang dalawampu’t tatlong taong gulang na si Jose Palma ay
isang makata at isang sundalo. Nakita niya ang
pangangailangan ng titik para sa Marcha Nacional Filipina,
para maipahayag ang pagmamahal ng mga Pilipino sa
kanilang bansa. Si Palma ay isang tauhan sa La
Independencia, isang pahayagan na dati inilalathala sa
Pangasinan. Ang batang si Palma ay nagpasiya na sumulat ng
tula na aayon sa awit ng martsa. Ang tula ay pinamagatang
Filipinas na sinulat sa Kastila.
17. Ang Filipinas ay unang isinulat sa Espanol. Dalawang
tao, si Camilo Osias at si M.A.L. Lane ang nagpasiya
na isalin ito sa Ingles. Pero hindi lahat ng Pilipino ay
marunong ng Kastila o Ingles, isinalin ni Felipe de
Leon ang orihinal na lirik na Kastila sa Pilipino. Ito ay
naging Lupang Hinirang. Ngayon, ang pambansang
awit ng Pilipinas ay inaawit sa Pilipino.
18. Sagutin ang patlang ng tamang sagot.
1. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay pinamagatang
_____________________________.
2. Sinabihan ni Aguinaldo si _____________________________ para kumatha
ng isang martsa na magiging bahagi ng paghahanda sa Pagpapahayag ng
Kasarinlan.
3. Siya ay mahusay na piyanista at manlilikha mula sa
_____________________________.
4. Ang pamagat ng martsa ay _____________________________.
5. Ang martsa na ito ay unang narinig noong
_____________________________ sa Kawit, Cavite.
6. Ito ay noong ipahayag ang _____________________________ ng Pilipinas.