1. J U D I C I A RY D E PA RT M E N T
SANGAY
PANGKATARUNGAN
2. SANGAY PANGKATARUNGAN
Ang sangay na ito ang may kapangyarihan magbigay ng
interpretasyon sa mga batas
Ang sangay na ito lamang ang makapagsusuri sa mga
kaso, makapagbibigay ng sarili nitong
pagpapakahulugan sa batas, at makapaglalapat ng mga
batas na ito sa mga partikular na kasong dinidinig
3. MGA URI NG BATAS
Mayroong dalawang pangunahing uri ng batas na umiiral sa
ating bansa
a) Ayon sa kung sino ang pinangangalagaan at nasasangkot
Saklaw nito ang mga batas sibil at batas kriminal
a) Ayon sa kung sino ang gumawa nito
Kasama dito ang mga batas ayon sa Konstitusyon, mga batas na mula sa
sangay na lehislatibo, mga kautusang nagmumula sa ehekutibo at mga
desisyon ng Korte Suprema na may bisa ng batas
4. BATAS SIBIL
Tumutukoy sa ugnayan ng mga pribadong indibidwal at
korporasyon
Saklaw nito ang mga usapin sa pagmamay ari at
pagbabayad pinsala sa pagitan ng mga tao at negosyo
Nilalayon nitong pangalagaan ang interes at kapakanan
ng mamamayan at lutasin ang mga pribadong hindi
pagkakasunduan
5. Sumasaklaw sa mga kasong itinuturing na krimen ng
batas
Maaaring ang kaso ay nasa kategoryang hindi mabibigat
na paglabag sa batas o misdemeanor o kaya naman ay
mabibigat na mga krimen tulad ng pagpatay,
panggagahasa, arson atbp.
Kadalasang isinasampa ng pamahalaan laban sa
akusado
Halimbawa : People of the Philippines vs. ________________
BATAS KRIMINAL
6. ANG KATAAS TAASANG HUKUMAN
Korte Suprema ang pinakamataas na hukuman sa
bansa
Itinatakda ng Saligang Batas ang nasasaklawan ng
Korte Suprema
Dito pinakahuling idinudulog ang mga kasong
napagpasyahan na ng mga mababang korte
Dito rin maaaring dalhin ang mga kasong
kinasasangkutan ng mga tratado at kasunduang
ehekutibo at pang - internasyonal
7. ANG ISTRUKTURA NG SANGAY PANGHUKUMAN
Korte Suprema
(Punong Hukom + 14 na Katulong na Hukom)
Court of Appeals
(Presiding Judge + 50 Katulong na Hukom)
Sandiganbayan
Regional Trial Courts
(13 RTC + 772 Hukom ng RTC)
Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court,
Municipal Circuit Trial Courts
8. MGA KAPANGYARIHAN NG KORTE
SUPREMA
Pagdinig sa mga kaso laban sa mga embahador,
ministrong pampubliko at mga konsul
Pagbibigay ng paliwanang sa Konstitusyon at
pagpapawalang bisa sa anumang batas na
sumasalungat sa diwa nito
Hukuman ng huling paghahabol na muling pinag
aaralan ang mga kapasyahan ng mababang hukuman
9. MGA KAPANGYARIHAN NG KORTE
SUPREMA
Pag aaral sa lahat ng paghahabol sa mga parusang
pamhabambuhay na pagkabilanggo at kamatayan
Pagdisiplina sa mga hukom ng mababang hukuman o
ipag utos ang pagpapaalis sa kanila
Paghirang ng mga opisyal at empleyado ng hukuman
ayon sa itinakda ng Batas ng Sebisyo Sibil
10. MGA KAPANGYARIHAN NG KORTE
SUPREMA
Pagpapatupad sa mga tuntunin sa paraan at gawain ng
hukuman, pagtanggap sa pagiging manananggol at
pagkaloob ng tulong na legal sa mahihirap
Pag utos ng paglipat ng lugar ng paglilitis
11. COURT OF APPEALS
Nagbibigay rin ng pagkakataon ang ating hukuman na
muling ipasuri ang mga kaso at magbakasakaling
mabago ang naging desisyon ng korte
Ito ay may kapangyarihang dinggin ang mga kasong sibil
at kriminal na nabigyan na ng desisyon ng mga
mababang hukuman
Dito inihahapag ang mga kasong nadesisyunan na sa
ibang hukuman
12. COURT OF APPEALS
Maaaring gawin ng Court of Appeals ang alinman sa
sumusunod:
a) Baiktarin ang naging desisyon ng mababang hukuman
b) Ibalik ang kaso sa mga mababang hukuman upang muli itong
litisin
c) Pagtibayin ang naging desisyon ng mababang hukuman
13. REGIONAL TRIAL COURT
Mas malawak ang saklaw ng mga hukom sa korteng ito
kaysa sa mga korteng munisipal at metropolitan
Dito ginagawa ang paglilitis sa mga kasong may
kabigatan tulad ng mga heinous crimes
14. METROPOLITAN, MUNICIPAL AT
MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURTS
Ang mga kasong idinudulog sa mga korteng ito ay maliliit
at karaniwang kinasasangkutan ng mga hindi mabibigat
na paglabag sa batas
Nilikha ito para sa mga lugar na tinatawag na
metropolitan tulad ng Kamaynilaan
Mayroong nakatalagang MTC sa bawat lungsod sa
Rehiyon ng Pambansang Kabisera upang dinggin ang
mga kaso
15. METROPOLITAN, MUNICIPAL AT
MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURTS
Nilikha naman ito para sa mga kaso sa antas ng
munisipyo at lungsod na hindi kabilang sa mga lugar na
tinatawag na metropolitan
Para naman ito sa maliliit na pinagsama samang
munisipalidad
16. JUDICIAL AND BAR COUNCIL
Binuo ni dating pangulong Corazon Aquino noong 1896
Ang Konsehong ito ang pumipili ng mga hukom na
inilalagay sa mga korte
Ginawa ito bilng pagbabantay sa mga abusong nangyari
noon kung saan bukod tanging Pangulo lamang ng
bansa ang maaaring pumili ng mga bubuo ng hukuman
17. SANDIGANBAYAN
Nilikha ang hukumang ito noong Hunyo 1978 sa bisa ng
Presidential Dcree 1486
Ang sandiganbayan ay kapantay ng Court of Appeals
Dito dinidinig ang mga kaso ng katiwalian ng mga
kawani ng gobyerno
Binubo ng isang Presiding Judge at walong katulong na
hukom na pinili ng Pangulo
18. TANODBAYAN
Nilikha noong 1978 sa bisa ng Presidential Decree 1487
Ang Tanodbayan ang tumatayong Tanggapan ng
Ombudsman
Dito isinasampa at iniimbestigahan ang mga reklamo
laban sa mga ahensya ng pamahalaan
19. SHARIAH COURTS
Itinatag noong Pebrero 1977 sa bisa ng Presidential
Decree 1083 o ang Cose of Muslim Personal Laws in the
Philippines
Nakita ng pamahalaan ang pangangailangang kilalanin
ang malaking populasyon ng mga Muslim sa bansa at
ang partikular na katangian ng kanilang relihiyon
Ang mga korteng ito ay pangunahing matatagpuan sa
mga lungsod at lalawigan sa Mindanao
20. COURT OF TAX APPEALS
Nilikha ito noong Hunyo 1954 sa bisa ng Republic Act
1125
Ito ang nagrerebyu ng mga desisyon ng Bureau of
Internal Revenue, Bureau of Customs, at Board of
Assessment Appeals
Ito ang tanging hukuman sa bansa na dumidinig sa mga
kasong inihaharap ng mga indibidwal at negosyo tungkol
sa halaga ng buwis na ipinapataw sa kanila