際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
SALIGANG
BATAS NG
PILIPINAS(1987)
INUULAT NG IKA-APAT NA
PANGKAT
MGA NILALAMAN
   DISKRIPSYON
   PREYAMBULO
   ARTIKULO I
   ARTIKULO II
   ARTIKULO III
   ARTIKULO IV
   ARTIKULO V
   ARTIKULO VI
   ARTIKULO VII
   ARTIKULO VIII
   ARTIKULO IX
   ARTIKULO X
   ARTIKULO XI
   ARTIKULO XII
   ARTIKULO XIII
   ARTIKULO XIV
   ARTIKULO XV
   ARTIKULO XVI
   ARTIKULO XVII
   ARTIKULO XVIII
   HULING TALATA
DISKRIPSYON
   Ang Saligang-batas ng
    Pilipinas o Konstitusyon ng
    Pilipinas (Ingles: Constitution of the
    Philippines") ang kataas-
    taasang bata sa Pilipinas. Ang kasalukuyang
    saligang batas ng Pilipinas
    ay pinagtibay noong Pebrero 2,1987 sa
    isang plebiscite kung saan ang higit sa 3/4 o
    76.37% ng mga humalal(17,059,495 ) ang
    bumoto ng sang=ayon dito at 22.65%
    (5,058,714 ) ang bumoto ng laban
    sa pagpapatibay nito.
PREYAMBULO
   "Kami, ang nakapangyayaring sambayanang
    Pilipino, na humihingi ng tulong sa
    Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang
    makatarungan at makataong lipunan at
    magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa
    aming mga mithiin at mga lunggatiin,
    magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa,
    mangangalaga at magpapaunlad ng aming
    kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at ang
    kanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at
    demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng
    pamamahalang puspos ng katotohanan,
    katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-
    pantay at kapayapaan, ay naglalagda at
    naghahayag ng Konstitusyong ito."[1]
PREYAMBULO (INGLES)
   We, the sovereign Filipino people, imploring
    the aid of Almighty God, in order to build a
    just and humane society and establish a
    Government that shall embody our ideals and
    aspirations, promote the common good,
    conserve and develop our patrimony, and
    secure to ourselves and our posterity the
    blessings of independence and democracy
    under the rule of law and a regime of truth,
    justice, freedom, love, equality, and peace,
    do ordain and promulgate this Constitution.
Artikulo I: Ang Pambansang
  Teritoryo
 Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng
 kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo
 at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng
 iba pang mga teritoryo na nasa ganap na
 kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na
 binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at
 himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal,
 ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang
 mga kalapagang insular, at ang iba pang mga
 pook submarina nito. Ang mga karagatang
 nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga
 pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at
 mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng
Artikulo II: Pahayag ng mga
Simulain at mga Patakaran ng
Estado
   Seksyon 1. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at
    demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng
    sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
    awtoridad na pampamahalaan.
   Seksyon 2. Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang
    kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap
    bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas
    internasyonal nakinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran
    ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan,
    kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat
    ng mga bansa.
   Seksyon 3. Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng
    sa militar sa lahat ng panahon. Ang Sandatahang Lakas ng
    Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado.
    Ang layunin nito ay siguraduhing ang ganap na
    kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang
    territory.
Artikulo III: Katipunan ng mga
Karapatan

   Seksyon 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino
    mang tao nang hindi kaparaanan sa batas, ni pagkaitan ang sinomang
    tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
   Seksyon 2 Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng
    kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-
    bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa
    ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng
    warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may
    malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos
    masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa
    ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na
    hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
   Seksyon 3.
   (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
    korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi
    ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ukol sa itinatakda ng
    batas.
   (2) Hindi dapat tanggapin ang ano mang layunin sa alin mang
    hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag
    dito o sa sinusundang seksyon.
Artikulo III: Katipunan ng mga
Karapatan

   Seksyon 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa
    kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o sa pamahayagan, o
    sa karapatang ng taong-bayan na mapayapang magkatipon at
    magpetisyon sa pamahalaan upang mailahad ang kanilang mga
    karaingan
   Seksyon 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa
    pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang
    pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang
    malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng
    mga relihiyon at pagsamba ng walang pagtatangi o pamimili.
    Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon ng
    karapatang sibil o pampulitika.

   Seksyon 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at
    ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang
    itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni
    hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban
    kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang
Artikulo III: Katipunan ng mga
Karapatan
   Seksyon 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na
    mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan.
    Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at
    papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon
    din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan
    ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa
    ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
   Seksyon 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan
    kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na
    magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga
    layuning hindi lalabag sa batas.
   Seksyon 9. Ang mga pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa
    gamit pambayan nang walang wastong kabayaran.
   Seksyon 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan
    ng mga kontrata.
   Seksyon 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang
    pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman
    at sa sat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
Artikulo IV:
   Pagkamamamayan
 Seksyon  1.
 Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
 [1] Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa
  panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
 [2] Yaong ang mga ama o mga ina ay mga
  mamamayan ng Pilipinas;
 [3] Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero
  17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
  pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
  karampatang gulang; at
 [4] Yaong mga naging mamamayan ayon sa
  batas.
Artikulo V: Karapatan sa Halal
   Seksyon 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring
    gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas
    na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na
    labingwalong taong gulang man lamang, at
    nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man
    lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na
    kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan.
   Seksyon 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng isang
    sistema para maseguro ang pagiging sekreto at
    sigurado ng mga balota at gayon din ng isang sistema
    para sa pagbotong liban ng mga kwalipikadong
    Pilipino na nasa ibang bansa.
   Para sa mga taong may kapansanan at mga hindi
    marunong bumasa at sumulat, ang Kongreso ay dapat
    bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na
    kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao.
    Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay
    pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga
    batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng
    Komisyon ng Halalan upang maprotektahan ng
Artikulo VI: Ang Kagawarang
Tagapagbatas

Artikulo VII: Ang Kagawaran ng
Tagapagpaganap
Artikulo VIII: Ang Kagawarang
  Panghukuman
 Seksyon  1. Dapat masalalay ang kapangyarihang
  panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman
  at sa mga nakakababang hukuman na maaaring
  itatag ng batas.
 Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang
  tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na
  ayusin ang nangyayaring mga sigalot na
  kinakasangkutan ng mga karapatang nararapat
  hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at
  pasyang kung mayroon o walang naganap na
  lubhang pagsasamantala sa direksyon na
  humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon
  sa panig ng alin mang sangay o instrumentalidad
  ng pamahalaan.
Artikulo IX: Ang mga
Komisyong Konstitusyonal

 Mga  Karaniwang Tadhana
 Seksyon 1. Ang mga Komisyong
  Konstitusyonal, na dapat na malaya, ay
  ang Komisyon sa Sebisyo Sibil, Komisyon
  sa Halalan, at Komisyon sa Audit.
Artikulo X: Pamahalaang Lokal

 Seksyon  1. Ang mga Subdibisyon teritoryal
 at pulitikal ng Republika ng Pilipinas ay
 ang mga lalawigan, mga lungsod, mga
 bayan, at mga baranggay. Dapat
 magkaroon ng mga awtonomiyang
 rehiyon sa Muslim Mindanao at sa mga
 Cordillera ayon sa itinatadhana nito.
Artikulo XI: Kapananagutan ng
mga Pinunong Bayan

 Seksyon1. Ang pagtitiwala ng bayan ay
 angkin ng katungkulang pambayan. Ang
 mga pinuno at mga kawaning
 pambayan at kinakailangang
 mamalaging nananagutan sa mga
 taong-bayan, maglingkod sa kanila na
 taglay ang pinakamataas na
 pakundangan, dangal, katapatan, at
 kahusayan, manuparan na taglay ang
 pagkamakabayan at katarungan, at
 mamuhay nang buong
 kapakumbabaan.
Artikulo XII: Pambansang
     Ekonomiya at Patrimonya
   Seksyon 1. Ang mga tunguhin ng pambansang
    ekonomiya ay higit pang pantay na pamamahagi ng
    mga pagkakataon, kita at kayamanan; sustenandong
    pagpaparami ng mga kalakal at mga paglilingkod na
    liha ng bansa para sa kapakinabangan ng
    sambayanan; at lumalagong pagkaproduktibo bilang
    susi sa pag-aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat,
    lalo na sa mga kapus-palad. Dapat itaguyod ng Estado
    ang industriyalisasyon at pagkakataon na
    magkahanapbuhay ang lahat bata sa mahusay na
    pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang
    pansakahan, sa pamamagitan ng mga industriya na
    gumagamit nang lubusan at episyente sa mga
    kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan, at
    nakikipagpaligsahan kapwa sa mga pamilihang lokal at
    dayuhan. Gayon man, dapat pangalagaan ng Estado
    ang mga negosyong Pilipino laban sa marayang
    kompitensyang dayuhan at mga nakamihasnan sa
    pangangalakal.
Artikulo XIII: Katarungang
Panlipunan at Mga Karapatang
Pantao
 Seksyon1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng
 pinakamataas na priority ang pagsasabatas ng
 mga hakbangin na mangangalaga at
 magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga
 mamamayan sa dignidad na pantao,
 magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay
 na panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at
 papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na
 pagkalinangan sa pamamagitan ng pantay na
 pagpapalaganap ng kayamanan at
 kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng
 lahat.
Artikulo XIII: Katarungang
Panlipunan at Mga Karapatang
Pantao
 Seksyon   2. Dapat kalakip sa pagtataguyod ng
  karunungang panlipunan ang tapat na paglikha ng
  mga pagkakataong ekonomiko na nasasalig sa
  kalayaan sa pagpapatiuna at pagtitiwala sa
  sariling kakayahan.
 IBA PANG NILALAMAN
 Paggawa
 Repormang Pansakahan at Panlikas na
  Kayamanan
 Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay
 Kalusugan
 Kababaihan
 Ang Mga Bahaging Ginagampanan at Mga
  Karapatan ng mga Organisasyon ng Sambayanan
Mga Karapatang Pantao
   Seksyon 17.
   (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang
    tanggapan na tatawaging Komisyon sa Mga
    Karapatang Pantao.
   (2) Ang Komisyon ay dapat buuin ng isang Tagapangulo
    at apat na mga Kagawad na kinakailangang mga
    katutubong ipininganak na mamamayan ng Pilipinas at
    ang mayorya nito ay dapat n amga kabilang sa
    Philippine Bar. Dapat itadhana ng batas ang taning na
    panahon ng panunungkulan at ang iba pang mga
    kwalipikasyon at mga disability ng mga kagawad ng
    Komisyon.
   (3) Hangga't hindi nabubuo ang Komisyong ito, ang
    kasalukuyang Pampanguluhang Komite sa mga
    Karapatang Pantao ay dapat magpatuloy sa pagtupad
    ng kasalukuyang mga gawain at kapangyarihan nito.
   (4) Dapat na kusa at regular na ipalabas ang pinagtibay
    na taunang-gugulin ng Komisyon.
Mga Karapatang Pantao
   Seksyon 18. Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga
    Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga
    kapangyarihan at mga gawain:
   (1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang
    panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang
    pantao na kinapapalooban ng mga sibil at pulitikal;
   (2) Maglagda ng mga panuntunan sa pamalakad, at mga
    tuntunin ng pamamaraan nito, at magharap ng sakdal na
    paglalapastangan ukol sa mga paglabag dito nang
    naaalinsunod sa mga Tuntunin ng Hukuman;
   (3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa
    batas para sa pangangalaga ng mag karapatang pantao ng
    lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong
    naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga
    panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal
    sa mga kulang-palad na ang mga karapatang pantao ay
    nilabag o nangangailangan ng proteksyon;
   (4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga
    piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon;
   (5) Magtatag ng patuluyang programa sa pananaliksik,
Mga Karapatang Pantao
 (6)  Magrekomenda sa Kongreso ng mabisng mga
  hakbangin upang maitaguyod ang mga
  karapatang pantao at maglaan para sa mga
  bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga
  pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang
  pantao;
 (7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng
  Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na
  kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang
  pantao;
 (8) Magkaloob ng immunity sa pag-uusig sa sino
  mang tao na ang testimonyo o ang pag-iingat ng
  mga dokumento o iba pang ebidensya ay
  kinakailangan o makaluluwag sa pagtiyak ng
  katotohanan sa alin mang pagsisiyasat sa
Mga Karapatang Pantao
 (9)Hilingin ang tulong ng alin mang kagawaran,
  kawanihan, tanggapan o sangay sa pagtupad ng
  mga gawain nito;
 (10) Humirang ng mga pinuno at kawani nito nang
  naaayon sa batas; at
 (11) Tumupad ng iba pang mga tungkulin at mga
  gawain na maaaring itakda ng batas.
 Seksyon 19. Maaaring magtadhana ang Kongreso
  para sa iba pang mga kaso ng paglabag sa mga
  karapatang pantao na dapat masaklaw ng
  awtoridad ng Komisyon, nagsasaalangalang sa
  mga rekomendasyon nito.
Artikulo XIV: Edukasyon, Agham at
Teknolohiya, mga Sining, Kultura, at
Sports
   Edukasyon
   Seksyon 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang
    karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na
    edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng
    angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng
    gayong edukasyon.
   Seksyon 2. Ang Estado ay dapat:
   (1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto,
    sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa
    mga pangagailangan ng sambayanan at lipunan;
   (2) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng
    pambayang edukasyon sa elementarya at mataas na
    paaralan. Hindi bilang pagtatakda sa likas na karapatan ng
    mga magulang sa pagaaruga ng kanilang mga anak, ang
    edukasyong elementarya ay sapilitan sa lahat ng mga
    batang nasa edad ng pag-aaral.
   (3) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob
    ng scholarship, mga programang pautang sa estudyante,
    mga tulong sa salapi, at iba pang mga insentibo na dapat
    ibigay sa karapat-dapat na mga estudyante sa mga
Wika
   Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
    Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
    pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
    pang mga wika.
   Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
    maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
    hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
    itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal
    na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
    pang-edukasyon.
   Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
    mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles, hangga't
    walang ibang itinatadhana ang batas, .
   Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang
    opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
    wikang panturo roon.
   Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
    Hindi kailangang pilitan ang sinuman na pag-aral ang Kastila
Sining at Kultura
 Seksyon    14. Dapat itaguyod ng Estado ang
  pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong
  ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino
  salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba
  sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na
  pagpapahayag.
 Seksyon 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga
  sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod,
  at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal
  at kultural at mga likha at mga kayamanang batis
  artistiko ng bansa.
Sports
 Seksyon   19.
 (1) Dapat itaguyod ng Estado ang
  edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga
  programang pang-sports, mga
  paligsahang panliga, at mga amateur
  sports, kasama ang pagsasanay para sa
  mga paligsahang pandaigdig, upang
  maisulong ang disiplina sa sarili,
  pagtutulungan ng magkakasama at
  kahusayan para sa pagbubuo ng
  kapamayanang malusog at mulat.
Artikulo XV: Ang Pamilya
 Seksyon  1. Kinikilala ng Estado ang
  pamilyang Pilipino na pundasyon ng
  bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin
  ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at
  aktibong itaguyod ang lubos na pag-
  unlad niyon.
 Seksyon 2. Ang pag-aasawa, na di
  malalabag ng institusyong panlipunan, ay
  pundasyon ng pamilya at dapat
  pangalagaan ng Estado.
   Seksyon 3. Dapat isanggalang ng Estado:
   (1) Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang
    naaayon sa kanilang pananalig na panrelihiyon at sa mga
    kinakailangan ng responsableng pagpapamilya;
   (2) Ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga,
    kasama ang wastong pagaalaga at nutrisyon at natatanging
    proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya,
    pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang
    kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag-unlad;
   (3) Ang karapatan ng pamilya sa sahot at kita na sapat
    ikabuhay ng pamilya; at
   (4) Ang karapatan ng mga pamilya o mga asosasyon nito na
    lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga
    patakaran at mga programa na nakaapekto sa kanila.
   Seksyon 4. Ang pamilya ay tungkuling kalinangin ang
    matatandang mga miyembro nito ngunit maaari ring gawin
    ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga
    pamaraan ng kapanatagang panlipunan.
Artikulo XVI: Ang Pangkalahatang
Probisyon

 Seksyon  1. Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na
  pula, puti, at bughaw, na may isang araw at
  tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng
  sambayanan at kinikilala ng batas.
 Seksyon 2. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng
  batas, ay maaaring magpatibay ng isang bagong
  pangalan ng bansa, isang pambansang awit, o
  isang pambansang sagisag, na pawang tunay na
  naglalarawan at sumisimbulo ng mga mithiin,
  kasaysayan, at mga tradisyon ng sambayanan.
  Ang nasabing batas ay dapat magkabisa lamang
  pagkaratipika ng sambayanan sa isang
  pambansang referendum.
Artikulo XVII: Mga Susog o Mga
Pagbabago

   Seksyon  1. Ang ano mang susog o
    pagbabago sa Konstitusyong ito ay
    maaaring ipanukala:
   (1) ng Kongreso sa pamamagitan ng
    tatlong-kapat na boto ng lahat ng mga
    Kagawad nito; o
   (2) sa pamamagitan ng isang
    Kumbensyong Konstitusyonal.
Artikulo XVIII: Mga Tadhanang
   Lilipas
 Seksyon   1. Ang unang halalan ng mga kagawad ng
  Kongreso sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat
  iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1987.
 Ang unang halalang lokal ay dapat iraos sa
  petsang itatakda ng Pangulo, na maaaring
  kasabay ng halalan ng mga Kagawad ng Kongreso.
  Dapat isabay dito ang halalan ng mga Kagawad
  ng mga sangguniang panlungsod o pambayan sa
  Metropolitan Manila area.
Huling
Talata
   Ang sinundang panukalang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay
    pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 noong
    ikalabindalawang araw ng Oktubre, Labinsiyam na raan at walumpu't
    anim, at nilagdaan nang naaayon noong ikalabinlimang araw ng
    Oktubre, Labinsiyam na raan at walumpu't anim sa Plenary Hall, National
    Government Center, Lungsod Quezon, ng mga Komisyoner na lumagda
    dito.
   Pinagtibay:
    Cecilia Mu単oz Palma
    President
   Ambrosio B. Padilla
    Vice President
   Napoleon G. Rama
    Floor Leader
   Ahmad Domocao Alonto
    Assistant Floor Leader

    Pinatunayan:Flerida Ruth P. Romero
    Secretary-General
    Adopted: Oktubre 15, 1986
    Corazon C. Aquino
    Pangulo
    Republika ng Pilipinas
    Ratified: Pebrero 2, 1987

More Related Content

Saligang batas ng pilipinas(1987)

  • 2. MGA NILALAMAN DISKRIPSYON PREYAMBULO ARTIKULO I ARTIKULO II ARTIKULO III ARTIKULO IV ARTIKULO V ARTIKULO VI ARTIKULO VII ARTIKULO VIII ARTIKULO IX ARTIKULO X ARTIKULO XI ARTIKULO XII ARTIKULO XIII ARTIKULO XIV ARTIKULO XV ARTIKULO XVI ARTIKULO XVII ARTIKULO XVIII HULING TALATA
  • 3. DISKRIPSYON Ang Saligang-batas ng Pilipinas o Konstitusyon ng Pilipinas (Ingles: Constitution of the Philippines") ang kataas- taasang bata sa Pilipinas. Ang kasalukuyang saligang batas ng Pilipinas ay pinagtibay noong Pebrero 2,1987 sa isang plebiscite kung saan ang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalal(17,059,495 ) ang bumoto ng sang=ayon dito at 22.65% (5,058,714 ) ang bumoto ng laban sa pagpapatibay nito.
  • 4. PREYAMBULO "Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at ang kanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay- pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito."[1]
  • 5. PREYAMBULO (INGLES) We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.
  • 6. Artikulo I: Ang Pambansang Teritoryo Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng
  • 7. Artikulo II: Pahayag ng mga Simulain at mga Patakaran ng Estado Seksyon 1. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Seksyon 2. Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal nakinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa. Seksyon 3. Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng sa militar sa lahat ng panahon. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado. Ang layunin nito ay siguraduhing ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang territory.
  • 8. Artikulo III: Katipunan ng mga Karapatan Seksyon 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan sa batas, ni pagkaitan ang sinomang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. Seksyon 2 Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay- bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin. Seksyon 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ukol sa itinatakda ng batas. (2) Hindi dapat tanggapin ang ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.
  • 9. Artikulo III: Katipunan ng mga Karapatan Seksyon 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o sa pamahayagan, o sa karapatang ng taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang mailahad ang kanilang mga karaingan Seksyon 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng mga relihiyon at pagsamba ng walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon ng karapatang sibil o pampulitika. Seksyon 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang
  • 10. Artikulo III: Katipunan ng mga Karapatan Seksyon 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas. Seksyon 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas. Seksyon 9. Ang mga pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran. Seksyon 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata. Seksyon 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
  • 11. Artikulo IV: Pagkamamamayan Seksyon 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: [1] Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito; [2] Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas; [3] Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at [4] Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
  • 12. Artikulo V: Karapatan sa Halal Seksyon 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan. Seksyon 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng isang sistema para maseguro ang pagiging sekreto at sigurado ng mga balota at gayon din ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa. Para sa mga taong may kapansanan at mga hindi marunong bumasa at sumulat, ang Kongreso ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao. Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng Komisyon ng Halalan upang maprotektahan ng
  • 13. Artikulo VI: Ang Kagawarang Tagapagbatas Artikulo VII: Ang Kagawaran ng Tagapagpaganap
  • 14. Artikulo VIII: Ang Kagawarang Panghukuman Seksyon 1. Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakakababang hukuman na maaaring itatag ng batas. Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinakasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyang kung mayroon o walang naganap na lubhang pagsasamantala sa direksyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin mang sangay o instrumentalidad ng pamahalaan.
  • 15. Artikulo IX: Ang mga Komisyong Konstitusyonal Mga Karaniwang Tadhana Seksyon 1. Ang mga Komisyong Konstitusyonal, na dapat na malaya, ay ang Komisyon sa Sebisyo Sibil, Komisyon sa Halalan, at Komisyon sa Audit.
  • 16. Artikulo X: Pamahalaang Lokal Seksyon 1. Ang mga Subdibisyon teritoryal at pulitikal ng Republika ng Pilipinas ay ang mga lalawigan, mga lungsod, mga bayan, at mga baranggay. Dapat magkaroon ng mga awtonomiyang rehiyon sa Muslim Mindanao at sa mga Cordillera ayon sa itinatadhana nito.
  • 17. Artikulo XI: Kapananagutan ng mga Pinunong Bayan Seksyon1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan at kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan.
  • 18. Artikulo XII: Pambansang Ekonomiya at Patrimonya Seksyon 1. Ang mga tunguhin ng pambansang ekonomiya ay higit pang pantay na pamamahagi ng mga pagkakataon, kita at kayamanan; sustenandong pagpaparami ng mga kalakal at mga paglilingkod na liha ng bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan; at lumalagong pagkaproduktibo bilang susi sa pag-aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat, lalo na sa mga kapus-palad. Dapat itaguyod ng Estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat bata sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan, sa pamamagitan ng mga industriya na gumagamit nang lubusan at episyente sa mga kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan, at nakikipagpaligsahan kapwa sa mga pamilihang lokal at dayuhan. Gayon man, dapat pangalagaan ng Estado ang mga negosyong Pilipino laban sa marayang kompitensyang dayuhan at mga nakamihasnan sa pangangalakal.
  • 19. Artikulo XIII: Katarungang Panlipunan at Mga Karapatang Pantao Seksyon1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priority ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na pagkalinangan sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat.
  • 20. Artikulo XIII: Katarungang Panlipunan at Mga Karapatang Pantao Seksyon 2. Dapat kalakip sa pagtataguyod ng karunungang panlipunan ang tapat na paglikha ng mga pagkakataong ekonomiko na nasasalig sa kalayaan sa pagpapatiuna at pagtitiwala sa sariling kakayahan. IBA PANG NILALAMAN Paggawa Repormang Pansakahan at Panlikas na Kayamanan Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay Kalusugan Kababaihan Ang Mga Bahaging Ginagampanan at Mga Karapatan ng mga Organisasyon ng Sambayanan
  • 21. Mga Karapatang Pantao Seksyon 17. (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon sa Mga Karapatang Pantao. (2) Ang Komisyon ay dapat buuin ng isang Tagapangulo at apat na mga Kagawad na kinakailangang mga katutubong ipininganak na mamamayan ng Pilipinas at ang mayorya nito ay dapat n amga kabilang sa Philippine Bar. Dapat itadhana ng batas ang taning na panahon ng panunungkulan at ang iba pang mga kwalipikasyon at mga disability ng mga kagawad ng Komisyon. (3) Hangga't hindi nabubuo ang Komisyong ito, ang kasalukuyang Pampanguluhang Komite sa mga Karapatang Pantao ay dapat magpatuloy sa pagtupad ng kasalukuyang mga gawain at kapangyarihan nito. (4) Dapat na kusa at regular na ipalabas ang pinagtibay na taunang-gugulin ng Komisyon.
  • 22. Mga Karapatang Pantao Seksyon 18. Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain: (1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga sibil at pulitikal; (2) Maglagda ng mga panuntunan sa pamalakad, at mga tuntunin ng pamamaraan nito, at magharap ng sakdal na paglalapastangan ukol sa mga paglabag dito nang naaalinsunod sa mga Tuntunin ng Hukuman; (3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa batas para sa pangangalaga ng mag karapatang pantao ng lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal sa mga kulang-palad na ang mga karapatang pantao ay nilabag o nangangailangan ng proteksyon; (4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon; (5) Magtatag ng patuluyang programa sa pananaliksik,
  • 23. Mga Karapatang Pantao (6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisng mga hakbangin upang maitaguyod ang mga karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao; (7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao; (8) Magkaloob ng immunity sa pag-uusig sa sino mang tao na ang testimonyo o ang pag-iingat ng mga dokumento o iba pang ebidensya ay kinakailangan o makaluluwag sa pagtiyak ng katotohanan sa alin mang pagsisiyasat sa
  • 24. Mga Karapatang Pantao (9)Hilingin ang tulong ng alin mang kagawaran, kawanihan, tanggapan o sangay sa pagtupad ng mga gawain nito; (10) Humirang ng mga pinuno at kawani nito nang naaayon sa batas; at (11) Tumupad ng iba pang mga tungkulin at mga gawain na maaaring itakda ng batas. Seksyon 19. Maaaring magtadhana ang Kongreso para sa iba pang mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao na dapat masaklaw ng awtoridad ng Komisyon, nagsasaalangalang sa mga rekomendasyon nito.
  • 25. Artikulo XIV: Edukasyon, Agham at Teknolohiya, mga Sining, Kultura, at Sports Edukasyon Seksyon 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon. Seksyon 2. Ang Estado ay dapat: (1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangagailangan ng sambayanan at lipunan; (2) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa elementarya at mataas na paaralan. Hindi bilang pagtatakda sa likas na karapatan ng mga magulang sa pagaaruga ng kanilang mga anak, ang edukasyong elementarya ay sapilitan sa lahat ng mga batang nasa edad ng pag-aaral. (3) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob ng scholarship, mga programang pautang sa estudyante, mga tulong sa salapi, at iba pang mga insentibo na dapat ibigay sa karapat-dapat na mga estudyante sa mga
  • 26. Wika Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, . Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Hindi kailangang pilitan ang sinuman na pag-aral ang Kastila
  • 27. Sining at Kultura Seksyon 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag. Seksyon 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at mga likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.
  • 28. Sports Seksyon 19. (1) Dapat itaguyod ng Estado ang edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga programang pang-sports, mga paligsahang panliga, at mga amateur sports, kasama ang pagsasanay para sa mga paligsahang pandaigdig, upang maisulong ang disiplina sa sarili, pagtutulungan ng magkakasama at kahusayan para sa pagbubuo ng kapamayanang malusog at mulat.
  • 29. Artikulo XV: Ang Pamilya Seksyon 1. Kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag- unlad niyon. Seksyon 2. Ang pag-aasawa, na di malalabag ng institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng Estado.
  • 30. Seksyon 3. Dapat isanggalang ng Estado: (1) Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang naaayon sa kanilang pananalig na panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya; (2) Ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pagaalaga at nutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag-unlad; (3) Ang karapatan ng pamilya sa sahot at kita na sapat ikabuhay ng pamilya; at (4) Ang karapatan ng mga pamilya o mga asosasyon nito na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at mga programa na nakaapekto sa kanila. Seksyon 4. Ang pamilya ay tungkuling kalinangin ang matatandang mga miyembro nito ngunit maaari ring gawin ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamaraan ng kapanatagang panlipunan.
  • 31. Artikulo XVI: Ang Pangkalahatang Probisyon Seksyon 1. Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas. Seksyon 2. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magpatibay ng isang bagong pangalan ng bansa, isang pambansang awit, o isang pambansang sagisag, na pawang tunay na naglalarawan at sumisimbulo ng mga mithiin, kasaysayan, at mga tradisyon ng sambayanan. Ang nasabing batas ay dapat magkabisa lamang pagkaratipika ng sambayanan sa isang pambansang referendum.
  • 32. Artikulo XVII: Mga Susog o Mga Pagbabago Seksyon 1. Ang ano mang susog o pagbabago sa Konstitusyong ito ay maaaring ipanukala: (1) ng Kongreso sa pamamagitan ng tatlong-kapat na boto ng lahat ng mga Kagawad nito; o (2) sa pamamagitan ng isang Kumbensyong Konstitusyonal.
  • 33. Artikulo XVIII: Mga Tadhanang Lilipas Seksyon 1. Ang unang halalan ng mga kagawad ng Kongreso sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1987. Ang unang halalang lokal ay dapat iraos sa petsang itatakda ng Pangulo, na maaaring kasabay ng halalan ng mga Kagawad ng Kongreso. Dapat isabay dito ang halalan ng mga Kagawad ng mga sangguniang panlungsod o pambayan sa Metropolitan Manila area.
  • 34. Huling Talata Ang sinundang panukalang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 noong ikalabindalawang araw ng Oktubre, Labinsiyam na raan at walumpu't anim, at nilagdaan nang naaayon noong ikalabinlimang araw ng Oktubre, Labinsiyam na raan at walumpu't anim sa Plenary Hall, National Government Center, Lungsod Quezon, ng mga Komisyoner na lumagda dito. Pinagtibay: Cecilia Mu単oz Palma President Ambrosio B. Padilla Vice President Napoleon G. Rama Floor Leader Ahmad Domocao Alonto Assistant Floor Leader Pinatunayan:Flerida Ruth P. Romero Secretary-General Adopted: Oktubre 15, 1986 Corazon C. Aquino Pangulo Republika ng Pilipinas Ratified: Pebrero 2, 1987