際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
1
DioceseofDaet
ParishofSt.RaphaeltheArchangel
Basud, Camarines Norte
4608 Philippines
Rito ng Pagsusugo at Pagpapanibago ng Pangako ng mga Katekista
PANIMULA
Commentator:
Ang Diyos na ating Ama ay nagkaloob ng dakilang biyaya at ito ay ang
Mabuting Balita na si Hesus na Kanyang Anak ay nagkatawang-tao ay
nakipamuhay sa atin. Sa Kanyang pakikiisa sa atin, binahaginan Niya tayo
ng tungkuling pangalagaan ang ating kapwa at ipahayag ang Mabuting
Balitang ating tinanggap.
Ilan sa ating mga kapatid sa ating parokya ay tumugon sa natatanging
paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtuturo ng katekesis sa mga
kabataan natin.
Atin pong masasaksihan ngayon ang pagtanggap, pagtatalaga
pagpapanibago ng pangako at pagsusugo ng mga katekista ng ating parokya.
Ipagdasal natin sila upang sila ay maging dalisay sa pagpapahayag ng turo
ni Kristo at naway lumago sila sa kanilang buhay pananampalataya at sa
pag-ibig ng Diyos. Sila ay ipakikilala ni Bro. Joemer V. Aragon ang
Assistant Parish Catechists Coordinator for Education.
PAGTAWAG
Asst. Catechists Coordinator- Education:
Reb. Padre Rogelio P. Yarte, Jr., malugod ko pong ipinapakilalang muli sa
inyo ang mga katekista ng ating parokya sa panuruang taon 2017-2018 na
nais magpanibago ng kanilang pangako bilang isang katekista ng ating
Parokya. Kami po ay dumaan sa isang pagninilay at pananalangin.
Commentator:
Tatawagin isa-isa ang mga katekistang magpapanibago ng pangako. Sila po
ay tatayo at sasabihing NARITO PO AKO at lalakad sa altar kasama
ang kanilang mga sponsor/s.
2
Asst. Catechists Coordinator- Education: Ang mga katekistang isusugo at magpapanibago
ng pangako ay mangyaring tumayo pagkatapos tawagin ang kanilang
pangalan kasama ang kanilang sponsor/s.
Maria Vasquez Lourdes Reyes
Joemer Aragon Helen Canchela
Maria Yolanda Fajardo Elma Nicolas
Thelma Batas Eden Arciga
Lilia Orendain Dustin Malaluan
Angelita Silvio Leticia Fulgueras
Nilda Cano Zenaida Andaya
Silveria Qui単ones Janeth Arciga
Emily Albao Juliet Reyes
Josephine Samio Edna Nipas
Luzviminda Auxilio Grace Abarca
Lilia Urbano
Pari
Kayo ba ay muling nangangako na maglilingkod sa ating
parokya bilang isang volunteer Catechist?
Katekista
Opo, nangangako ako.
Pari
Ang Panginoon ang tumawag sainyo, naway biyayaan at
pabanalin ng Diyos ang mga gawaing ipinagkatiwala sainyo.
Mga minamahal kong katekista, kayo ay tumugon sa tawag
upang magdala, magpahayag at magbahagi ng Mabuting Balita
sa pamamagitan ng mga gawaing pang- katekesis. Sa
kapangyarihan ng Simbahan at sa ngalan ng bayan ng Diyos ng
parokya ni San Rafael Arkanghel, ay kayoy aking isinusugo na
magdala, magpahayag at magbahagi ng salita ng Diyos.
Naway maging tunay na saksi kayo ng Kanyang salita at gawa.
Ang Espiritung Banal ang tumawag sa inyo upang maging
daluyang ng mga biyaya
3
Tinawag kayo upang maglingkod sa bayan ng Diyos. Kayo ba
ay nangangakong dadalhin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan
ng panalangin, pagtuturo at pagiging saksi nito?
Katekista: Opo, nangangako ako
Pari
Kayo ba ay nangangako na ipagpapatuloy ang inyong
paglilingkod na inyong sinimulan lalo na sa apostolado ng
katekesis?
Katekista: Opo, nangangako ako
Pari
Kayo ba ay na ngangako na maging bukas sa inspirasyon ng
Espiritu Santo at handang magbahagi nito sa inyong kapwa?
Katekista: Opo, nangangako ako
Pari
Kayo ba ay nangangako na dadalo sa lahat ng mga
paghuhubog upang lalong mapalalim ang inyong personal at
espiritwal na ugnayan sa Diyos at sa inyong kapwa
Katekista: Opo, nangangako ako
Pari
Itaas ninyo ang inyong kanang kamay at sabay-sabay ninyong
dadasalin ang panalangin ng Pagtatalaga ninyo bilang mga
Katekista ng ating Parokya.
Katekista:
PANALANGIN SA PAGTATALAGA NG MGA KATEKISTA
Diyos Amang Makapagkalinga sa iyong kagandahang-Loob at mapagpalang pagkalinga
ay pinili at hinirang Mo kaming mga Katekista upang tahakin ang buhay-kabanalan.
Kasama ni Jesus na aming Kapatid, tinawag Mo kaming makiumisa sa Kanyang
misyong pagka-Hari, pagka-pari, at pagka-Propeta.
4
Sa tulong Mo, itinatalaga naming muli ang aming mga sarili ngayong taong 2017-2018
sa paghuhubog na isinasagawa ng Komisyon ng Katekesis dito sa aming diyosesis, sa
pagtuturo sa mga kabataan sa paaralan, at pagbibigay ng katekesis sa mga
mananampalataya sa aming parokya.
Isinugo Mo ang iyong Banal na Espiritu upang ipagkaloob sa amin ang mga biyayang
aming kinakailangan sa ministeryong ito para sa kapakanan ng higit na nakararaming
kaanib ng Simbahan at para sa ikaluluwalhati ng iyong banal na pangalan.
Buong kagalakan kaming nagpapasalamat sa palagian Mong pamamatnubay sa amin
simula pa man nang kamiy iyong likhain, sa araw-araw naming paglalakbay sa
pananampalataya higit sa aming pag-asang saw akas ng panahon, ikay makakasama
namin sa kalangitan.
Sa pamamagitan ng presensiya ng Santissima Trinidad, naway makapaglingkod
kaming tunay at may buong katapatan upang ang aming pagkakasugo at pagtatalaga
ngayong araw na ito bilang mga katekista ng Parokya ni San Rafael Arkanghel ay
maging buhay na tanda ng mahabaging awa ng Diyos na nakakatagpo namin sa Banal
na Eukaristiya.
Nananalig kami na sa Binyag ay tinanggap namin ang kapangyarihang maging mga
lingkod. kaya. kaisa ng lahat ng mga katekista sa buong Diyosesis ng Daet, itinatalaga
namin na kamiy maglilingkod sa ikatatatag at ikalalago ng aming Diyosesis at Parokya
sa patnubay ng aming Kura-Paroko at ng mga tagapaghubog ng Komisyon ng
Katekesis.
Kaisahan nawa kami ng Diyos, sa tulong ng panalangin ng ating Inay Candi, San Rafael
Arkanghel at ng Patron ng mga Katekista na sina San Lorenzo Ruiz at Pedro Calungsod.
Amen.
Pari
Tinatanggap ko ang inyong pagtatalaga at pangako bilang mga
katekista ng ating parokya. Kaisa ninyo ako sa pagpapahayag
ng Mabuting Balita. Naway gabayan kayo ng Banal na
Espiritu sa mga gawaing ito at patuloy na tumugon sa Kanyang
tawag.
Commentator:
Ngayon ay isasagawa nila ang paghalik sa Krus. Ang paghalik sa KRUS ay
tanda ng kanilang paglilingkod at pagtatalaga habang hawak-hawak nila ang
kandila na simbolo ni Kristo, ang tatanglaw sa kanilang gawain, habang kanilang
hinahalikan ang Krus nakapatong ang kanilang kamay sa Banal na kasulatan ito
ang Salita ang Diyos na kanilang ipinapapahayag tanda ng kanilang pagtugon,
pagsunod at maalab na pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa. Ang mga sponsor ng
mga katekista ay nakapatong ang kanilang kanang kamay sa kanang balikat tanda
ng kanilang patuloy na pagsuporta at pagtulong sa gawaing pang-katekesis.
5
Pari
Halikan ninyo ang Krus tanda ng iyong paglilingkod kay
Kristo at sa Inang Simbahan. Naway patuloy kayong
magpahayag ng Mabuting Balita ng may pananampalataya sa
Diyos. Sa ngalan ng +Ama ng Anak at ng Espiritu Santo.
Katekista
Amen
Isa-isang lalapit at luluhod ang maga katekista kasama ang kanilang sponsor/s
(pagkatapos ng paghalik sa krus ay isusunod ang panalangin ng mga katekista)
Commentator:
Magsiluhod po ang lahat para sa panalangin ng mga katekista
Katekista :
PANALANGIN NG MGA KATEKISTA
Amang makapangyarihan kamiy dumadalangin sa Iyo Naway pagpalain
Mo kaming iyong mga katekista Sa daigdig na ito na magulo at madilim,
Kamiy hinirang Mo upang maging tagapagpahayag ng iyong Salita.
Panginoong Jesus, gawin Mong kami ay maging kaisa Mong lagi Sapagkat
kami ay sa iyo. Nawa ang hiwaga ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay
ang siyang Pagbuhatan ng tunay naming pagmamalasakit para sa kaligtasan
ng lahat.
Halina Espiritung Banal, liwanag at aming gabay,
Manatili ka nawa sa aming piling. Gawin Mo kaming tagapaghatid ng iyong
pagmamahal kung saan nagkukulang nito.
O Maria, Ina at huwaran naming mga katekista,
Tulungan Mo kaming maging tapat na tulad mo.
Naway maitanim namin sa aming puso ang Salita ng Diyos
At mamuhay ayon sa aming pananampalataya.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo Kami.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami
San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo Kami
(pagwiwisik ng banal na tubig)
6
Pari
Mga kapatid malugod ko pong inihaharap sa inyo ang mga
Katekista ng ating parokya. Bigyan po natin sila ng masigabong
palakpakan tanda ng ating pagtanggap at pagsuporta sa kanila.
(haharap ang mga katekista sa mga tao sabay ang pag BOW)
7
Asst. Coordinator:
Ngayon po ay bibigyan natin ng parangal ang mga naging katekista
ng ating parokya na naglingkod sa mahabang panahon. Kung
mangyari po ay lumapit sa altar kapag tinawag ang inyong
pangalan:
Sis. Gertrudes Alvarez Sis. Leonora Nery
Sis. Amelita Banal Sis. Clarita Delos Santos
Pari
Mga Kapatid bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan.

More Related Content

Sending off and renewal 2017-2018

  • 1. 1 DioceseofDaet ParishofSt.RaphaeltheArchangel Basud, Camarines Norte 4608 Philippines Rito ng Pagsusugo at Pagpapanibago ng Pangako ng mga Katekista PANIMULA Commentator: Ang Diyos na ating Ama ay nagkaloob ng dakilang biyaya at ito ay ang Mabuting Balita na si Hesus na Kanyang Anak ay nagkatawang-tao ay nakipamuhay sa atin. Sa Kanyang pakikiisa sa atin, binahaginan Niya tayo ng tungkuling pangalagaan ang ating kapwa at ipahayag ang Mabuting Balitang ating tinanggap. Ilan sa ating mga kapatid sa ating parokya ay tumugon sa natatanging paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtuturo ng katekesis sa mga kabataan natin. Atin pong masasaksihan ngayon ang pagtanggap, pagtatalaga pagpapanibago ng pangako at pagsusugo ng mga katekista ng ating parokya. Ipagdasal natin sila upang sila ay maging dalisay sa pagpapahayag ng turo ni Kristo at naway lumago sila sa kanilang buhay pananampalataya at sa pag-ibig ng Diyos. Sila ay ipakikilala ni Bro. Joemer V. Aragon ang Assistant Parish Catechists Coordinator for Education. PAGTAWAG Asst. Catechists Coordinator- Education: Reb. Padre Rogelio P. Yarte, Jr., malugod ko pong ipinapakilalang muli sa inyo ang mga katekista ng ating parokya sa panuruang taon 2017-2018 na nais magpanibago ng kanilang pangako bilang isang katekista ng ating Parokya. Kami po ay dumaan sa isang pagninilay at pananalangin. Commentator: Tatawagin isa-isa ang mga katekistang magpapanibago ng pangako. Sila po ay tatayo at sasabihing NARITO PO AKO at lalakad sa altar kasama ang kanilang mga sponsor/s.
  • 2. 2 Asst. Catechists Coordinator- Education: Ang mga katekistang isusugo at magpapanibago ng pangako ay mangyaring tumayo pagkatapos tawagin ang kanilang pangalan kasama ang kanilang sponsor/s. Maria Vasquez Lourdes Reyes Joemer Aragon Helen Canchela Maria Yolanda Fajardo Elma Nicolas Thelma Batas Eden Arciga Lilia Orendain Dustin Malaluan Angelita Silvio Leticia Fulgueras Nilda Cano Zenaida Andaya Silveria Qui単ones Janeth Arciga Emily Albao Juliet Reyes Josephine Samio Edna Nipas Luzviminda Auxilio Grace Abarca Lilia Urbano Pari Kayo ba ay muling nangangako na maglilingkod sa ating parokya bilang isang volunteer Catechist? Katekista Opo, nangangako ako. Pari Ang Panginoon ang tumawag sainyo, naway biyayaan at pabanalin ng Diyos ang mga gawaing ipinagkatiwala sainyo. Mga minamahal kong katekista, kayo ay tumugon sa tawag upang magdala, magpahayag at magbahagi ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga gawaing pang- katekesis. Sa kapangyarihan ng Simbahan at sa ngalan ng bayan ng Diyos ng parokya ni San Rafael Arkanghel, ay kayoy aking isinusugo na magdala, magpahayag at magbahagi ng salita ng Diyos. Naway maging tunay na saksi kayo ng Kanyang salita at gawa. Ang Espiritung Banal ang tumawag sa inyo upang maging daluyang ng mga biyaya
  • 3. 3 Tinawag kayo upang maglingkod sa bayan ng Diyos. Kayo ba ay nangangakong dadalhin ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pagtuturo at pagiging saksi nito? Katekista: Opo, nangangako ako Pari Kayo ba ay nangangako na ipagpapatuloy ang inyong paglilingkod na inyong sinimulan lalo na sa apostolado ng katekesis? Katekista: Opo, nangangako ako Pari Kayo ba ay na ngangako na maging bukas sa inspirasyon ng Espiritu Santo at handang magbahagi nito sa inyong kapwa? Katekista: Opo, nangangako ako Pari Kayo ba ay nangangako na dadalo sa lahat ng mga paghuhubog upang lalong mapalalim ang inyong personal at espiritwal na ugnayan sa Diyos at sa inyong kapwa Katekista: Opo, nangangako ako Pari Itaas ninyo ang inyong kanang kamay at sabay-sabay ninyong dadasalin ang panalangin ng Pagtatalaga ninyo bilang mga Katekista ng ating Parokya. Katekista: PANALANGIN SA PAGTATALAGA NG MGA KATEKISTA Diyos Amang Makapagkalinga sa iyong kagandahang-Loob at mapagpalang pagkalinga ay pinili at hinirang Mo kaming mga Katekista upang tahakin ang buhay-kabanalan. Kasama ni Jesus na aming Kapatid, tinawag Mo kaming makiumisa sa Kanyang misyong pagka-Hari, pagka-pari, at pagka-Propeta.
  • 4. 4 Sa tulong Mo, itinatalaga naming muli ang aming mga sarili ngayong taong 2017-2018 sa paghuhubog na isinasagawa ng Komisyon ng Katekesis dito sa aming diyosesis, sa pagtuturo sa mga kabataan sa paaralan, at pagbibigay ng katekesis sa mga mananampalataya sa aming parokya. Isinugo Mo ang iyong Banal na Espiritu upang ipagkaloob sa amin ang mga biyayang aming kinakailangan sa ministeryong ito para sa kapakanan ng higit na nakararaming kaanib ng Simbahan at para sa ikaluluwalhati ng iyong banal na pangalan. Buong kagalakan kaming nagpapasalamat sa palagian Mong pamamatnubay sa amin simula pa man nang kamiy iyong likhain, sa araw-araw naming paglalakbay sa pananampalataya higit sa aming pag-asang saw akas ng panahon, ikay makakasama namin sa kalangitan. Sa pamamagitan ng presensiya ng Santissima Trinidad, naway makapaglingkod kaming tunay at may buong katapatan upang ang aming pagkakasugo at pagtatalaga ngayong araw na ito bilang mga katekista ng Parokya ni San Rafael Arkanghel ay maging buhay na tanda ng mahabaging awa ng Diyos na nakakatagpo namin sa Banal na Eukaristiya. Nananalig kami na sa Binyag ay tinanggap namin ang kapangyarihang maging mga lingkod. kaya. kaisa ng lahat ng mga katekista sa buong Diyosesis ng Daet, itinatalaga namin na kamiy maglilingkod sa ikatatatag at ikalalago ng aming Diyosesis at Parokya sa patnubay ng aming Kura-Paroko at ng mga tagapaghubog ng Komisyon ng Katekesis. Kaisahan nawa kami ng Diyos, sa tulong ng panalangin ng ating Inay Candi, San Rafael Arkanghel at ng Patron ng mga Katekista na sina San Lorenzo Ruiz at Pedro Calungsod. Amen. Pari Tinatanggap ko ang inyong pagtatalaga at pangako bilang mga katekista ng ating parokya. Kaisa ninyo ako sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Naway gabayan kayo ng Banal na Espiritu sa mga gawaing ito at patuloy na tumugon sa Kanyang tawag. Commentator: Ngayon ay isasagawa nila ang paghalik sa Krus. Ang paghalik sa KRUS ay tanda ng kanilang paglilingkod at pagtatalaga habang hawak-hawak nila ang kandila na simbolo ni Kristo, ang tatanglaw sa kanilang gawain, habang kanilang hinahalikan ang Krus nakapatong ang kanilang kamay sa Banal na kasulatan ito ang Salita ang Diyos na kanilang ipinapapahayag tanda ng kanilang pagtugon, pagsunod at maalab na pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa. Ang mga sponsor ng mga katekista ay nakapatong ang kanilang kanang kamay sa kanang balikat tanda ng kanilang patuloy na pagsuporta at pagtulong sa gawaing pang-katekesis.
  • 5. 5 Pari Halikan ninyo ang Krus tanda ng iyong paglilingkod kay Kristo at sa Inang Simbahan. Naway patuloy kayong magpahayag ng Mabuting Balita ng may pananampalataya sa Diyos. Sa ngalan ng +Ama ng Anak at ng Espiritu Santo. Katekista Amen Isa-isang lalapit at luluhod ang maga katekista kasama ang kanilang sponsor/s (pagkatapos ng paghalik sa krus ay isusunod ang panalangin ng mga katekista) Commentator: Magsiluhod po ang lahat para sa panalangin ng mga katekista Katekista : PANALANGIN NG MGA KATEKISTA Amang makapangyarihan kamiy dumadalangin sa Iyo Naway pagpalain Mo kaming iyong mga katekista Sa daigdig na ito na magulo at madilim, Kamiy hinirang Mo upang maging tagapagpahayag ng iyong Salita. Panginoong Jesus, gawin Mong kami ay maging kaisa Mong lagi Sapagkat kami ay sa iyo. Nawa ang hiwaga ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay ang siyang Pagbuhatan ng tunay naming pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat. Halina Espiritung Banal, liwanag at aming gabay, Manatili ka nawa sa aming piling. Gawin Mo kaming tagapaghatid ng iyong pagmamahal kung saan nagkukulang nito. O Maria, Ina at huwaran naming mga katekista, Tulungan Mo kaming maging tapat na tulad mo. Naway maitanim namin sa aming puso ang Salita ng Diyos At mamuhay ayon sa aming pananampalataya. San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo Kami. San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo Kami (pagwiwisik ng banal na tubig)
  • 6. 6 Pari Mga kapatid malugod ko pong inihaharap sa inyo ang mga Katekista ng ating parokya. Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan tanda ng ating pagtanggap at pagsuporta sa kanila. (haharap ang mga katekista sa mga tao sabay ang pag BOW)
  • 7. 7 Asst. Coordinator: Ngayon po ay bibigyan natin ng parangal ang mga naging katekista ng ating parokya na naglingkod sa mahabang panahon. Kung mangyari po ay lumapit sa altar kapag tinawag ang inyong pangalan: Sis. Gertrudes Alvarez Sis. Leonora Nery Sis. Amelita Banal Sis. Clarita Delos Santos Pari Mga Kapatid bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan.