1. SAN RAFAEL ARKANGHEL
Layunin:
• Maipakilala kung sino si San Rafael Arkanghel
• Maturuang sumunod sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulad sa
kanyang katangiang taglay
• Maipalaganap ang debosyon kay San Rafael Arkanghel
SITWASYON NG BUHAY:
1. Naniniwala ba kayo na may Anghel?
Opo
2. May kilala ba kayong anghel?
Opo
3. Sino ang kilala ninyong anghel / arkanghel?
San Miguel
San Gabriel
San Rafael
Anghel ng tagatanod at iba pa
*Tayo ay naniniwala na mayroong anghel na nilikha ang Diyos at may papel na
ginagampanan. Sila ang gumagabay sa atin, ilan sa mga anghel / arkanghel na kilala
natin ay anghel ng tagatanod, San Miguel, San Gabriel at San Rafael
Ngayon ay pakinggan natin ang kwento ng isang anghel na tumulong sa isang taong
may sakit mula sa Banal na Kasulatan.
SALITA NG DIYOS: (Tobit 5:9-20)
1. Sino ang mga tauhan sa kwento
Tobit
Tobias
Rafael / Azarias
Ana
2. Sino ang maysakit?
Tobit
3. Sino ang inutusan ni Tobit na pumunta sa Media upang sumingil ng pautang?
Tobias na kanyang Anak
4. Sino ang lalaking nakasama niya sa paglalakbay?
Rafael / Azarias
5. Naging maayos ba ang kanilang paglalakbay?
1 | P a g e
2. Opo
Nakilala ni Tobias ang lalaki na ang pangalan ay Azarias / Rafael at ito ay
kanyang isinama sa kanilang tahanan at ipinakilala ito sa kanyang ama na si Tobit na
may karamdaman sa mata na malapit na kamag-anak nila. At sila ay Inutusan na
pumunta sa bayan upang maningil ng pautang at nakarating sila ng maayos sa tulong ni
Rafael at sila ay nakahuli ng isang isda at pinakuha ni Rafael ang apdo at atay nit okay
Tobit upang gamitin na gamut.
Marami tayong kilala o katawagan sa mga anghel o Arkanghel isa na dito na
kilala ninyo ay si San Rafael Arkanghel sino ba siya?
PAHAYAG NA PANANAMPALATAYA:
Katotohanan: Ipinadala ng Diyos si San Rafael Arkanghel upang maging gabay sa
ating paglalakbay sa mundo
*Ang mga anghel ay nilikha ng Diyos upang tayo ay bantayan at isa na dito si San
Rafael Arkanghel. Sino ba siya?
Si San Rafael ay ang Arkanghel ng mga Kristiyanong naglalakbay patungong langit.
Siya ang inatasan ng Diyos na maging gabay ng tao sa landas tungo sa ating
paghahanap ng mga kayamanan ng tunay na kaligayahan na inihanda ng Diyos para
sa kanyang mga anak. Binibigyan din niya tayo ng liwanag upang makita natin at
piliin ang daan ng Diyos, at tayo ay kanyang ipinagtatanggol mula sa anumang
panganib maaari nating harapin sa ating paglalakbay pabalik sa Ama. Si San Rafael
ang nagturo kay Tobias kung paano gumawa ng isang uri ng gamot mula sa isang
isda na siyang nakapagpagaling sa ama ng binata mula sa pagkabulag. Ang kanyang
pangalan ay nangangahulugang “Lunas ng Diyos”. Madalas siyang inilalarawan
bilang isang anghel na may hawak na isda, sisidlan ng langis, at tungkod ng
manlalakbay.
Pagsasabuhay: San Rafael Arkanghel huwaran nating mga mananampalataya sa
pagsunod sa kalooban ng Diyos.
*Kung gayon, ang mga anghel ay may mga katangian din katulad ni San Rafael
Arkanghel. Siya ang isang Arkanghel na ipinadala ng Diyos upang ating tularan,
ang kanyang mga katangian halimbawa dumalaw sa may sakit- si Tobit dinalaw
niya. Kayo ba dumadalaw di sa may sakit lalo na sa kaibigan, kamag-anak o kahit
hingi kamag-anak, sinamahan si Tobias sa pagpunta sa bayan at pagsunod sa utos
ng ama na si Tobit. Tayo ay inaanyayahan na sundin natin ang kalooban ng Diyos.
Ang mga anghel at arkangel ay itinuturing na tagapaghatid ng mensahe ng Diyos at
ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa atin. Ito ay pinatunayan sa kabutihan
ng Poong Maykapal sa atin. Si San Rafael Arkanghel ay larawan ng Diyos na
mapagpagaling at nagbibigay lunas lalung –lalo na sa mga maysakit, nagugutom, at
mahihina.
Pagsamba: Maipalaganap ang debosyon kay San Rafael Arkanghel
2 | P a g e
3. *Tayong lahat ay inaanyayahan na manalangin sa ating pintaksi na arkanghel,
lalong lalo na kay San Rafael na ating patron, Tagapagpagaling at Gabay ng mga
Kristiyanong naglalakbay patungo sa langit nawa sa kanyang tulong ay ituro sa atin
ng Diyos ang daan tungo sa kabanalan. Ipinagdiriwang natin ang kanyang
kapistahan tuwing Oktubre 24 taun-taon. Sa ating pag-dedebosyon sa kanya
natutularan natin ang kanyang mga katangian at lalo nating nararamdaman ang
kanyang pag-gabay sa atin.
Tugon ng Pananampalataya:
- Naniniwala ako na sa tulong ng panalangin ni San Rafael Arkanghel ay
papagalingin ang aking karamdamang pang kaluluwa at pang-katawan.
PANALANGIN:
O Dakilang Arkanghel, San Rafael, ikaw ay itinalaga ng Diyos upang aming
maging tagapagpagaling at gabay sa aming paglalakbay dito sa lupa patungo sa aming
makalangit na tahanan.
San Rafael Arkanghel, hinihiling namin sa iyo, na kami’y iyong tulungan sa lahat
ng aming mga gawain at sa lahat ng pagsubok at sakit na aming nararanasan sa aming
buhay dito sa lupa. Aming idinadalangin ang patuloy naming pagkakaroon ng mabuting
kalusugan
pisikal, mental, at ispiritwal na aming kailangan sa aming paglalakbay. Gabayan mo
kami lagi sa bawat hakbang na aming ginagawa upang buong pagtitiwala at tatag
kaming makapaglakbay tungo sa tahanan ng Ama. Iyo nawang paliwanagin ang aming
mga nag-aalinlangang puso at isipan dulot ng aming mga pagmamataas at
makamundong ambisyon upang Makita namin ng lubos ang ganap na kaligayahang
handog ng Ama sa lahat ng kanyang mga anak.
San Rafael Arkanghel, idulog mo nawa sa Diyos ang aming mga kahilingan.
Amen
Inihanda nina:
Joemer V. Aragon
Maria Vasquez
Parish of St. Raphael the Arachangel
3 | P a g e