Ang sinaunang Roma ay matatagpuan sa tangway ng Italya, isang bota sa gitna ng Dagat Mediteraneo, na napapalibutan ng mga bundok at mayaman sa lupa para sa agrikultura. Mula sa pagkakatatag nito sa pamamagitan ng kambal na sina Romulus at Remus, ang Roma ay naging isang makapangyarihang republika at kalaunan ay isang emperyo, kung saan sina Julius Caesar at Augustus Caesar ang mga prominenteng lider. Mahahalagang ambag ng Roma ang kanilang batas, panitikan, at mga ingenyero, na nag-iwan ng malaking impluwensya sa modernong sibilisasyon.