1. SAWIKAAN
Isang masinsinang talakayan para piliin ang
pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng
sambayanan ng nakalipas na taon.
Itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) sa
pakikipagtulungan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),
National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at UP
Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) ang Sawikaan: Pagpili
ng Salita ng Taon
2. FILIPINAS INSTITUTE OF TRANSLATION,
INC. (FIT)
Itinatag ang Filipinas Institute of
Translation, Inc. (FIT) noong 3
Setyembre 1997 ng ilang
manunulat, tagasalin, at
mananaliksik upang isulong ang
pagsasalin at pagpapaunlad ng
modernong Filipino. Isang
samahang non-stock, non-profit
ang FIT.
3. KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)
Ang tanging ahensiyang pangwika ng
pamahalaan na nakatuon sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang
mga wika sa Filipinas.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng
Pangulo, na nakatuon sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba
pang mga wika sa Filipinas.
4. NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE
AND THE ARTS (NCCA)
Ang Pambans但ng Komisyon p叩ra sa
Kultura at mga Sining ang pangkalahatang ahensiya
para sa paggawa ng patakaran, pag-uugnayan, at
paggagawad ng tulong tungo sa pag-iingat,
pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng mga sining at
kultura ng Filipinas.
Nagsimula ito bilang Presidential Commission on Culture
and the Arts (PCCA) na itinatag noong 1987 ni Pangulong
Corazon C. Aquino. Naging NCCA ito noong 1992 nang
pagtibayin ng Kongreso ng Filipinas ang Batas Republika 7356.
Pangunahing tungkulin ng NCCA na magbalangkas ng mga
patakaran na magpapaunlad ng sining at kultura sa bansa.
5. ANO ANG MGA SALITANG MAAARING
ITURING NA SALITA NG TAON?
1) bagong imbento;
2) bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika
3) luma ngunit may bagong kahulugan, at
4) patay na salitang muling binuhay.
6. ANG PAMANTAYAN SA PAGPILI NG
SALITA NG TAON
1) kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o
pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa
ating lipunan;
2) lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika
o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga
tagapakinig; at
3) paraan ng presentasyon.
17. ANG MGA KATANGIAN NG MGA
SALITA NG TAON
1. Naglalarawan ng isang mahalagang pangyayari sa
kasaysayan sa isang partikular na taon na kadalasan ay
politikal.
2. Nagtatampok sa mga kontrobersiyal na isyu sa lipunan.
3. Gumigising sa damdamin tungo sa pagbabago o
paghahanap ng solusyon sa isang problema sa lipunan.