際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
SANAYSAY
I.
Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikang nasusulat sa anyong
tuluyan na karaniwang pumapaksa
sa mga kaisipan at bagay-bagay na
sadyang kapupulutan ng aral at
aliw ng mga mambabasa.
SANAYSAY
I.
Sa uring ito, maibibilang ang mga sulating
pampahayagang gaya ng artikulo, natatanging pitak o
lathalain, at tudling; mga akdang pandalub-aral gaya ng
teksto, disertasyon, at diskuro; gayundin ang mga
panunuring pampanitikan at mga akdang
pampananaliksik. Halimbawa rito ay ang Its A Mens
World ni Bebang Siy, Anim na Sabado ng Beyblade ni
Ferdinand Jarin, at Personal ni Rene Villanueva at iba
pa.
I.
.
DALAWANG ANYO NG SANAYSAY
1. Ang pormal o maanyong sanaysay ay
nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling mga
salita, at pahayag na maingat na tinatalakay kayat
masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na
nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang
ganitong uri ng sanaysay ay karaniwang umaakay sa mga
mambabasang mag-isip nang malalim at paglakbayin ang
guniguni. Halimbawarito ay ang Tamang Pangangalaga ng
Kabayo ni Bernadette Biko.
I.
.
DALAWANG ANYO NG SANAYSAY
2. Ang pamilyar o di pormal o
tinatawag ding palagayang
sanaysay ay mapang- aliw,
mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtalakay sa
mga karaniwan, pang-araw-araw,
at personal na paksa.
 Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring naranasan
din ng mga mambabasa.
 Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkakaibigan kaya
magaan, madaling maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng
may-akda.
 Malimit itong nasa unang panauhan. Halimbawa rito ay ang Nais
mo bang Lumigaya? ni Regina Tabian.
 Ang dalawang uring ito ng sanaysay ay parehong nagbibigay-
kabatiran.
 Ang akdang Ang Ningning at Ang Liwanag ay
isang sanaysay na sosyo- historikal.
 Naglalayon itong ilarawan ang naging
kasaysayan ng lahing Pilipino sa kamay ng mga
mananakop na Espanyol na nagbubunsod sa
mithiing maikintal sa mambabasa ang
madamdaming nasyonalismo.
Narito ang ilang sipi mula sa nasabing akda.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang
pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang
dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan
at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na ningning,
lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng
ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa
kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng
kapangyarihan.
 Dahilan ang pangunahing katangian ng sanaysay
ay ang pagkasarili nito ng may-akda,
naipapahayag ng sumulat ang kanyang sariling
pananaw, kuro-kuro, at damdamin sa kanyang
sariling estilo o pamamaraan.
 Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa
tatlong bahagi o tatlong elemento nito 
panimula, katawan, at wakas.
SANAYSAY
1. Tema  madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ang
sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay
nagpapalinaw ng temang ito.
2. Anyo at Istruktura  ang anyo at estruktura ng sanaysay ay mahalaga
sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang
maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong
sa mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay.
3. Kaisipan  ito ang mga ideyang nababanggit na may kaugnayan o
nagpapalinaw sa tema.
4. Wika at Estilo  ang uri at antas ng wika maging estilo ng pagkakagamit
ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting
gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
SANAYSAY
5. Larawan ng Buhay  nailalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang may-akda.
6. Damdamin  naipapahayag ng isang magaling na may-
akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
7. Himig - nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng
damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba
pa.
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag
ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay- bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat ng araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayoy huwag mabighani sa ningning.
Ang Ningning at Liwanag
ni Emilio Jacinto
Sa katunayan ng masamang kaugalian:
Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na
hinihila ng kabayong matulin. Tayoy magpupugay at
ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.
Datapuay marahil naman ay isang magnanakaw,
marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal
na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang sukaban.
Ang Ningning at Liwanag
ni Emilio Jacinto
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayoy
napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapuay maliwanag nating nakikita sa pawis ng
kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang kawatawan na siyay nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na ningning, lalong-lalong
na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga
sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayoy mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig
mabuhay sa dugo n gating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ang Ningning at Liwanag
ni Emilio Jacinto
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang
maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagkat di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi
hihiwalay sa maliwanang na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang hindi
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang
kagallingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at
maliwanag na mapapatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng
katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, matututo kaya na kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
Ang Ningning at Liwanag
ni Emilio Jacinto
Pagtataya
IV.Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang
papel ang titik nang inyong sagot.
1. Ang sumulat ng sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag.
a.Emilio Aguinaldo c. Emilio Jacinto
b.Graciano Jacinto d. Graciano Villar
2. Ang kaliluhan at katampalasan ay humahanap ng ningning upang
huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad, mahinhin at maliwanag na napatatanaw sa paningin., anong
bahagi ito ng sanaysay?
a.Karagdagan c. katawan panimula
b.katawan d. wakas
3. Ito ay isang teoryang pampanitikan na naglalayong ilarawan ang naging
kasaysayan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan
itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
a.Biyograpikal c. sosyolohikal
b.Moralismo d. sikolohikal
4. Sa iyong palagay, kailan naisulat ang Ang Ningning at Ang Liwanag?
a.Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Hapon
b.Panahon ng Espanyol d. Panahon ng Intsik
5. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na sanay at .
a.Depensa c. lahad
b.Kwento d. salaysay
6. Ano ang tawag sa isang sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha,
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang- araw-araw na pangyayari,
alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao?
a.maikling kuwento c. talambuhay
b.sanaysay d. talumpati
7. Ano ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa?
a.Pormal c. di-pormal
b.Ganapd. di-ganap
8. Ano naman ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang
magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal?
a.Pormal c. di-pormal
b.Ganap d. di-ganap
9. Ito ay pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan
ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng damdamin.
a.Katawan c. panimula
b.pamagat d. wakas
10. Ito ay bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos
ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
a.Katawan c. panimula
b.Pamagat d. wakas
11. Ito naman ay bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa
katawan ng sanaysay.
a.Katawan c. panimula
b.Pamagat d. wakas
12. Ito ang elemento ng sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin ng pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b.kaisipan d. wika at istilo
13. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad ng mga ideyang nabanggit na kaugnay o
panlinaw sa tema
.
a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b.kaisipan d. wika at istilo
14. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad nang maayos na
pagkakasunod- sunod ng ideya o pangyayari.
a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b.kaisipan d. wika at istilo
15. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting
gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b. kaisipan d. wika at istilo
Panimula sa umpisa, una,unang-una,noong una,
Gitna
sunod, kasunod, kinabukasan,
dagdag pa nito, bukod pa
rito, pagkatapos, ikalawa,ikatlo
Wakas
sa bandang huli, sa madaling salita,s
amakatuwid
Narito ang ilang karagdagang pananda na maaaring gamitin sa
panimula, gitna at wakas ng isang akda:
sanaysay.pptx

More Related Content

sanaysay.pptx

  • 2. I. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. SANAYSAY
  • 3. I. Sa uring ito, maibibilang ang mga sulating pampahayagang gaya ng artikulo, natatanging pitak o lathalain, at tudling; mga akdang pandalub-aral gaya ng teksto, disertasyon, at diskuro; gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pampananaliksik. Halimbawa rito ay ang Its A Mens World ni Bebang Siy, Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Jarin, at Personal ni Rene Villanueva at iba pa.
  • 4. I. . DALAWANG ANYO NG SANAYSAY 1. Ang pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat na tinatalakay kayat masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at paglakbayin ang guniguni. Halimbawarito ay ang Tamang Pangangalaga ng Kabayo ni Bernadette Biko.
  • 5. I. . DALAWANG ANYO NG SANAYSAY 2. Ang pamilyar o di pormal o tinatawag ding palagayang sanaysay ay mapang- aliw, mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa.
  • 6. Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring naranasan din ng mga mambabasa. Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkakaibigan kaya magaan, madaling maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng may-akda. Malimit itong nasa unang panauhan. Halimbawa rito ay ang Nais mo bang Lumigaya? ni Regina Tabian. Ang dalawang uring ito ng sanaysay ay parehong nagbibigay- kabatiran.
  • 7. Ang akdang Ang Ningning at Ang Liwanag ay isang sanaysay na sosyo- historikal. Naglalayon itong ilarawan ang naging kasaysayan ng lahing Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Espanyol na nagbubunsod sa mithiing maikintal sa mambabasa ang madamdaming nasyonalismo.
  • 8. Narito ang ilang sipi mula sa nasabing akda. Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na ningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
  • 9. Dahilan ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagkasarili nito ng may-akda, naipapahayag ng sumulat ang kanyang sariling pananaw, kuro-kuro, at damdamin sa kanyang sariling estilo o pamamaraan. Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa tatlong bahagi o tatlong elemento nito panimula, katawan, at wakas.
  • 10. SANAYSAY 1. Tema madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito. 2. Anyo at Istruktura ang anyo at estruktura ng sanaysay ay mahalaga sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay. 3. Kaisipan ito ang mga ideyang nababanggit na may kaugnayan o nagpapalinaw sa tema. 4. Wika at Estilo ang uri at antas ng wika maging estilo ng pagkakagamit ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
  • 11. SANAYSAY 5. Larawan ng Buhay nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda. 6. Damdamin naipapahayag ng isang magaling na may- akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan. 7. Himig - nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
  • 12. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay- bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay maraya. Ating hanapin ang liwanag; tayoy huwag mabighani sa ningning. Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
  • 13. Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayoy magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapuay marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang sukaban. Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
  • 14. Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayoy napapangiti, at isasaloob. Saan kaya ninakaw? Datapuay maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang kawatawan na siyay nabubuhay sa sipag kapagalang tunay. Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na ningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Tayoy mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo n gating mga ugat at magbalat-kayong maningning. Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
  • 15. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanang na banal na landas ng katuwiran. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagallingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapapatanaw sa paningin. Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, matututo kaya na kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
  • 17. IV.Pagtataya Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel ang titik nang inyong sagot. 1. Ang sumulat ng sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag. a.Emilio Aguinaldo c. Emilio Jacinto b.Graciano Jacinto d. Graciano Villar 2. Ang kaliluhan at katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin at maliwanag na napatatanaw sa paningin., anong bahagi ito ng sanaysay? a.Karagdagan c. katawan panimula b.katawan d. wakas
  • 18. 3. Ito ay isang teoryang pampanitikan na naglalayong ilarawan ang naging kasaysayan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. a.Biyograpikal c. sosyolohikal b.Moralismo d. sikolohikal 4. Sa iyong palagay, kailan naisulat ang Ang Ningning at Ang Liwanag? a.Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Hapon b.Panahon ng Espanyol d. Panahon ng Intsik
  • 19. 5. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita na sanay at . a.Depensa c. lahad b.Kwento d. salaysay 6. Ano ang tawag sa isang sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pang- araw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao? a.maikling kuwento c. talambuhay b.sanaysay d. talumpati 7. Ano ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa? a.Pormal c. di-pormal b.Ganapd. di-ganap
  • 20. 8. Ano naman ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal? a.Pormal c. di-pormal b.Ganap d. di-ganap 9. Ito ay pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng damdamin. a.Katawan c. panimula b.pamagat d. wakas 10. Ito ay bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay. a.Katawan c. panimula b.Pamagat d. wakas
  • 21. 11. Ito naman ay bahagi ng sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. a.Katawan c. panimula b.Pamagat d. wakas 12. Ito ang elemento ng sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa layunin ng pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman b.kaisipan d. wika at istilo 13. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad ng mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema . a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman b.kaisipan d. wika at istilo
  • 22. 14. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad nang maayos na pagkakasunod- sunod ng ideya o pangyayari. a.anyo at istruktura c. tema at nilalaman b.kaisipan d. wika at istilo 15. Ang elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag. a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman b. kaisipan d. wika at istilo
  • 23. Panimula sa umpisa, una,unang-una,noong una, Gitna sunod, kasunod, kinabukasan, dagdag pa nito, bukod pa rito, pagkatapos, ikalawa,ikatlo Wakas sa bandang huli, sa madaling salita,s amakatuwid Narito ang ilang karagdagang pananda na maaaring gamitin sa panimula, gitna at wakas ng isang akda: