1. Page1of2
WIKANG FILIPINO: MULA BALER HANGGANG SA BUONG PILIPINAS
Ikatlong Taon sa Sekundarya | Piyesapara sa Patimpalak |Oktubre 28, 2009
Pansangay na Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay
Karapatang-ari nina:
G. 留lpha陸hi 竜mjay(Nagsasanay) at G. Ryan DomingoVillamiel (Tagapagsanay)
mjpa.socstud.edu@e-mail.ph/arevalojed@gmail.com
Mabuhay!Mahal KitaSalamat!
Tatlong payak na salitang masarap bigkasin at matimyas pakinggan. Mga salitang
nagpapahiwatig ng pagkadakila, pagmamahal at pagpapahalaga. Nagpapakilala at nagsisilbing
simbolo ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.
Tunay na napakahalagang wika para sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan gayundin
sa pambansangpagkakaisaatkalinangan.Angwikaangnagsisilbingmidyum upang maipahayag
natin ang ating kaisipan, damdamin, layunin at mga adhikain. Itinuturing ito na kaluluwa ng
isangbansa na sumasalaminsakilos, gawi, tradisyon at kultura ng mga mamamayan. Alinmang
bansa sa daigdig na kabilang sa pinaka-industriyalisado ay nagtataglay at gumagamit ng isang
wikangnauunawaannglahat.Tayo rinay may malakingpotensyal para sa ibayong pagsulong at
kagalingan.
Maraming dekada na ang nalagas sa tangkay ng panahon. Noon kapag naglalakbay sa ibat
ibanglupalopngPilipinas ay mararamdaman mong ikay banyaga sa sariling bayan, sapagkat sa
bawatrehiyon,bawatlalawiganatpulo ay may umiiral na dayalekto. Panahon na kung susuriin
mo ay may pagkakawatak-watak at pagkakani-kaniya ang mga tao.
Marahil ito ang naging inspirasyon ni Ponciano Penida sa kanyang akdang Filipino: Isang
Depinisyon.Mababanaagditoang madilimnakasaysayan ng bansa na pinasidhi ng pananakop
ng mga dayuhan. Iginupo tayo sa pagdarahop at kamangmangan, inalisan ng karapatan at
pagkakakilanlan.Gayuman,iniluwal mulasasinapupunanngBalerangpag-asaupang mapag-isa
ang mahigit pitong libo at isang daang mga pulo. Sa pusod ng Luzon ay hinango, matapos ang
mabusising pag-aaral at proseso, ang wikang magiging kadluan ng madlang pangarap at
pambansang mithiin. Lumalabas ang isang kauutusan, mula sa wikang Tagalog na siyang
batayan,wikangFilipinoygagamitin sa buong kapuluuan. Gumapang patungo sa pinakadulong
pulong Pilipinassahilaga, ang Yami na sakop ng Batanes, hanggang sa pinakaliblib na lugar sa
Timog na bahagi, ang Salauag sa Tawi-tawi, ang napagkasunduang wikang pambansa.
2. Page2of2
Hindi man masasabing isang daang porsiyento ng ating mga kababayan ang nakapagsasalita
nito,hindi rinmapasususbalianangkatotohanangitoypatuloynapinag-aaralanatnauunawaan
saan mang rehiyon sa ating bansa. Patunay dito ang malaking impluwensiya ng media sa
anumanganyo nito.Higititonglalaganapkungpatuloynatingpagyayamaninatlilinanginsa mga
simpleng kaparaanang nalalaman natin.
Ang ating wika ay buhay at walang katapusan. Patuloy ang paglabas ng mga salitang
pampanitikan o pormal, pambansa o istandard, lalawiganin o rehiyonismo at maging salitang
kanto o balbal at salitang bakla o gay lingo.
Gamitindinnatinang wikangFilipino sa mga pang-araw-araw nating gawain at pakikisalamuha
sa kapwa, sa pag-aaral, sa pamamalengke, pagsimba, pakikipagtransaksyon at maging sa mga
piging o pagtitipon. Nakalulugod ding pakinggan ang mga pormulasyong panlipunan tulad
halimbawa ng magandang araw po, kumusta ka, paumanhin, kung maaari sana at
marami pang iba.
Bagaman at mayroong ilang pagsasalaula sa wika dala ng modernisasyon gaya ng nanyayari sa
paggamitng kagamitangelektroniko,ito ay mumuti lamang at hindi maiiwasan. Nakalulungkot
ding isipin na pati ang sentro ng pamahalaan at mga sangay nito ay patuloy sa paggamit ng
wikang banyaga sa mga kalatas nito. Mainam siguro na sila ang manguna at magsilbing tularan
para sa mga mamamayan lalo na ang tinatawag na masang Pilipino.
Huwag nating hayaang maparam ang pusot kaluluwa nating mga Pilipino. Simulan natin sa
ating sarili, pagbuklurin natin, pag-isahin at pagsamahin ang mga isla sa Luzon, Visayas at
Mindanao.
Mula Baler hanggang Batanes at Tawi-tawi
Isulong ang wikang Filipino!
Hindi kahapon, hindi bukas kundi ngayon!