際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX EKONOMIKS
JOAN A. ANDRES
I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang agrikultura;
b. Natutukoy at naipapaliwanag ang mga gawaing bumubuo sa Sektor ng Agrikultura;
c. Napahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya at bansa; at
d. Nakapagtatanghal ng isang advocacy campaign upang maisulong ang agrikultura.
II. Nilalaman:
a. Paksa: Sektor ng Agrikultura
> Ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at sa
bansa
b. Sanggunian: Ekonomiks ni Jodi Mylene Lopez, et.al; pahina mula 162-165.
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan  Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
c. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, LCD Projector, mga cut-outs, at iba pa.
III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
b. Balik-aral:
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral hinggil sa nakaraang talakayan.
c. Paglalahad:
1. Pagganyak
HULA-AKTING
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang guro ay tatawag ng dalawang
kinatawan sa bawat grupo. Ang mga kinatawan sa bawat grupo ay bubunot sa mahiwagang
sobre at ilalarawan ang nabunot gamit ang aksyon ng hindi nagsasalita. Mag-uunahan sa
paghula ng salita ang bawat grupo. Ang unang grupong makakasagot ay mabibigyan ng
puntos. Pagkatapos mahulaan ang lahat ng salita sa sobre ay matutukoy ng mga mag-aaral
ang paksang-aralin at mabibigyang kahulugan ang agrikultura.
2. Pagtalakay
Ang guro ay aatasan ang bawat grupo na tukuyin ang mga sub-sektor ng agrikultura sa
pamamagitan ng 4-pics-1-word na laro. Ang mauunang grupo ay mabibigyan ng puntos para sa
kanilang recitation. Pagkatapos ay hihingin ng guro ang pangunahing ideya ng mga ito sa bawat
sub-sector. Mapapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral gamit ang socratic method.
3. Pagpapahalaga:
Maipapahayag ng bawat pangkat ang kahalagahan ng sub-sektor ng agrikultura na nakaatas
sakanila sa pag-unlad ng bansa gamit ang acrostic. Bibigyan ang bawat pangkat ng tatlong
minuto para makagawa at dalawang minuto para makapagtanghal sa harap. Ang guro ay
magbibigay ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura.
4. Paglalahat:
Mapapanood ng mga mag-aaral ang isang maikling video clip hinggil sa Hamon sa agrikultura.
Pagkatapos mapanood ay aatasan ng guro ang bawat grupo na mag-isip ng maikling advocacy
campaign na may layuning isulong ang agrikutura. Matapos mag brainstorm sa loob ng limang
minuto, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng limang (5) minuto upang ipakita ang kanilang
gawa.
IV. Pagtataya:
Sasagutan ang mga katanungan hinggil sa sektor ng agrikultura.
V. Kasunduan:
Ang mga mag-aaral ay aatasang hanapin sa libro o internet ang kahulugan ng mahahalagang termino
tungkol sa sektor ng Industriya.

More Related Content

Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan

  • 1. MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX EKONOMIKS JOAN A. ANDRES I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nabibigyang kahulugan ang agrikultura; b. Natutukoy at naipapaliwanag ang mga gawaing bumubuo sa Sektor ng Agrikultura; c. Napahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya at bansa; at d. Nakapagtatanghal ng isang advocacy campaign upang maisulong ang agrikultura. II. Nilalaman: a. Paksa: Sektor ng Agrikultura > Ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa b. Sanggunian: Ekonomiks ni Jodi Mylene Lopez, et.al; pahina mula 162-165. EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 c. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, LCD Projector, mga cut-outs, at iba pa. III. Pamamaraan: a. Panimulang Gawain: 1. Pambungad na Panalangin 2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid b. Balik-aral: Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral hinggil sa nakaraang talakayan. c. Paglalahad: 1. Pagganyak HULA-AKTING Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang guro ay tatawag ng dalawang kinatawan sa bawat grupo. Ang mga kinatawan sa bawat grupo ay bubunot sa mahiwagang sobre at ilalarawan ang nabunot gamit ang aksyon ng hindi nagsasalita. Mag-uunahan sa paghula ng salita ang bawat grupo. Ang unang grupong makakasagot ay mabibigyan ng puntos. Pagkatapos mahulaan ang lahat ng salita sa sobre ay matutukoy ng mga mag-aaral ang paksang-aralin at mabibigyang kahulugan ang agrikultura. 2. Pagtalakay Ang guro ay aatasan ang bawat grupo na tukuyin ang mga sub-sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng 4-pics-1-word na laro. Ang mauunang grupo ay mabibigyan ng puntos para sa kanilang recitation. Pagkatapos ay hihingin ng guro ang pangunahing ideya ng mga ito sa bawat sub-sector. Mapapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral gamit ang socratic method. 3. Pagpapahalaga: Maipapahayag ng bawat pangkat ang kahalagahan ng sub-sektor ng agrikultura na nakaatas sakanila sa pag-unlad ng bansa gamit ang acrostic. Bibigyan ang bawat pangkat ng tatlong minuto para makagawa at dalawang minuto para makapagtanghal sa harap. Ang guro ay magbibigay ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura. 4. Paglalahat: Mapapanood ng mga mag-aaral ang isang maikling video clip hinggil sa Hamon sa agrikultura. Pagkatapos mapanood ay aatasan ng guro ang bawat grupo na mag-isip ng maikling advocacy campaign na may layuning isulong ang agrikutura. Matapos mag brainstorm sa loob ng limang minuto, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng limang (5) minuto upang ipakita ang kanilang gawa. IV. Pagtataya: Sasagutan ang mga katanungan hinggil sa sektor ng agrikultura. V. Kasunduan: Ang mga mag-aaral ay aatasang hanapin sa libro o internet ang kahulugan ng mahahalagang termino tungkol sa sektor ng Industriya.